Chapter Fifty One

12K 146 12
                                    

"Jealousy, that dragon which slays love under the presence of keeping it alive." - Havelock Ellis

Song for this chapter:

Paris In The Rain by LAUV

One More Light by Linkin Park

Consequences by Camila Cabello

Chapter 51

Chapter 51

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NOVEMBER

"Uy, birthday mo na pala sa Saturday!"

Napabuntong hininga ako ng marinig yon na saibihin ni Raine.

Sa totoo lang isa siguro ako sa taong nabubuhay dito sa mundo na hindi nagcecelebrate ng birthday.

Special day na nangyayare lang sa isang taon.

Why?

Wala na akong time para sa sarili ko kaya paano pa ako makakapaghanda para sa kaarawan ko kung busy ako parati para magtrabaho.

Pinapalagpas ko na lang ang kaarawan ko na parang ordinaryong araw.

Madalas kada taon nasa ospital ako non o di kaya kumakayod para may panggastos sa mga bayarin naming dalawa ni auntie Raquel.

I'd rather spend all my money on her expenses than me.

Kung tutuusin kulang pa nga yung pera na napagtatrabahuhan ko kaya kailangan doble kayod para kahit paano makaraos kami araw-araw.

Nalulungkot ako kasi ngayon naalala kong parating na naman pala ang birthday ko.

Sa pagkakataon na to ako na lang mag-isa at hindi ko na kasama ang babaeng tumayong ina at ama para sa akin.

I miss her.

"Yieee, anong gusto mong iluto ko sayo?" Someone's nudging my shoulder.

Sinulyapan ko si Raine at pilit na ngumiti.

Sana hindi niya napansin na nalungkot ako sa pinaguusapan namin ngayon.

"Kahit ano."

"Kahit ano? Ang hirap kaya magluto ng kahit ano..."

"Kahit ano namang lutuin mo masarap. I-surprise mo na lang ako."

"Napressure naman ako diyan sa sinabi mo."

Gusto kong dalawin si auntie Raquel. Matagal na din nung huli ko siyang nakausap at nakasama. Hindi pa kasi ako handa at wala sa isip ko na iiwan na niya ako ng tuluyan mag-isa dito sa mundo.

Hindi ko kaya.

Nung mga panahon na bumitiw na siya pakiramdam ko katapusan ko na.

Akala ko nga hindi ko na magagawang mabuhay pa.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon