Chapter 14

6.4K 394 81
                                    

Short chappy guyth - I'm sooo sorry...  :((  Adulting happens kasi tapos medyo sabaw pa ako ngayon after AMACon.  Hehe.  Pasensya na.  But I do hope you were able to go to AMACON_Writers profile to check all 52 stories of my fellow writers (who are honestly far greater than I am).  

Anyway - pasensya na ulit sa chappy na ito.  Hindi po ito na-proofread so malamang maraming mali.  

Tweet me if you have comments or questions or concerns. Hehe.  I love hearing from you guys.  I'm at @wuthie16 over at Twitter.  Hope to see you there!  

Aaaannndddd...  On with the story.  Lamyu all! :)


=================================


Natigilan si Maine sa binitiwang mga salita ni Alden.  Bakit hindi daw ako?  Tama ba dinig ko??

Patuloy pa rin ang paginom niya ng dahan dahan sa kanyang natitirang wine habang palihim na pinagmamasdan ang binata sa harap niya.  Damn, but why does he look hotter all flushed like that? Must be the wine.

"Maine," ani Alden.  "Tulala ka na naman diyan.  Ano - tuloy pa ba natin itong 21 questions?"

Bahagyang umiling si Maine para matauhan ng kaunti.  Hindi na rin tama ang mga naiisip niya patungkol sa binata.  Natatakot ito na baka kung ano pa ang masabi at magawa niya dala na rin ng konting alkohol na nasa katawan niya.  "I think I want to go home now, Alden.  Medyo gabi na rin at may trabaho pa bukas."

Tumango lamang ang binata at sumenyas na sa isa sa mga waiter para sa kanilang bill.  Matapos mabayaran ito ay inalalayan niya si Maine hanggang makalabas ng restaurant.  Ang isa sa mga kamay nito ay nakahawak ng bahagya sa kanyang bewang, bagay na hindi maikaila ng dalaga.  

Habang naglalakad sila patungo sa sasakyan ni Alden, biglang napatawa ng marahan ang binata na tila may naalala.  Nilingon siya ni Maine na tila nagtatanong kung bakit.  

"Wala.  May naalala lang ako," pagpapaliwanag ni Alden.

"Ano 'yun?"

"Baste will be so mad at me bukas paggising niya."

"Bakit naman?" tanong ni Maine.

"Kasi nakalimutan ko siyang tawagan at ipakausap sa 'yo," paliwanag ni Alden.

"Ha?  Bakit?  Gusto niya akong makausap?" paguusisa ni Maine.

"Tinanong niya kasi kanina bakit hindi pa agad ako uuwi after work.  Sabi ko I was going to see you.  And he got mad when I said so kasi bakit hindi ko daw siya sinama para makita si Teacher Maine," ani Alden.  Nakarating na sila sa sasakyan nito at pinagbuksan na niya ng pinto ang dalagang kasama.

Natawa rin si Maine sa mga sinabi ni Alden patungkol kay Baste.  "O sige, ganito na lang.  Sabihan mo siya na pagkagising na pagkagising niya bukas - pwede mo akong tawagan para makausap siya."

"Why Teacher Maine?!  Are you in fact giving me your number?" panunukso ni Alden.

"Magtigil ka nga!  It's the least I could do since you bought me dinner," sagot naman ni Maine sabay pasok na sa sasakyan ni Alden.

Natatawa pa rin si Alden habang pinaandar ang kotse nito para tuluyan ng ihatid si Maine sa kanyang condo.  "So, we're continuing with the 21 questions na diba?  Para di naman tayo bored dito sa kotse."

"Eehhh... Kelangan pa ba?  Ang lapit na lang naman ng condo ko."

"Tuloy na natin para baka sakaling makapasok ulit ako sa condo mo pag hindi natin agad ito natapos," ngising sagot ni Alden, habang tumataas-baba ang kilay.

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon