Chapter 25

6.4K 390 47
                                    

Isang buwan ang nakakalipas....

Nakakunot-noong binabasa ni Alden ang mga papeles na dumating sa kanyang opisina ng umagang iyon.  Hindi niya maintindihan kung bakit sa tinagal-tagal ng panahon - eh ngayon pa dumating ang ganito sa buhay niya.  Kung kailan masaya na siya.  Kung kailan ok na ang lahat. 

Saka pa may e-eksenang ganito sa tahimik at matiwasay niyang buhay.

"Oh, bakit nakabusangot ka naman ngayon diyan?" bati ni Sam sa kanya, siyang pagpasok sa kanyang opisina.  "I have the reports from the ongoing construction in Cebu, by the way.  The numbers match from what Accounting gave me so wala naman tayong problema."

Hindi ito pinansin ni Alden bagkus ay nakatungko pa rin ito at binabasa ang hawak na papel habang lalong lumalalim ang pag-simangot nito.  Maya-maya lamang ay bumalikwas ito at sumandal sa kinauupuan at pumikit, habang hinahaplos ang noo. 

"Paps, ano bang nangyari at ganyan na lang ang inaarte mo?"

Hindi sumagot si Alden sa halip ay hinarap nito ang mga papel sa harap niya kay Sam.  Buntong-hiningang kinuha ni Sam ang mga ito at binasa.  Maya-maya lamang ay nanlaki rin ang mga mata nito at tiningnan si Alden na tila gulat na gulat sa binasa.

"Alden - ano ito?  Bakit may ganito?"

Malakas na napabuntong-hininga naman si Alden at seryosong sinabihan si Sam.  "I need to have a meeting with our lawyers.  I want to make sure this is legit.  I don't know why she's doing this now after almost 5 years na wala kaming communication.  And then all of a sudden, she wants custody of Baste?  My son doesn't even know her!"

"Paps..."

"Iwan mo muna ako, Sam.  I need to gather my thoughts," mahinang sambit ni Alden.

"You need to tell Maine about this," ani Sam habang naglalakad papunta sa pinto ng opisina ni Alden.  "She needs to know about this.  Especially since napamahal na rin sa kanya si Baste."

"I know that, Sam," tugon naman ni Alden habang hinihimas ang sentido.  "But not right now.  I want to make sure about this first.  I need to know all the details so I could fight this.  Whatever she's planning - she shouldn't win.  She wouldn't.  I won't let her. "

Tumango lamang si Sam bago siya nito tuluyang iniwan sa kanyang mga kuro-kuro.

I won't let her.  I won't ever let her near Sebastian.  And most especially, Maine.

//

"Teacher Maine!  Teacher Maine!  Look!  Look! I drawed this for you!"

"Drew, baby.  It's drew," nakangiting sagot ni Maine kay Baste habang yumuko ito para makita kung ano ang iginuhit ng bata para sa kanya. 

"Yun nga po, drew.  Teacher Maine, do you like it?" nahihiyang tanong ni Baste habang iniaabot ang kanyang guhit sa dalaga.

"This is very beautiful Baste.  Can you tell me more about it?"

Uwian na ng mga bata at isa-isa ng sinusundo ang mga ito ng kani-kanilang mga magulang.  Isa si Baste sa mga naiwan pa, ngunit hindi naman ito alintana ni Maine pati na rin ni Baste dahil gusto naman nilang magkasama pa ng matagal.  Tumawag naman si Alden at nasabing mahuhuli ito ng ilang minuto sa kadahilanang may tinatapos ito sa opisina.

Habang inilalarawan ni Baste kay Maine ang kanyang iginuhit ay nakarinig sila ng ingay at parang maliit na kaguluhan sa labas ng classroom nila.  Napakunot-noo si Maine at bahagyang tiningnan nito si Izza sa kabilang dako na nagaayos ng mga nakakalat na laruan.  Kibit-balikat namang sumagot si Izza sa tahimik na tanong ni Maine at pinagpatuloy ang pagaayos nito.

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now