Chapter 12

6.2K 378 42
                                    

Malakas ang paghalinghing ni Alden sa kanyang opisina habang niyuko ang ulo at dahan dahang iniuntog ito sa kanyang lamesa. Ganito siya nadatnan ni Sam na may dala dalang papeles na kailangan ng pirma ni Alden.

"Ok, what did you do this time?" tanong ni Sam sa kaibigan habang inilatag ang mga papel na dala nito sa harapan ni Alden. Umupo ito sa kaharap na silya ng kaibigan at nginisian ito.

Humalinghing muli si Alden at hindi sinagot si Sam.
"Huy, huwag ka ngang drama queen diyan. Daig mo pa ang babae!" ani Sam. "So - what did you do that has you groaning there like there's no tomorrow?"

"Sam..." pagrereklamo ni Alden habang nakayuko pa rin. "I don't know what came over me!"

"Tsk. Ewan ko sa 'yo!" sagot ni Sam sa kaibigan sabay tayo sa kinauupuan. "Basta - go over those documents. I need them signed by this afternoon. Kung may mga issues ka, pakisabi na lang sa assistant ko."

Lumakad na palayo si Sam mula kay Alden ng marinig nito ang mahinang ungol ng kaibigan na tila may sinasabi. "What? Anong sabi mo? Hindi kita maintindihan."

Ng hindi sumagot ang kaibigan e bahagyang nainis na rin si Sam. "Ano ba, Alden?! Umayos ka nga diyan! Para kang bata na inagawan ng candy sa inaasta mo!"

Bumalikwas na si Alden pero di pa rin tiningnan ang kaibigan bagkus ay binaling ang tingin nito sa kisame. "I told her I'll pick her up this afternoon," mahinang sambit nito habang tinatakpan ang pagmumukha.

"Who?"

"Si Maine..."

Panandaliang katahimikan ang namagitan sa magkaibigan. Tapos hindi na napigilan ni Sam ang paghalakhak ng malakas. "HAHAHAHAHAHA! Bro - you have got it bad, man!"

"Argh! I didn't know what came over me!" pagpapaliwanag ni Alden habang patuloy pa rin ang pagtakip nito sa kanyang mukha.

Ng mahimasmasan si Sam sa kakatawa, sinagot nito ang kaibigan. "Eh, ano namang problema mo dun? She's single, you're single kahit na may anak ka na. Bro - teka nga lang ha. Ano bang nangyari nung Sabado ng gabi ha?" paguusisa ni Sam. Bumalik na ito sa pagkakaupo sa harapan ni Alden.

"Wala. Well, nothing of that caliber, Sam," madaling sagot ni Alden ng makita na ngingisi-ngisi ang kaibigan. "Basta, inuwi ko siya. Inakyat ko siya sa condo niya dahil she was still asleep then she asked me to stay then Sunday morning --"

"Wait, wait, wait! Back up, back up! You stayed? In her condo? That night?!"

Kumibit-balikat si Alden. "She asked me to stay, so I did. And no - man, nothing really happened."

"HAHAHAHAHAHA! Eh bakit parang disappointed ka?! Bro - pwede namang humindi diba kung hindi mo gusto? Ang totoo - gusto mo rin kasi! Aminin mo - iba na ang tama mo diyan kay Ms. Maine Mercado!! Hahahahahaha!"

"Shut up, Sam! And yes - maybe I do. The fact that I told her that I would pick her up mamaya --"

"Teka teka nga lang muna, paps," sabad ni Sam. "Oo nga, parang biglaan ka naman ata. I'm not saying na mali ang ginawa mo ha? Just that - naiintindihan ko na ngayon kung bakit ka parang hindi mapakali pagpasok ko kanina."

Napabuntong-hininga naman si Alden. "Ayun na nga Sam eh. Hindi ko alam kung anong nangyari kanina. Bwiset naman kasi yung principal ng school na yun. Kung makaporma kay Maine - parang hindi nila principal! May nalalaman pang - 'Ms. Mercado can you see me now in my office?' Tapos kung makatitig pa kay Maine - kulang na lang kainin niya ng buhay eh."

Ngumisi muli si Sam. "Oh eh - bakit? Selos ka, bro?"

"Hindi! Ano ka ba? Well... Kasi... Basta! Iba yung asta niya kay Maine!"

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon