Chapter Eighteen

22.5K 210 33
                                    



"The same people who are candy to our eyes can be poison to our hearts. Study their ingredients before feeding them to our soul." - anon

Song for this chapter:

At My Best by Machine Gun Kelly ft. Hailee Steinfeld

Chapter 18

Chapter 18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARIANA

Wala na akong kasama sa kama paggising ko kanina. Hindi na ako nahirapang bumangon hindi katulad nung nandito pa si Justin na katabi ko. Ayaw niya akong patayuin na kadalasang dahilan niya inaantok pa siya kaya ilang minuto pa ang inaantay ko bago tuluyang maka-alis ng kama.

Ililipat na dito sa kwarto niya ang mga gamit ko mula sa kabilang kwarto kung saan ako dati natutulog.

Syempre wala naman akong magagawa dahil sa huli ang gusto niya ang masusunod.

Pumunta ako sa bathroom ng kwarto niya nakita ko agad yung mga hile-hilerang hair products, moisturizer at kung anu-anong gamit na panglalake.

Ang kalat.

Ang gulo tignan.

Nalilinis kaya to ni Raine?

Nalilinis niya kaya tong kwarto na to?

Nandon pa yung pinaghubaran ni Justin na pantalon nung isang araw.

Yung towel na nakalapag lang sa gilid.

Malaki at maluwag talaga tong space ng kwarto niya kesa sa ibang room dito sa bahay kaya malakas ang loob ng lalakeng to na isiksik dito yung mga gamit ko tulad ng gusto niyang mangyare.

Kung ito ang gagamitin kong bathroom simula ngayon ako na ang magoobligang maglinis at magoorganize ng mga gamit dahil sa aming dalawa sa ayaw at sa gusto ko ako lang ang mag-aayos.

Hindi ko maimagine na naglilinis si Justin ng sarili niyang bathroom.

Wala siyang patience lalo na't naiinis siya agad at mainitin ang ulo.

Sabagay mayaman siya at madaming pera na pwedeng ipangbayad para gawin ang bagay na to para sa kanya.

Sinimulan kong ayusin ang mga products na nakakalat at nilagay don sa proper place nila.

Kinuha ko rin yung pinaghubaran niyang damit at nilagay sa laundry basket.

Inayos ko yung pagkakalagay ng towel.

Nakuntento naman ako sa kinalabasan kasi mas naging maaliwalas sa paningin ko.

Hindi tuloy ako nakapag-ayos ng sarili ko.

Kumuha lang ako ng shorts para may maisuot pangibaba maliban sa shirt ni Justin na damit ko ngayon. Mamaya na ako magpapalit para kumain muna ng almusal sa baba.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon