Chapter 22

7.2K 462 56
                                    

For @idaastillero - here's your sunrise. I hope you like it. :)

Also - this story is a finalist for #Wattys2016 and #KwentongJollibee. Can you help me out and vote for this story? Please? Please? Please???!

Just text: KJOLLIBEE J90 to 3456 once a day per number until August 31. J90 is this story's code kasi eh. Help me out, guys!! Huhuhuhu. Salamat!!!

Tweet me @wuthie16 over at Twitter - I'd love to be your friend. :D

Salamat palagi sa pagbabasa at pagtangkilik!

//

*beep-beep! beep-beep! beep-beep!*

Dahan-dahang bumalikwas si Alden mula sa patagilid na pagkakahiga para tingnan ang kanyang cellphone na tumutunog sa may bandang likuran niya sa kanyang bedside table. Nag-alarm kasi ito ng maaga para nga makita ang sunrise na kanyang ipinangako kay Maine.

Ugh... 4:00AM... Bakit ba kasi ang aga ng pagsikat ng araw ngayon?

Pagharap muli nito ay hindi niya naiwasang mapangiti ng bahagya sa kanyang nakita. Si Baste ay nakahiga na halos sa may bandang leeg ni Maine habang nakapulupot ang maliit nitong braso sa baywang ng dalaga. Si Maine naman ay naka-dantay ang isang braso kay Baste, habang ang isang binti naman nito ay naka-dantay sa kanya.

I wouldn't mind waking up to this every day.

May ilang minuto rin ang nakalipas bago napagpasiyahan ni Alden na gisingin na si Maine dahil kung hindi - hindi nila maabutan ang pagsikat ng araw na gustong-gusto nitong makita.

"Maine?" mahinang bulong nito habang tinatanggal ang buhok nitong nahulog sa may bandang mukha. Marahan niya ulit itong inalog habang malamyong hinawakan nito ang pisngi ng dalaga. "Maine? Gising na. Malapit na ang sunrise. Maine? Tayo ka na diyan. Sige ka - baka di pa natin maabutan yung gusto mong sunrise na makita."

"Hmmm..."

"Tara na, Maine. Bangon na."

"Hmmm... Ugh..." dahan-dahang pagiinat at pag-gilid ni Maine habang tuluyan na nga ring dumilat ang mga mata nito at mapungay-pungay na tiningnan si Alden. Hindi napigilang mapasinghap ng binata ng makita ang malamya at inaantok-antok pa nitong mga titig sa kanya ng dalaga.

She's beautiful when she's uninhibited like this.

When she's most unaware...

Yep. I could definitely be used to seeing this... Her... every morning of every day.

Ngumiti sa direksyon niya si Maine at marahang bumulong. "Good morning..."

"Hi..." mahinang tugon naman ni Alden.

"Anong oras na ba?"

"Almost 4:30 na. Sunrise is at 5:16AM daw today, eh."

"Hmmm... Ok..." pumikit at muling nag-inat si Maine ngunit natigilan ito ng mapansin niya sa wakas ang batang nakapulupot pa rin sa kanya. "Oh my... Buong gabi bang nakayakap sa akin si Baste?"

Marahang natawa si Alden. "Oo. Mukhang hindi gumalaw at masyadong mahimbing ang tulog niya sayo. Mas gusto ka na agad ng anak ko kaysa akin."

"Uy! Hindi naman gan --"

"Hey..." pagpigil ni Alden sa dalaga. Inabot nito ang pisngi ni Maine ang marahang hinawakan. "Don't worry about it. I actually like na gusto ka ng anak ko. Naaalala mo pa naman siguro yung mga sinabi niya kagabi bago tayo natulog diba?"

Tumango lamang si Maine at hindi na muling makatingin ng diretso sa kanya.

"I was serious about what I said and what my son said about you, Maine," dagdag pa ni Alden habang ibinaling na ang hawak at haplos niya sa braso ng dalaga. "Dasal dasal na lang muna kami ngayon. Pero sana..."

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now