Chapter 20

7.7K 447 81
                                    

Dapit-hapon na at malapit-lapit  na ring lumubog ang araw ng matagpuan ni Alden si Maine na nakatayo di-kalayuan sa may dalampasigan.  Nakatingin lang ito sa kawalan na naka-ngiti habang ang mga alon ay dahan-dahang lumulupi sa kanyang mga paa.  Pansin nito na hawak ni Maine ang kanyang sapatos upang hindi mabasa ng tubig-dagat.  Maya-maya ay pumikit ito at huminga ng malalim na tila ninanamnam ang hangin sa paligid. 

Hindi sinasadyang napangiti rin si Alden sa kanyang pagkakatayo sa kanilang patyo habang inoobserbahan ang dalaga.

"Puntahan mo na kaya, iho."

Gulat na napatingin si Alden sa kanyang likuran at napansin ang kanilang kasambahay na si Manang Auring na may dalang isang maliit na basket. 

"Manang Auring, ginulat niyo naman po ako."

Marahang tumawa naman ang matanda habang umiiling.  "Ikaw talagang bata ka, magugulatin pa rin hanggang ngayon."

"Ano po yan?" tanong ni Alden habang tinuturo ang dalang basket ni Manang Auring.

"Eto nga, pinaghanda ko kayo ng simpleng meryenda.  Puto at kutsinta lang naman ito tsaka may guyabano juice.  Kumuha ka na lang ng tubig sa may ref niyo kung ayaw niyo nung juice," sagot naman ni Manang Auring habang iniaabot ang basket. 

"Manang naman, nag-abala pa kayo."

"Naku iho, wala ito.  Tsaka diba ang pinunta mo naman talaga dito eh para i-date yung si... Maine ba ang pangalan?"

Namumulang tumango naman si Alden habang hinawakan ang kanang namumulang tenga na rin. 

"Oh, eh di - eto na," saad ni Manang Auring sabay bigay ng tuluyan kay Alden ng basket.  "Kumuha ka ng kumot o banig dyan sa may labasan ng patyo.  May naiwan atang kumot si Baste dun sa isang silya.  Mag-piknik kayo sa may dalampasigan habang hindi pa nalubog ang araw.  Tsaka habang nagpapahinga't tulog ang Don at si Baste.  Pwede kayong mag-solo sa ngayon."

Kumiling paibaba si Alden at binigyan ng mabilis na halik sa pisngi ang matanda.  "Salamat Manang Auring."

"Ay naku - ikaw bata ka.  Sige na! Dun ka na!"

Natatawang iniwan ni Alden si Manang Auring at naglakad na patungo sa kung nasan si Maine. 

"Hi," marahang bati nito sa dalaga ng maabutan niya ito.

"Hmmm... Hi," mahinang sagot naman ni Maine habang nakatingin pa rin sa ibayo.  "I've always loved the sea, you know.  Ang ganda ganda talaga dito."

"Oo nga.  Sobrang ganda," tugon naman ni Alden habang nakatingin pa rin sa kanya.

Napatingin ang dalaga kay Alden at napangiti ng mapansin ang mga titig nito. "Wag ka nga! Teka, ano yang dala mo?"

"Ahh... Pinaghanda tayo ni Manang Auring ng simpleng meryenda," sagot ni Alden. Binaba nito ang basket at inilatag ang dalang kumot sa buhangin na hindi maaabot ng alon. "Tara? Impromptu picnic?" yakad nito kay Maine.

Ngumiti at tumango naman si Maine at naupo na sa kumot na nilatag. Pagkaupo ni Alden sa tabi nya ay agarang kinuha nito ang basket. "Anong hinanda ni Manang?"

"Puto lang daw at kutsinta. Tsaka guyabano juice. I hope that's all right."

"Uy, ano ka ba? Ang sarap kaya lahat nito! I'll thank Manang later. Sina Tito at Baste? Hindi tayo sasamahan? Ang dami nitong hinanda ni Manang Auring," wika ni Maine, habang nilalabas ang kanilang memeryendahin.

"Tulog si Baste. Napagod kakalaro nyo kanina after lunch. Si Pa naman malamang nagpapahinga lang yun sa kwarto nya."

"Hmmm..."

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt