Chapter 7

5.4K 294 6
                                    

Rinig na rinig ang bass tone ng tugtugin na nanggagaling sa loob ng club na pinuntahan nina Maine at Izza.  Kakatapos lang nilang kumain ng hapunan sa Makati at ngayon ay nasa labas ng isang exclusive club sa Global City.  Medyo nagdadalawang-isip si Maine na pumasok ng makita ang mga taong pumapasok sa naturang club.  Tipong lahat ay nakapusturang suot at lahat ay siguradong may sinabi din sa buhay. Nakaka-intimidate naman ito

"Iz, I don't think I want to go inside," ang sabi ni Maine kay Izza habang napapatingin sa mga taong dumadaan sa harapan nila.  

"Nonsense! Come on!," udyok ni Izza at hinila ang braso ng kaibigan.  "Remember Frankie? 'Yung highschool barkada ko? He owns this place.  We'll get in for free plus I'll see if we can get one of the VIP tables," pakindat na sabi ni Izza kay Maine.  

Walang nagawa si Maine kung hindi ang sumunod sa kaibigan na pumasok na sa loob.  Dire-diretso si Izza na tumuloy sa loob at pagdating sa bar ay dali-daling tinawag ang isa sa mga bartender na naghahalo ng inumin. 

"Frankie! Over here!" sigaw ni Izza para marinig sa lakas ng tugtugin habang sinusubukan na makuha ang pansin sa isa sa mga bartender na nandoon. 

Frankie?  Frankie's a bartender?  I thought he owns this place?

Maya-maya lamang ay narinig ni Frankie ang pangalan at napalingon sa kung nasaan sina Maine at Izza.  Napangiti ito ng makita ang kaibigan na si Izza. 

"Izza!" malakas na bungad nito.  Binaba niya ang basong hawak at pinuntahan ang mga dalaga. Niyakap nito si Izza at nginitian naman si Maine.  "Long time no see! I'm glad you were able to make it tonight."

"Of course! Ikaw pa, lakas mo sa'kin 'chong!" patawang sagot ni Izza.  "Oh, by the way.  Maine, this is Francisco Abella, the big bad owner of this up and coming club.  Frankie - this is Maine Mercado, my co-teacher dun sa preschool where I work." 

Inabot ni Frankie ang kanyang kamay para makipagkamay kay Maine.  Ngumiti lang si Maine at iniabot din ang kamay para makipagkilala.  

"Nice to meet you, Frankie.  Your club is very... uhm, nice."  Why is he staring at me like that? Nakakailang naman ito! Para akong gustong kainin nito ng buhay. 

"The pleasure is all mine," sagot ni Frankie sabay hinalikan ang kamay ni Maine.  Dali dali namang tinanggal ni Maine ang kamay sa pagkakahawak ni Frankie.  Napangiti ito ng pilit at tiningnan ng hindi kagandahan ang kaibigang si Izza na ngingisi-ngisi sa tabi nila.

"Anyway, Frankie - sabi mo bigyan mo kami ng VIP table?" tanong ni Izza habang si Maine naman ay dahan-dahang pumunta sa likuran ng kaibigan.

"Of course! Anything for beautiful ladies such as yourselves!"

"So you bartend din pala?" dagdag na tanong ni Izza habang lumakad sila patungo sa pangalawang palapag ng naturang club.  Pagdating sa taas ay may makikitang lubid na may nakasabit na "VIP ONLY".  Meron ding dalawang bouncer na nakabantay.  Sa senyas ni Frankie, tinanggal ng isa sa mga bouncer ang lubid at pinatuloy sila sa loob ng VIP area.

"I do.  Kapag walang magawa - it's a hobby.  It's one of the reasons why I opened this club when I got my trust fund," paliwanag ni Frankie habang naglalakad patungo sa isa sa mga lamesa na bakante.  

"Never thought that you would go through this route.  Gulat nga ako when I asked for you downstairs and they told me to go to the bar because you were mixing drinks," patawang dagdag ni Izza.

Ngumiti si Frankie.  "Well, here you are," sabay turo sa isang lamesa na may dalawang magkaharap ng love seat na malapit sa balkonahe ng pangalawang palapag.  "One of the good VIP tables here.  Malapit sa balcony so you can see the crowd downstairs and see the DJ playing also.  If you need drinks or pika-pika, just signal for one of the waiters or waitresses.  Drinks are on the house - I'll let them know."

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now