Chapter 1

7.4K 313 8
                                    

5 YEARS LATER...

Wow, Fantastic Baby - Dance! Woohoo! I wanna dance, dance, dance...

Bungad ng ringtone ng alarm ni Maine. Aantok-antok pa si Maine ng tiningnan ang telepono para i-check ang oras.  5:30AM.  Sakto lang.  Pinatay niya ang alarm at bumangon ng dahan dahan. It's a Monday morning and it's the first day of school.  Humikab at nag-unat sabay tumayo at dumiretso na sa kaakibat na banyo sa loob ng kwarto. Naligo at nagprepare na ito para sa unang araw ng pasukan.  

Pagkatapos maligo at magayos - dumiretso ito sa kusina ng kanyang two-bedroom apartment para magayos ng almusal at babaunin para sa araw na iyon.  Binuksan niya ang iHome speakers niya sa may sala at inilagay ang kanyang iPhone sabay nagpatugtog ng kanyang mga dance songs.  

Good vibes lang tayo.  Lalo na't first day na first day. 

Pasayaw-sayaw pa ito habang nagaayos ng aalmusalin.  Excited na siyang makilala ang kanyang mga magiging chikiting sa school.  

Siya ay si Maine Mercado, isang pre-school teacher sa Golden Cradle Pre-School, isang pribadong pre-school sa Global City kung saan lahat halos ng estudyante ay mga anak mayaman o may-kaya.

Biglang natigil ang kanyang music ng mag-ring ang telepono.  Dali-dali siyang pumunta sa sala at kinuha ang phone para sagutin ito. Ng makita kung sino ang tumatawag, napangiti si Maine.

"Hello?"

"Maine!" bungad ni Izza, ang kaniyang BFF at assistant sa GCPS, sa kabilang linya. "Ready ka na ba for today?!"

"Sobrang ready!" excited na sagot ni Maine.  "Excited na akong ma-meet ang mga magiging chikitings natin this school year!"

Natawa ang kausap sa kabilang linya. "Anong oras ka ba aalis? Baka pwede mo naman akong daanan on your way there," pabirong sabi ni Izza.  

"Haha! Walang problema, Iz.  I'm leaving in half an hour.  I can be there in roughly 45 minutes," sagot ni Maine.  "Siguraduhin mo lang na ready ka na dahil ayaw kong ma-late sa first day."

"Yes, Miss Maine!" natatawa pa ring sagot ni Izza sa kanya.  

"Haha! Baliw! See you in a bit!" Nakangiting binaba ni Maine ang telepono at nagpatuloy sa pag-prepare para sa araw na iyon.  

Sana maging maganda ang araw na ito. 

=============================================

Nakatingin si Alden sa salamin sa kwarto niya habang iniisip ang magiging mga meeting niya sa araw na iyon.  Napabuntong-hininga ang binata at pumunta sa kanyang dresser para mamili ng neck tie na babagay sa suot na Amerikana.  Ng makapili na, bumalik ito sa harap ng salamin at inayos ito sa leeg.  Matapos ito, inayos ang buhok at pinagpag ang coat na suot.  Muli na naman siyang napabuntong-hininga.

When are you ever going to have a life, Alden? Aniya sa sarili.  

Siya si Alden Rioja, isang businessman at nagmamay-ari ng Rioja Group of Companies matapos itong maipamana sa kanya ng ama nung 21 pa lamang siya at bagong graduate sa business school.  

Dali dali itong lumabas ng kwarto niya at pumunta sa katabing kwarto.  Dahan-dahan niya itong binuksan at napangiti ng makitang tulog pa ang nasa loob nito. Tahimik na pumasok si Alden at dahan-dahang nilapitan ang batang natutulog sa kama.  Umupo ito sa gilid ng kama at marahang tinapik ang bata.

"Baste, baby - gising na," bulong ni Alden sa bata.  "First day of school mo today." 

Unti-unting namulat ang mga mata ni Sebastian, or Baste for short, at tumingin sa binata.  Ang mga mata nitong napaka-inosente ay mapungay pa dahil sa bagong gising.  Pupungas-pungas itong bumangon at humarap kay Alden.

"Daddy, do I really need to go to school?" mahinang tanong ni Baste, sabay yakap sa ama.  

"Syempre, baby.  You need to start learning in school na.  Tsaka ayaw mo bang magkaron ng bagong mga playmates?" sagot ni Alden na mahigpit din naman niyakap pabalik ang anak.  

"I don't like," bulong ng bata.  "I have you, and lolo and yaya to play with."

Natawa si Alden sa sinagot ng anak.  "Don't worry, anak.  I promise you will still play with me, with lolo and with yaya.  But - you have to promise me na pupunta ka rin sa school."

Nagkibit-balikat ang bata at huminga ng malalim.  "Ok, daddy."

Tumayo si Alden at kinarga si Baste palabas ng kwarto.  Nakasalubong nila ang yaya ni Baste na si Minerva at dali-dali namang kinuha nito ang bata.  

"Ate Minerva - ikaw na lang muna ang bahalang mag-prepare kay Baste. Si Papa ba nasa baba na?" tanong ni Alden habang pinapasa ang anak kay Aling Minerva.  

"Opo, sir. Nag-aalmusal na po si Sir Richard sa may lanai.  Gusto daw po niyang mahanginan kaya sa labas nagpaayos ng almusal.  Sabihan ko nga daw po kayo," tugon naman ni Aling Minerva. 

"Sige, Ate.  Salamat.  Kailangan po naming umalis ni Baste in one hour para hindi po siya ma-late sa school. Tawagin niyo na lang po ako pag ready na si Baste.  Samahan ko lang po si Papa," ang sabi ni Alden habang pababa na ng hagdan.  

"Sige po, sir."

=============================================

"Papa," bungad ni Alden ng makita ang ama na nagbabasa ng diyaryo at umiinom ng kape sa lanai.

"O, hijo.  Mabuti naman at nandito ka na.  Upo na at mag-almusal na tayo.  Hinihintay talaga kita," sagot ni Don Richard habang tinutupi ang diyaryo. 

Umupo ang binata sa harap ng ama at nagsimula na silang kumain ng agahan. Tahimik na kumain ang mag-ama hanggang sa matapos at umiinom na lang ng orange juice si Alden.

"Alden, hijo," sabi ng ama ng ibaba ni Alden ang baso. "Kamusta ka na?"

Napahinga ng malalim ang binata at napabuntong-hininga.  "Ok lang naman, Pa."

Napailing ang matanda at tinitigan ng mabuti ang anak.  "You looked overworked and stressed out, hijo," pag-oobserbang sabi nito.  "Ano na bang nangyayari sa kumpanya at bakit parang lagi ka na lang balisa?"

"The company is fine, Pa," sagot ni Alden.  "Our investments have actually increased.  I just closed an agreement with Mirador Construction para ipatayo ang bagong building natin sa Cebu which would be half office-spaces and half-residences.  It's a huge project that I'm glad na naayos na."

"That's good to hear, anak," sagot ni Don Richard.  "Alam ko naman ng ipamana ko sayo ang kumpanya na mapapaganda mo pa ito lalo.  Pero sa totoo, hijo.  Kamusta ka na ba talaga?"

"I'm fine, Pa."

"May girlfriend ka na ba?"

"Pa!" nagulat na naisawalat ni Alden.  "I don't have time for that.  Between the company and Baste - hindi na kakayanin ng schedule ko ang magka-girlfriend pa."

Tinitigan muli ng matanda ang anak at napailing muli.  Sinenyasan nito ang isa sa mga katulong na dalhan pa siya ng kape.  Si Alden naman ay nakatingin sa kanyang iPhone at tinitingnan kung ayos na ba ang schedule niya para sa araw na iyon.  

"Anak," seryosong bungad ni Don Richard.  Napatingala sa kanya ang binata. "Hindi ba dahil sa nangyari sa inyo ni Cindy kaya ganyan ka pa rin hanggang ngayon?"

Napailing ang binata.  "No, Pa.  That's a long time ago.  It's been 4 years since I last saw her.  The last being was when nanganak siya.  Plus even if we are not on good terms, she left me with the best present of all - si Baste."

"Hijo, darating ang panahon na magtatanong ang anak mo sa iyo bakit wala siyang mommy.  And what will you tell him then?"  

"That's a long time from now, Pa."

And hopefully - it doesn't come to that.  






Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now