Chapter 29

6.6K 439 53
                                    

"Alden, hijo - umupo ka nga at kanina pa ako nahihilo sa'yo," mahinahong wika ni Don Richard habang nagbabasa ng diyaryo ng umagang iyon. Nasa may lanai sila ng kanilang bahay habang nag-a-almusal.  Ito ang madalas na gawin ni Don Richard kapag umaga. Gusto niya kasi na nagpapahangin habang nag-u-umagahan.  "Bakit ba balisang-balisa ka diyan at hindi ka mapakali? Nagkita naman kayo ni Maine kahapon. Wala namang problema si Baste sa school niya. Ano bang pinoproblema mo diyan?"

"Pa - paano ka ba nag-propose nun kay Ma?"

Biglang binaba ni Don Richard ang diyaryong binabasa at saka tinaasan ng kilay ang anak.

Walang orient-orient ang batang ito!

"Magpro-propose ka na ba kay Maine, anak?"

"Pa naman. Don't change the subject, please."

"Hmmm..." napangiti lamang ang don ng mapansin na seryoso na ang anak at nakatuon sa kanya ang buong pansin. "Bakit ba gusto mong malaman?" 

"Pa..." pag-iingit ni Alden na parang bata. Bumuntong-hininga ito matapos ay umupo sa harap ng ama.  Uminom muna ng kape na tila ba humahanap ng lakas at saka sinabi ng mahinahon, "Fine, yes. I'm planning on proposing to Maine sometime this month, preferably next week.  Birthday na kasi niya next week, eh."

Ngumiti lamang ang Don Richard sa anak na halatang-halata ang pagkabalisa. "Well, how did you propose to Cindy before?"

Biglang nandilim ang mukha ni Alden ng marinig ang pangalan ni Cindy.  Pumikit ito at sumandal sa kinauupuan.  "Pa naman.  Let's not bring that up. That was different.  We had a different circumstance then than what I have now with Maine. Tsaka wala talagang proposal na nangyari noon with her.  I pretty much just gave her a ring and said na papanagutan ko siya since she was carrying Baste."

"Eh anong plano mo this time around?" pag-uusisa ni Don Richard.

"That's the thing, Pa. I have an idea as to how to go about it.  I already bought the perfect ring and meron na akong naiisip na plan kung paano siya ie-execute. It's just that --"

"Nakapag-paalam ka na ba sa tatay ni Maine?"

"Po?"

Umiling ang don habang natatawa ng marahan at tiningnan ng masinsinan ang anak.  "Alden, before I proposed to your mom, I talked to your lolo first.  Hiningi ko ng maayos ang kamay ng anak niya para maging asawa.  I asked for his blessing first as a sign of respect.  Syempre - anak niya yun na babae at ibibigay niya sa akin.  Hindi basta basta yun."

"You're right, Pa," mahinang tugon ni Alden habang nag-iisip.  "Of course, you're absolutely right.  Kailangan kong tawagan si Tita." Tumayo na ito at akmang papasok na sa loob ng biglang tanungin muli ni Don Richard.

"O teka lang - e bakit sa nanay ka tatawag?"

Ngumisi naman si Alden sa direksyon ng ama. "Mas malakas ako kay Tita Mary Ann.  At alam kong pag nagsabi ako dun - sasabihan nun si Tito Teo.  Syempre, hindi na pwedeng humindi si Tito diba?" saad nito bago tuluyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Napailing na lamang si Don Richard habang marahang natatawa sa mga sinabi ng anak at pinagpatuloy ang pagbabasa ng kaniyang diyaryo. 

Hanggang sa pagpapaalam at pagpro-propose kailangan talagang planado ang lahat, ano? Businessman ka nga talaga Alden.  

//

"Hello?"

"Hello? Tita Mary Ann?"

"Sino 'to? Alden, anak? Ikaw ba yan?"

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now