Chapter Eight

27.6K 327 10
                                    


"We tend to judge others by their behavior and ourselves by our intentions." - Albert F. Schlieder

Song for this chapter:

Shape Of You by Ed Sheeran

Chapter 8


Nakatulala sa kawalan.

Hindi ko ininda ang lamig ng bawat patak ng tubig sa katawan ko.

Kanina pa ako nakatayo dito sa sa loob ng c.r. hinayaang lumamig ang tubig na lumalabas sa shower na kanina mainit pa.

Ibig sabihin lang non matagal na ako dito sa loob.

Nanaginip ako ng masama kagabi.

Paulit-ulit na narerecall ng utak ko ang mga nangyare sa akin nitong mga nakaraang araw.

Yung bouncer na humatak sakin...

Nakikita ko sa panaginip ko yung mukha ng matanda...

Yung pagtakas ko...

Yung bouncer na sinakal...

Yung baril...

Takot.

Kaba.

Si Justin.

Si Auntie Raquel.

Hindi ako makahinga.

Pakiramdam may taong sumasakal sa akin hanggang sa magising ako na pawis na pawis at umiiyak.

Hinahabol ang hininga sa bawat patak ng luha sa mga mata ko.

Masisiraan ako ng bait dito.

Mababaliw na ako kakaisip kung paano makaka-alis sa bahay na to.

Makaka-alis pa ba ako?

Magagawa ko pa bang tumakas?

Makakalabas pa ba ako ng bahay na ito ng buhay?

"Ariana..."

Napa-atras ako ng marinig na may bumukas ng pinto.

Kilalang-kilala ko na ang boses na yon.

Anong ginagawa niya dito?

Hindi niya ba alam ang salitang privacy?

Shower curtain lang halos ang nakapagitan sa aming dalawa at alam kong kapag lumapit siya makikita niya ang hubad kong katawan ko.

Umatras ako at naramdaman ang lamig ng tiles sa likuran ko.

"Ariana, magsalita ka o pupuntahan kita diyan."

Napahawak ako sa dibdib ko at naghanap ng pwedeng iharang sa katawan ko.

"B-Bakit?" I stuttered nervously.

Alam kong seryoso siya don sa sinabi niyang papasok siya dito ngayon sa loob kasama ko.

Papasukin niya ba ako dito kahit alam niyang nakahubad ako?

Dito niya na ba pipiliting gawin ang gusto niya sakin?

Hindi pwede.

"Wag ka ng magbabalak tumakas ulit mahahanap at mahahanap kita."

Hindi ko na nagawang kumibo.

"Sumunod ka sa baba para kumain."

Napabuntong hininga na lang ako ng marinig ulit ang pagbukas at sara ng pinto.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now