Chapter 9

5.4K 343 13
                                    

"Oh, hey!!!  Alden, you say???" ang matinis na sambit ni Maine kay Alden.  Hindi diretso ang tingin ng dalaga sa kanya, pansin ni Alden na bahagya niyang kinabahala dahil ang ibig sabihin nito ay lasing na nga ang dalaga.

"Mag-isa ka lang ba dito?" tanong ni Alden sabay umupo sa tabi ni Maine.  Nakasandal pa rin si Maine at nakapikit na ito.  Tila hindi siya narinig ng katabi kaya naman bahagya niyang hinawakan ang braso nito.  "Uy, are you alone?" inulit niya ang tanong.

"Hmmm??"

Napailing si Alden.  She's really drunk.  She can't even answer me properly let alone even just look at me.

"Paano ka uuwi?" tanong muli ni Alden.  Tumingin tingin siya sa paligid sa pagbabakasakaling dumating ang kasama nito, kung meron man.  Binalik niya ulit ang tingin sa dalaga ng mapansing hindi na ito sumagot sa kanya.  

"Oh, shit - she fell asleep," bulong ni Alden sa sarili.  "Shit, paano 'to?"

Hindi bigla malaman ni Alden ang gagawin.  Hindi niya rin naman kayang iwan ang dalaga na nagiisa at walang kasama.  Sinubukan niya muling kausapin at gisingin si Maine.  Tinapik tapik niya ang pisngi nito.

"Miss Mercado?" marahang sambit ni Alden.  "Miss Mercado?  Hey?  Please wake up.  Hindi ka pwedeng matulog dito.  Miss Mercado?!  Maine?  Maine!"

"Mr. Rioja?"

Napalingon si Alden ng marinig ang pangalan.  Napansin niya ang isang dalaga na nakatayo sa tabi niya na may kasamang isa pang lalaki.  Sinubukan niyang aninagin ang mga ito.

"Yes?" matalas na tanong niya sa mga bagong dating.  Who in the world are you and how come you know my name?

"Mr. Rioja - Miss Villamor po.  Izza Villamor.  I work with Maine sa GCPS?" medyo patanong na pagpapaalala ni Izza kay Alden.  

"Oh, yes.  I remember," biglang tugon naman ni Alden ng maalala ang assistant ni Maine.  "Are you guys together with Maine - uh - Miss Mercado, here?  Kasi I think she's done for the night.  Kailangan na niyang umuwi."  

"Oo nga po," sumang-ayon naman si Izza.  "I never thought she'll get drunk.  She never gets drunk.  I didn't think she will drink so much.  Hindi pa naman sanay uminom 'yang si Maine," dagdag pa nito habang tinuturo ang mga walang lamang baso na nasa harapan ni Maine.  

"Can you guys take her home?" tanong ni Alden.

"Uhm - that's the reason why I came back here.  To actually tell her that I won't be able to go home with her because..." ang sabi ni Izza sabay turo ng dahan dahan sa kasama nito. "Bu -- But - of course! I will take her home!" biglang bawing sabi ni Izza ng mapansin niyang biglang nagdilim ang mukha ni Alden sa kanya.  

Mariing tiningnan ni Alden si Izza at ang kasama nitong lalaki na tila naiinip na sa kanila.  Lumapit si Izza at pumunta sa kabilang dako ni Maine.  Biglang napagtanto ni Alden kung bakit nung una ay nagsabi si Izza na hindi niya maisasabay pauwi si Maine.  Marahang natawa ng di inaasahan si Alden na siya namang ipinagtaka ni Izza.  

"Mr. Rioja? Uh, sir?"

"Haha - I get it.  I get it, Miss Villamor.  I totally get it," ani Alden.  "Give me her address, ako na lang ang maghahatid sa kanya.  You guys can go to wherever it is you got to go to."

Namula naman bigla si Izza at napatango na lang kay Alden nung simula.  Pero tiningnan niya pa rin si Alden na parang hindi nagtitiwala.  

Ayos din itong kaibigan ni Maine 'no? E siya nga 'tong may ka-hookup bigla dito tapos pagiisipan niya ako?!

"I promise, on my honor, as the CEO of RGC Companies, that I will not do anything to harm your friend," ang sabi ni Alden habang nakataas ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay nasa may puso nito.  Napansin niya rin kasi na nagdadalawang isip sa kanya ang kaibigan ni Maine. But why am I even volunteering?  Kung nagdadalawang-isip siya - eh di dapat ihatid niya na and I should just back out.  Go back to my friends who are still partying.  But why do I want to do this?  Bro, ayos ka ah - parang iba na 'ata 'yan, uy!

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now