Chapter 13

6.6K 342 82
                                    

Tahimik na nagmamaneho si Alden papunta sa napagkasunduan nilang restaurant ni Maine.  Nakatingin lang sa labas si Maine at tila walang balak na tingnan ang binata na katabi niya.  Hindi napigilan na mapabuntong-hininga ni Alden ng sulyapin niya ang dalaga.  

"So... *ehem* Uhm, how was your day?" ani Alden na sinusubukang buwagin ang katahimikan.  

Kibit-balikat na sumagot si Maine.  "Ok lang," maikling tugon nito. 

Pagkatapos ay katahimikan muli.  Napakamot ng ulo si Alden at napailing.  Hindi umaayo sa kanyang kagustuhan ang mga pangyayari.  Whatever happened to the talkative Maine I bantered with last weekend?  

Maya-maya lamang ay nakarating na sila sa Serendra, kung saan napagkasunduan nilang kumain sa Abe, isang restaurant na matatagpuan doon.  Ng makahanap na sila ng mapagpaparadahan, pagtigil na pagtigil ng sasakyan - akmang bababa na si Maine ng pigilan ito ni Alden.

"Maine, sandali lang."

Kunot-noong tinitigan siya ng dalaga na tila nagtatanong kung anong meron.  Hindi pa rin ito nagsasalita.  Napahingang malalim si Alden at napangiti habang hinahawakan ang kaliwang tenga, bagay na nagpapatunay na siya ang may konting nerbyos at kaba.  

"I think we're not doing this correctly," pagpapatuloy nito.  "Don't get me wrong! I really wanted to take you out to dinner pero itong awkwardness and silence between us?  Hindi ako sanay," anito sa dalaga.  Patuloy pa rin siyang tinitingnan lamang ni Maine.

"I know it seems like we're doing things in the wrong order.  Imagine, when we first met - I got mad at you.  Tapos nakarating na ako sa bahay mo, nakita na kitang lasing.  We already slept together.  Sleep, Maine! Sleep lang!" biglang bulalas ni Alden dahil nanlaki bigla ang mga mata ng dalaga pagkasabi niya nito.  "We woke up together, bantered - all those.  And yet - ni hindi pa natin talaga kilala ang isa't isa.  So - pwede kaya tayong mag-do over?"

"Do over?" pagtatakang tanong ni Maine.

"Yes, do over.  Here.  Hi - I'm Alden Rioja.  And you are?" ang sabi ni Alden kay Maine kasabay ng paglahad ng kanyang palad para makipagkamay.

Ngumiti si Maine ng kanyang mapagtanto kung ano ang gustong gawin ng binata habang tinitingnan ang kamay nito na nasa harapan niya.  Kinuha niya ito at tuluyan na ngang nakipagkamay kay Alden.  "I'm Maine Mercado."

"It's a pleasure to meet you, Ms. Mercado," ani Alden sabay halik sa likuran ng kamay ni Maine.

"The pleasure is mine, Mr. Rioja.  And it's Maine.  Just Maine."

Napangiti ng tuluyan si Alden at kitang kita na naman ang malalim nitong biloy sa pisngi.  "And it's just Alden too, Maine.  So - shall we?"

Tumango naman si Maine.  "We shall."

===============================

Patuloy ang kwentuhan ng dalawa habang naglalakad papunta sa Abe.  Kitang kita na rito ang kanilang pagkakagaan ng loob sa bawat isa sa loob lamang ng ilang minuto nilang magkausap. 

"So favorite color?" tanong ni Alden.

"Uhm, yellow.  Ikaw?"

"Mainly black.  And yellow na rin," ngising sagot ng binata.

"Weh - gaya gaya ka naman eh!" bulalas ni Maine sabay hampas sa braso ni Alden.

"Aray!  Eto - ke babaeng tao, lakas makahampas!  E maganda kaya ang yellow sa black.  Bagay sila.  So ibig sabihin - bagay tayo?" ani Alden sabay taas-baba ng kilay kay Maine.

"Naku Mr. Rioja - magtigil tigil ka ha?  Kanina ka pa nang-aalaska!  Uwi na lang kaya ako!"

"Huy, ano ka ba?  Balik Mr. Rioja na agad?  Joke lang.  Ito naman - di mabiro.  Tsaka andito na tayo oh!"

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now