Chapter 28

6.9K 415 67
                                    

"I love you, too. See you! Ingat sa pagdrive!"

Masayang binaba ni Maine ang telepono matapos makipagusap sa kasintahan.  Oo nga at halos patapos na ang kanilang pakikipaglaban kay Cindy patungkol sa custody battle na sinampa nito patungkol kay Baste - ngunit ang kanilang relasyon ay patuloy ang pag-usbong. 

It's not always smooth-sailing but he loves me, I love him and that's what matters most.

Nakangiting nagaayos si Maine ng kanyang mga gamit bago tuluyang lumabas ng kanyang silid. Dumaan muna ito sa opisina ni Jake upang magpaalam bago tuluyang lumabas ng GCPS.

"Jake?" mahinahong tanong ng dalaga habang kumatok sa bukas na pinto ng principal.

Tumingala naman si Jake ng marinig ang pangalan at napangiti ng makita si Maine. "Oh, Maine! What's up? Pauwi na ba?"

"Ah, oo eh. Malapit na si Alden. I was wondering if I could email my report to you na lang tonight. I'm almost done na naman and I was about to email it to you kaso si --"

"It's fine, Maine," ani Jake, habang umiiling ng bahagya ng may kasamang ngiting nanunukso. "Make sure you email it to me tonight, though. Baka masyado ka namang maging busy nyan with Mr. Rioja."

Agad na kinamulahan si Maine sa mga sinabing iyon ng binata, bagay na ikinatawa ng malakas ni Jake. "Go, Miss Mercado. Before I change my mind. Have a great weekend and I'll see you back on Monday."

"Thanks, Jake. See you and have a great weekend, too!"

Pahapyaw na kumaway si Maine bago tuluyang umalis sa opisina ni Jake at dumiretso palabas ng GCPS. Naglakad na palabas si Maine habang may inaayos ito sa loob ng kanyang laptop bag kaya hindi niya napansin kung sino ang naghihintay sa kanya sa may labasan.

"And there she is. The woman who stole everything from me."

Biglang napatingala si Maine ng marinig ang boses na yun at napakunot-noo.

Anong ginagawa nito dito?!

"Anong ginagawa mo dito, Cindy?" mahinahong tanong ni Maine sa dalagang naka-ismid sa kanya. "You shouldn't be here. Alam mo naman na --"

"Ikaw ang pinunta ko dito."

Natigilan bigla si Maine at pinagtaasan ng isang kilay si Cindy. 

Ako??  Ako talaga ha?!  Anong kailangan ng gagang labanos na ito sakin??

"Oookkk... I'll humor you, Cindy. What do you want?"

Hindi agad sumagot si Cindy bagkus ay tiningnan nito si Maine mula ulo hanggang paa.

Aba, at talaga naman. Kala mo ke ganda ganda mo, 'no? Eh maputi ka lang, leche. Lamang ka lang sa skin color, 'no!  At ok - fine. Pati sa height. Atsaka sa boobs. Atsaka --

TAKTE MENGGAY -  MAGTIGIL KA NGA SA PAGKUKUMPARA SA INYONG DALAWA! IKAW ANG MAHAL NI ALDEN OK?? TATAK MO SA KOKOTE MO YAN! JUSKO. Wag magpapadala sa mga sinasabi ng taragis na labanos na 'to.

"I haven't got all day, Cindy.  Parating na si Alden at --"

Natigilan si Maine ng biglang tumawa ng malakas si Cindy.  Matapos ay tiningnan nito muli ang dalaga ng pa-ismid.  Dahan-dahang nilakaran ni Cindy si Maine paikot na tila ine-eksamina nito ang buong pagkatao ng dalaga.

Breathe in and out, Menggay.  Kaya mo 'to.  Kahit na gusto mo nang ingudngod ang mukha nito sa semento dahil kala mo kung sino... Be the better person.  Wag mo ng i-engage ang gagang 'to.

"Seriously, I cannot see what he sees in you.  You're so... So... Plain.  Ni hindi ka nga marunong mag-ayos ng sarili mo.  Look at what you pair with your skirt.  Really?  That top?  It's clashing horribly with your skin tone.  Tapos --"

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now