Chapter Sixty Seven

3.9K 75 2
                                    

"They will only care when you're gone." - Marilyn Monroe

Song for this chapter:

Breathin by Ariana Grande

R.E.M (Live) by Ariana Grande

Chapter 67

"This way baby..." I was snapped back to reality when I heard Justin's voice on my right ear.

Mula sa older version ni Justin na nakita ko kanina ibinaling ko ang tingin ko sa lalakeng katabi ko.

His face was blank and expressionless.

Sinubukan ko siyang ngitian para maibalik yung playfulness niya kani-kanina lang pero di ako nagtagumpay.

Para bang nakasuot siya ng maskara ngayon na ibang tao na ang may hawak sa akin.

Kamay na nakalagay sa likod ko ang umalalay sa akin hanggang sa makarating na kami sa pwesto namin.

Inusad niya ang upuan para sa akin.

Naupo agad si Justin na katabi ko na ngayon.

Ang weird lang sa pakiramdam para bang nagbago ang atmosphere ngayon.

Kung kanina ang gaan sa pakiramdam lalo na't nagagawa naming gumalaw ng malaya ngayon parang may boundary na.

May mga matang nakatingin.

Nakamasid sa bawat kilos at galaw ng bawat isa.

Sinubukan kong wag na lang ito pansinin pero di ko maiwasan na mailang lalo na't alam ko ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

Nawalan ako ng gana sa pagkain.

Pinipilit ko na lang ubusin yung nilagay ko sa platong nasa harapan ko.

Andon pa din ang constant na kakulitan ni Jaxon at Jazmyn habang busy ang lahat sa pagkain.

Naguusap din paminsan-minsan sila Tita Erin at ang asawa niya.

Tahimik lang ako.

Kaming dalawa ni Justin ng bigla na lang mapunta ang usapan sa akin.

"Honey..."

Napatingin ako kay tita Erin na nasa right side ng daddy ni Justin.

Nginitian ako ni tita Erin ng magtama ang tingin naming dalawa.

"... I'd like you to meet Ariana--"

Hinawakan ni Justin ang kamay ko sa ibabaw ng table.

"She's my girlfriend." Tinapos ni Justin ang sasabihin sana ng step-mom niya.

The man who was Justin's father Jeremy was looking at me.

He looks so intimidating.

Sa aura niya mararamdaman mong maimpluwensyang tao siya.

Takot.

Nakaramdaman ako ng takot lalo na sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Para ba akong binabalatan at kinakalkula ang bawat galaw ko.

Naramdaman ko ang kamay na sinusubukan akong pakalmahin na may hawak sa kamay ko.

Napatingin ako agad sa lalakeng nakatabi ko.

Wala dapat akong ikatakot o ikakaba kasi andito siya sa tabi ko.

Andito si Justin hindi niya hahayaan na may mangyare sa akin.

Unti-unti ng nababawasan ang pressure na nararamdaman ko.

Justin tried to comfort me by gently squeezing out intertwined hands.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now