Chapter 24

6.5K 347 40
                                    

Business tycoon, Alden Rioja, is lately seen in the company of a beautiful woman, spiking speculations that the once most eligible bachelor in the country is now presumably taken.

Rioja, 28, is the current CEO of Rioja Group of Companies - one of the country's leading corporations that delves into different business ventures.

Here he is, photographed with said woman, who at the moment remains anonymous....

//

Nilamukot ni Frankie ang binabasang pahayagan bago ibalibag ito sa may bandang pinto ng kanyang opisina sa sarili nitong club.

She should have been mine. That fucking Rioja. He always has to compete with me. I already told him - Maine is mine.

Nanatiling tahimik si Frankie at iniisip pa rin ang kanyang nabasa lamang.  

I need to find a way to get Maine from that Rioja.  Mas mayaman naman ako ng di hamak.

Ilang saglit lamang ay biglang kumatok ang sekretarya nito.

"Sir, may bisita po kayo."

"Busy ako. Sabihin mo kahit sino pa yan na wala ako sa mood makipagusap. Basta! Sabihin mong busy ako!"

"Pero sir --"

"Frankie..."

Natigilan si Frankie ng biglang pumasok ng walang pasintabi ang naturang 'bisita.'

"Busy? Really? Even for me?" malambing na sabi nito.

"Cindy..."

"Hello, Frankie. Long time, no see..."

//

"Paps, ganda ng ngiti natin ngayon ah," panunuksong badya ni Sam. "Date na naman ba kayo kagabi ni Maine?"

"Uh-huh," tugon ni Alden.

"Date nga lang ba or baka naman..."

"Huy! Sam - umayos ayos ka ha! Hindi ganon si Maine."

Natawa naman si Sam sa sinabi ni Alden. "Pero bro - sa totoo lang. Mas gumanda ang itsura mo ever since naging kayo ni Maine.  Hindi ka na mukhang palaging stressed.  Hindi ka na rin palaging nakabusangot diyan. Gaano na nga ulit kayo katagal?"

"Almost two months na," nakangiting sagot naman ni Alden, habang inaalala ang mga nakaraang linggo nila ni Maine.  "I'm happy, Sam. Sobrang happy."

"Tingin mo, forever na yan?"

Napaisip si Alden sa tanong ng kaibigan.

Forever na nga ba ito?

"Sana, Sam," ani Alden. "Mahal na sya ng pamilya ko eh. Lalo na ni Baste. Parang ang hirap naman kung hindi rin kami in the end especially now that Baste looks up to her na talaga. And I'd like to assume naman na rin na - ayos na rin ako sa family nya."

"Eh ikaw? Mahal mo na ba?"

"Oo naman," walang pagaalinlangang sagot nito. "Mahal na mahal."

"Wow, straight and confident answer!  Eh siya kaya? Mahal ka?" pabirong dagdag na tanong ni Sam habang nakangisi.

"Ikaw - kanina ka pa ha. Lakas mong mang-asar! Mahal ako nun!"

Humalakhak naman si Sam sa sinagot ni Alden. "Alam mo, malamang nga. Kasi nakatagal sya sayo ng dalawang buwan na ngayon eh. Ang hirap mo kayang pakisamahan."

"Naku! Ikaw! Umayos ka talaga. Baka bigla na lang akong madulas kay Patty ng di inaasahan at makwento ko ang mga kababalaghan na ginawa mo nung college."

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now