Chapter Six

31.2K 359 11
                                    


"People cry not because they're weak. It's because  they've been strong for so long." - Johnny Depp

Song for this chapter:

Castle by Halsey

Chapter 6

Pagdilat pa lang ng mata ko kanina sakit agad ng katawan at ulo ang naramdaman ko. Parang may pumukpok na kung anong bagay sa katawan ko lalo na sa gawing braso.

Napansin ko agad kung gaano kalambot ang inuupuan ko ngayon.

Grey sheets.

White walls.

Unfamiliar scent.

Furniture that costs way too much.

Na saan ako?

Nirecall ko ang nangyare kagabi. Hindi na ako nakapagserve ng inumin sa mga customer dahil hinatak ako ng bouncer papunta sa isang room kung saan muntik na akong marape ng matandang pulitiko.

Yung lalakeng nakasuot ng business suit na itim siya yung nagligtas sa akin pero nagkamali ako isa rin siya sa kanila.

Wala siyang pinagkaiba.

Sinibukan kong tumakas para sa kalayaan ko pero sa huli nahuli pa din ako.

Sa Private room...

Ayoko ng maalala pa ang mga kababayuan na nakita ko kagabi.

Sinubukan kong makabangon at umayos ng upo.

Mahigpit na niyakap ang sarili.

May ginawa siya sakin kagabi.

Meron siyang tinurok na kung ano sakin para mawalan ako ng malay.

Tinignan ko agad ang suot ko.

Hindi ito ang damit ko.

I was wearing a shirt that's way too big in my size.

Na saan na ako?

Dinala ba ako ng lalakeng yon dito?

May ginagawa ba siya saking hindi maganda nung wala pa akong malay?

Hayop siya.

Tinignan ko ang suot kong panloob at nakahinga ako ng maluwag ng makita na iyon pa din ang suot ko kagabi.

Wala akong kakaibang nararamdaman sa katawan ko maliban sa sakit sa braso na ngayon nakita ko ang marka ng pasa.

Tumayo ako agad at sinilip ang bintana.

Nakakasilaw ang sikat ng araw.

Halos wala akong makitang ibang bahay maliban sa mga puno sa labas. Sa tingin ko nasa 2nd floor ako kung hindi ako nagkakamali dahil sa taas ng nakikita ko ngayon sa labas.

Kaba at takot ang naramdaman ko.

Naglakad ako at lumapit sa pinto.

Nakalocked.

Kinulong niya nga ako.

"BUKSAN NIYO ANG PINTO!!!" sigaw ko habang hinahampas ang kahoy na pinto.

"PAKAWALAN NIYO KO!!!"

Nakailang beses akong sumigaw hanggang sa mapaupo ako sa sahig habang umiiyak.

Si auntie Raquel...

Makikita ko pa kaya siya?

Alam kong nagaabang na siya sa paguwi ko ngayon pero sa lagay ko dito matatagalan ako bago makalabas.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora