Prologue

7.7K 313 6
                                    

"Cindy - we've been through this," ang sabi ni Alden habang pinagmamasdan ang fiancée na kasalukuyan ay nasa ikaapat na buwan ng kanyang pagbubuntis.  Pabalik balik ang dalaga ng lakad sa sala ng malaking bahay ng pamilya ni Alden na tila balisa.  Halata sa mukha nito ang pagkasuya sa kung ano man ang pinaguusapan nila.

"Hindi mo ipalalaglag ang bata," dagdag pa ni Alden, habang siya ay napakunot-noo ng tiningnan siya ng masama ni Cindy.   

"And what of my career, Alden?! Huh?  What?!  Am I to just leave my modeling like that?" pasigaw na sambit ni Cindy sa binata. Tumigil ito sa paglalakad at napaupo sa katapat na sofa kung saan nakaupo si Alden.  Napabuntong hininga ang dalaga sabay tinakpan ang mukha ng dalawang kamay. Narinig na lang ni Alden na bigla itong humihikbi.  

"I already told you, Cindy.  I will take care of you.  Of our child.  Hindi mo na kailangan na magtrabaho," mahinahon na paliwanag ni Alden.  Lumapit ito kay Cindy at umupo dahan dahan sa tabi nito.  Niyakap niya ang dalaga habang patuloy naman sa pagiyak si Cindy.  

"You don't understand," aniya ni Cindy habang patuloy sa paghikbi. Tinanggal nito ang mga kamay sa mukha at tiningnan si Alden na parang nagmamakaawa.

"You have your own family business to take care of, you are a  made man.  Ako?  Modeling ko lang ang pinanghahawakan ko.  Without it - I..." hindi na naituloy ni Cindy ang sasabihin.  Tumayo ito at umalis sa yakap ni Alden.  

"And don't think na hindi ko alam na kaya ka lang nag propose sa akin ay dahil nabuntis mo ako.  If not for this - this - THING - growing inside me, hindi mo maiisipang pakasalan ako.  Don't pretend otherwise, Alden," ang nagngingitngit na sabi ng dalaga.  

"But that is the right thing to do, Cindy.  Pinanagutan ko lang lahat ng nangyari sa atin.  Gusto kong lumaki ang bata ng maayos. Na may pareho siyang magulang.  Na ang apelyido niya ay akin."

Hinarap ni Cindy si Alden.  Tila nagpantig ang tenga ng dalaga sa mga nasabi na iyon ni Alden. Naningkit ang mga mata nito.

"The right thing," pabulong na sinabi ni Cindy.  "The right thing to do here is to abort this thing, end our engagement, go our separate ways and let me continue with my life!" pasigaw na bungad ng dalaga kay Alden.

Napapikit si Alden at tila kinokontrol ang saloobin.  Ayaw niyang sagutin ang dalaga dahil alam niyang delicate ang sitwasyon nito.  Napahinga siya ng malalim sabay tumayo at nilapitan si Cindy. Makikita sa mga mata ng binata ang determinasyon.  

"Hindi mo ipaa-abort ang bata, Cindy," tahimik ngunit mariing sabi ni Alden. Hinawakan niya ang braso ng dalaga dahil tumalikod ito at tila aalis na sa bahay nila. Hinarap niya sa kanya si Cindy at tinitigan ng mabuti. 

"Itutuloy mo ang pagbubuntis.  Kung ayaw mo sa bata, fine.  Once you're done with this pregnancy, leave the child with me and go on with your life.  I don't care anymore.  But while you are still carrying MY CHILD, Cindy - you are going to do everything I tell you to.  EVERYTHING that concerns MY CHILD," tahimik na bulalas ni Alden kay Cindy.  

Tiningnan lang ni Cindy ang binata sabay kinuha pabalik ang braso niya.  Tinanggal niya ang engagement ring na suot na kakabigay lang ni Alden nung isang araw. Binato niya ito ng pabalang sa binata.  Nahulog lang ang singsing sa marmol na lapag ng bahay nina Alden.  

"Fine, Alden. I will do what you say with regards to this thing I'm carrying. But you and me?" aniya ni Cindy habang tinuturo ang sarili at si Alden. "We're done." Tumalikod na si Cindy kay Alden at mabilis na umalis sa bahay ng binata. 

Matagal na nakatayo at nakatingin sa pinto si Alden kahit na matagal ng nakaalis si Cindy.  Hindi niya malaman kung anong mararamdaman sa paguusap nila.  Kinuha niya ang singsing sa sahig at dahan dahang umupo muli sa sofa.  

Iniikot niya sa mga kamay niya ang singsing habang nakatingin sa kawalan. 

Tama ba ang naging desisyon ko?






Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now