Chapter Sixty Six

3.8K 68 8
                                    

"Love is like a wind, you can't see it but you can feel it." - Nicholas Sparks

Song for this chapter:

Christmas Love by Justin Bieber

Mistletoe by Justin Bieber

Santa Tell Me by Ariana Grande

Chapter 66

Ang agenda namin ngayon magprepare na ng mga ihahandang pagkain mamayang gabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang agenda namin ngayon magprepare na ng mga ihahandang pagkain mamayang gabi. Ilang plastic bags ang nakalapag ngayon sa kitchen island.

Di ko malaman kung anong uunahing gawin.

Gusto kong tumulong dahil alam kong matrabaho ang mga lulutuing pagkain.

Kailangan ng mas maraming kamay para magawa lahat ng nasa listahan.

Busy na ang lahat.

Isa-isa ng nilalabas ang mga pinamiling ingredients at nagsimula ng maggayak nito.

Nakitabi ako kay Rowena habang naghihiwa siya ng sibuyas.

Kumuha rin ako ng sangkalan para tulungan siya.

Pinapangunahan ngayon ni Miss Diana ang pagluluto.

Siya ang head cook.

Bale pang-apat ako ngayon at panglima si tita Erin na kakalagay pa lang ng apron.

"Oh, darling bakit andito ka?" Tanong sa akin ng makita ako.

"Tutulong po ako tita..."

Lumapit siya sa akin at kinuha yung hawak ko.

"No sweetheart wag na."

"Pero tita... Okay lang naman po--"

Pinatayo niya ako at sinabayan papunta sa pinto na pinasukan niya lang kani-kanina.

"Kami ng bahala dito."

Hinawakan nito ang balikat ko.

"May hihingin sana ako sayong pabor okay lang ba?"

"Uh... Ano po ba yon?"

"Pwede bang ikaw na ang magasikaso sa decoration ng bahay? May mga decoration na naitago sa bodega pinakuha ko na."

Hinawakan ni tita Erin ang kamay ko.

"O sige po."

"Thank you so much." She patted my cheeks softly.

Binitawan na niya ang kamay ko.

"Kami ng bahala rito okay? May tutulong naman sayo don't worry gusto ko lang na may magbantay sa kanila para matapos agad."

Imbis na nasa kusina ako kasama nila Manilyn na nagpreprepare na ng mga pagkain andito ako ngayon sa sala.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now