Chapter 23

7.5K 442 42
                                    

For @ninz0517 and @belaflor77 - for the ideas of Baste with Maine's parents.

For @ishtarinthemorning, @alwaysmaichard, @IHMGirl and @FangirlDeedee for your ideas regarding what would happen come Monday morning at work. 

Sorry natagalan.  As you know naman - realidad is always around the corner.  It's not easy for me to write at will ng agad agad.  May responsibilities din naman kasi outside of MaiChard pero eto na nga - PORDALAB talaga.  Hehe.  

For those who are still here and reading this - salamat sa patience niyo in waiting.  Mahal na mahal ko kayo.

Also - nagmamakaawa po ulit: Text KJOLLIBEE J90 to 3456 until August 31.  Help a sister out! 


//

Masayang nag-a-almusal ang buong pamilya ng Rioja kasama si Maine matapos ang kanilang panonood ng pagsikat ng araw.  Napaka-bibong kinukuwento naman ni Baste sa kanyang lolo na katabi raw niyang matulog ang kanyang Teacher Maine kagabi.  

"Eh, si daddy mo, saan natulog?" taas-kilay na tinanong ni Don Richard si Baste bagaman kay Alden nakabaling ang tingin nito.  

"Lolo, silly ka talaga.  Siyempre po, sa tabi rin namin ni Teacher Maine!"

Parehas na pinamulahan ng mukha si Alden at Maine, bagay na biglang hinalakhakan ng don.

"Very good, hijo!  Napakagaling ng iyong... ano nga bang tawag dun?  Ah... Breezy moves."

"Pa! 'Maryosep, saan mo ba narinig yan?!"

"Sa Eat Bulaga," kibit-balikat na tugon ng don.  "Madalas nilang sabihin yan dun sa isa sa mga segment nila."

Napailing na lamang si Alden at bahagyang ngitian si Maine na tila humihingi ng paumanhin sa mga sinasabi ng ama.  Ngiti lang rin ang sagot sa kanya ng dalaga sabay abot sa kamay nito at bahagyang pinisil.

"Nga pala, Pa - after breakfast, lalakad na rin kami ni Maine."

"Ah, oo nga pala.  You plan on bringing her home to her parents today, diba?" wika ni Don Richard habang sumisipsip ng kanyang kape.  

"Yes, Pa," tugon ni Alden habang nakatingin pa rin kay Maine na nakangiti.  "I promised to meet her parents today and to formally introduce myself to court her."

"Daddy!  Daddy!  Can I come?" sabad naman ni Baste habang bumaba ito sa kinauupuan at dali daling tumakbo kung saan nakaupo si Maine at nagpakarga.  Agad-agaran namang binuhat ito ni Maine at kinalong sa kanyang mga hita.  

"Baste - you cannot kasi --"

"Why not?" sabad naman ngayon ni Maine.  "Sebastian can come, diba Baste?  My parents would definitely love to meet this handsome, charming little boy." 

Bahagyang napakunot-noo naman si Alden at tinanong muli si Maine.  "Are you sure, love?  Hindi ba baka magulat ang parents mo na dala ko ang anak ko?  Baka kung anong isipin nila kasi --"

"Kinahihiya mo ba si Baste, Alden?" tanong ni Maine habang nakataas ang isang kilay na tila hinahamon ito.  

"It's not that, love --"

"Ay wow, may tawagan na pala kayo.  Mukhang talagang seryoso na ito," mahinang wika ni Don Richard.  "Kailangan ko ng magpatahi ng barong."

"Pa naman, eh!  I'm still --"

"And Maine is right, Alden, hijo.  Bring your son to meet her parents.  Wala ka naman dapat ikahiya diba?  Plus Maine is the one insisting.  I say, what the lady wants, the lady should always get."

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now