Chapter 11

6.4K 398 47
                                    

Monday morning...

Maagang dumating si Maine sa kanyang trabaho ng Lunes na iyon. Hindi na rin naman kasi siya makatulog at naisip niya na rin naman na mag-ayos ng maaga sa kanyang klase. Sinubukan niyang tawagan si Izza kanina bago siya umalis patungo sa GCPS para sana masundo niya pero di ito sumasagot. Malamang eh tulog pa. It's 6 o'clock in the morning, Maine. Classes don't start until 8AM.

Isa sa mga rason kung bakit hindi siya makatulog ay dahil na rin sa mga nangyari noong nakaraang Sabado at Linggo. Hinawakan niya ang kanyang sentido at napasandal sa kanyang upuan. Nananakit na naman ng bahagya ang kanyang ulo. Napapikit ito at napabuntong-hininga. What is it with you Alden Rioja? Muling binalikan ni Maine ang mga ginawa ng binata para sa kanya at napahalinghing siya ng maalala lahat ng ito.

Nasa kotse na sila ni Alden at papunta na sa kung saan naiwan ni Maine ang kanyang sasakyan. Tahimik ang loob ng sasakyan ni Alden. Ramdam mong may tension na namamagitan sa kanilang dalawa. Pasulyap-sulyap lamang si Alden kay Maine habang si Maine naman ay nakatingin lang sa labas. Walang gustong magsimula ng sasabihin. Matapos ng mga nangyari sa condo ni Maine - tila hindi nila alam bigla ang iaarte sa pagitan nilang dalawa.

"Ehem. Uh, Maine - we're here."

Napatingin si Maine kay Alden dahil hindi niya namamalayan na nakarating na pala sila sa kung nasaan ang kotse niya. Hindi binaba ng binata ang tingin nito kay Maine ng mapalingon sa kanya ang dalaga. Tila hindi rin matanggal ni Maine ang kanyang pagtitig kay Alden sa simula pero ito ang naunang umiwas ng tingin ng mapansin na biglang nanlaki ang balintataw ng mga mata ng binata. Hindi naiwasang mamula ng dalaga.

"Uhm, ok. Thank you, Alden."

Akmang bubuksan na ni Maine ang pintuan ng sasakyan ni Alden at bababa na ng bigla siyang matigilan dahil sa biglaang paghawak sa braso niya ng binata.

"Sandali lang, Maine."

Tiningnan niya pabalik ang binata. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya pa rin mawari kung ano ang kailangan ni Alden sa kanya. Nakaharap ang buong katawan nito sa kanya at titig na titig lamang ito na tila minememorya ang buo niyang itsura.

"Bakit, Alden?" bulong ni Maine.

Hindi pa rin sumagot sa kanya ang binata bagkus ay patuloy pa rin siya nitong tinitigan. Hindi niya rin naman maialis ang mga mata sa pagkakatitig ni Alden. Maya maya lamang ay naipunto ang tingin ni Alden sa mga labi niya. Hindi namalayan ni Maine ang pagkagat niya sa kanyang mga labi.

Napapikit si Alden at sabay napabuntong-hininga. Binitiwan nito si Maine at sumandal na sa kanyang upuan. "Nevermind," marahang bulong nito sa sarili na narinig pa rin naman ni Maine.

"Uhm, ok - sige. I'm going to go. Salamat ulit, Alden."

Hinintay niyang tumugon sa kanya ang binata pero wala pa rin itong sinabi sa kanya. Patuloy pa rin ang pagkakapikit nito kung kaya tuluyan na siyang bumaba ng sasakyan ng binata. Bahagyang nagtaka siya sa mga inaasta ni Alden simula ng makaalis sila sa condo niya. May nagawa ba siya? Nasabi na hindi nagustuhan ni Alden?

Dumiretso na siya sa kanyang sasakyan. Hindi pa rin umaalis si Alden at ng nilingon niya ito, nakita niyang nakatingin pa rin ito sa kanya gamit ang kanyang rear view mirror. Pagka-pasok ni Maine sa kanyang sariling kotse ay saka pa lamang tuluyan ng umalis si Alden.

Pagkauwi niya matapos noon ay agad-agad niyang tinawagan si Izza. Hindi naman sinagot ng kaibigan ang mga tawag at text niya kung kaya medyo inis siya ngayon dito. She shouldn't have left me behind! What kind of friend would do that? Ipagkatiwala ako sa isang lalaki na hindi pa naman namin parehong kakilala?! Paano na lang kung hindi pala maganda ang kanyang hangarin sa akin?!

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon