Chapter 2

6K 299 8
                                    

Beep! Beep! Beep!

Bumusina si Maine sa labas ng bahay ng kanyang BFF na si Izza.  Dali dali namang lumabas si Izza habang sinusuot pa ang cardigan.  Pagsakay nito sa kotse ni Maine, pansin ni Maine na hinihingal pa ito.  

"Kalma lang, sister.  Hinga muna ng malalim.  Maaga pa, hindi pa tayo late," patawang sinabi ni Maine sa kaibigan.  Ng makaayos si Izza at makapaglagay ng seatbelt, pinaandar na ni Maine ang sasakyan niya at tuluyan ng nagmaneho papunta sa GCPS.  

"Ganda 'ata ng aura natin ngayon, mare," aniya ni Izza.  "In-love ba?" panunuksong dagdag pa nito.  

"Haha! Wish ko lang.  Hanggang ngayon hinahanap ko pa rin ang forever ko 'no," sagot naman ni Maine. 

"How about si Sir Jake?" tanong ni Izza.  Si Jake Enriquez ang single at batang-bata na bagong principal ng GCPS kung saan nagtuturo sina Maine at Izza.  "Pansin ko lang lagi ka nun tinitingnan nung nag teacher's orientation tayo last week.  In fairness, gwapo siya ha?!"

"Ano ba, Iz? Magtigil! Hindi niya ako tinitingnan!" natatawa na namang sagot ni Maine.  "Yes, he's cute and all but - ang hirap naman ng isang 'office romance'.  'Di ba parang bawal 'ata yun?  Plus he's the principal of GCPS and the son of the owner.  Good luck naman daw."

"Who knows?" kibit-balikat na sagot ni Izza.  "Maybe he's the exception to the rule." 

"Whatever, Iz.  If he is indeed 'forever', then dapat ma-get to know ko muna siya, see kung compatible ba kami or what.  Ayoko din namang magmadali," tugon ni Maine sa kaibigan.  

"Ay naku! Tama na nga ang usapang lovelife!" dagdag ni Maine habang binuksan nito ang radyo sa sasakyan.  "Good vibes lang muna tayo.  I'm more excited na makilala ang mga new kids natin this school year than that."

Tahimik na nagpatuloy ang biyahe ng magkaibigan hanggang sa makarating sa trabaho. Ang mga kanta na nagmumula sa mga MP3s ni Maine ang maririnig lamang.  Maya-maya lang ay nag-signal na ng left turn si Maine papasok sa employee parking lot ng Golden Cradle Pre-School.  Ng makahanap ng parking slot, dali dali nitong pinarada ang kotse at bumaba.

Nagaayos pa si Izza sa loob ng sasakyan habang si Maine naman ay kinukuha ang mga gamit na gagamitin niya sa kanyang pagtuturo sa klase sa trunk ng kanyang kotse.   

"Iz, dalian mo.  Sa CR ka na kaya magtuloy niyang pagma-makeup mo. I need help with these materials," ang sabi ni Maine sa kaibigan habang sinusubukan niyang madala lahat ng kailangan niyang dalhin. 

"Can I help?" isang matipunong boses ang nagtanong sa may bandang likuran ni Maine.  

Paglingon ni Maine ay muntikan pa nitong mabitawan ang mga dala-dala ng makita kung sino ang nagmamay-ari ng boses.

"Ay, Sir Jake!  Kayo po pala yan," nagulat na saad ng dalaga. "Ok lang po, I think I can manage.  Nandyan naman po si Izza, ang aking teacher assistant." 

Ng marinig ni Izza ang pangalan e napatingin siya sa kung nasaan si Maine at nagulat ng makita si Jake na kausap ang dalaga.  Sabi ko sa iyo e! pabulong na bigkas na sinabi nito kay Maine. Pinandilatan ni Maine ang kaibigan at tiningnan na tila nagmamakaawang tulungan siya nito.  

"No, it's fine.  We're all going the same way anyway," sagot ni Jake habang kinukuha ang ilang folders at boxes na nasa loob ng trunk ni Maine.  "And you can call me, Jake na lang.  No more 'sir, sir'.  I feel old kapag tinatawag ninyo ako ng 'sir'," dagdag pa nito.  "You're Maine right?  You teach the 4-year old class?"

"Uh, yes Si-- uh, Jake," sagot ni Maine.  "I teach both the morning and afternoon classes for the 4 year olds." 

"Is it tough?  Dealing with all those kids?" tanong ni Jake habang nagsimula na silang lumakad papasok ng eskwelahan.  Dali dali namang tumakbo palapit sa kanila si Izza at ni-lock na ni Maine ang sasakyan niya.  

"Good morning, Sir Jake!" bungad ni Izza.

"Good morning," ngiting tugon ni Jake kay Izza sabay balik ang tingin kay Maine.  

Namumulang sumagot ang dalaga.  "Uhm, hindi naman po.  I love kids so it's a joy for me na turuan sila," ang sabi ni Maine habang tumingin pababa.  Hindi nito matitigan ng matagal ang gwapo nilang school principal.  Ngingisi-ngisi naman si Izza sa tabi nito.  

"I see.  Ang sabi sa akin ng daddy ko e isa ka sa mga naunang teachers dito.  Pretty much when it first started 2 years ago."  Tumango si Maine.  "So you pretty much know all that there is to know tungkol sa school na ito."  Tumango ulit ang dalaga.  "Would you mind if from time to time e - tanungin kita sa mga pangyayari sa school? Especially since I'm pretty much the new guy around kahit ba na ako ang principal," ngiting sambit ni Jake kay Maine.  

Lalong namula ang dalaga at pawang tango lang ang nagawa nito bilang sagot sa binata at gwapo nilang principal.  Pigil na pigil naman ang tawa ni Izza na nasa tabi ni Maine.  

"Great!" ang sabi ni Jake habang patuloy sila sa paglalakad papunta sa classroom ni Maine at Izza.  

"Well, eto na pala ang room ninyo," sambit ni Jake ng makarating sa classroom nina Maine.  "Anyway - it was nice meeting you, Maine and Izza.  I will see you around.  Good luck sa first day ninyo!"  

"Nice meeting you, Sir Jake! Good luck din po sa inyo!" tugon ni Izza.  

Tumango si Jake kay Izza sabay tumingin kay Maine na tila naghihintay ng sagot ng dalaga.  Siniko ni Izza si Maine at saka lang ito tumingala para tingnan ang binata.  

"Good luck din, Si-- uh, Jake sa first day mo today," mahinang sabi ni Maine.

Isang malaking ngiti naman ang ginawad ni Jake sa dalaga at saka tuluyang umalis sa classroom nila para tumungo sa kanyang opisina.  

Ng makaalis ang principal - saka pinalabas ni Izza ang malakas niyang tawa na kanina niya pa pinipigilan. 

"Shhhh! Cut it out, Iz!" 

"Oh my god! I knew it! Sabi ko sa 'yo eh! He likes you! May nalalaman pa siyang tanungin ka daw from time to time.  If I know, gusto ka lang niyang laging kausapin," natatawang sagot ni Izza kay Maine.  

"Whatever, Iz," kibit-balikat at iginulong ang mga matang sagot ni Maine.  "I think he's just being nice."

"Wooshoo! Aminin mo, kinikilig ka rin kanina.  Kaya di mo siya matingnan at namumula ka pa!"

Hinampas ni Maine sa balikat ang kaibigan at natatawang sabi, "Tama na nga! Let's prepare na for the day.  In an hour lang e - magsisimula ng dumating ang mga parents with their chikitings."

Pero what if siya na nga ang forever?





Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora