Chapter 6

5.8K 311 6
                                    

Two Weeks Later...

Hmmm...  All right.  Let's see...

Sabado na at si Maine ay nagpapahinga sa kanyang apartment.  Tinawagan siya kanina ni Izza at niyayang lumabas para mag-tanghalian pero tumanggi ito.  Sinabi niyang mas gusto niya lang ang mag-relax sa bahay.  Sinabihan naman siya ni Izza na tatawagan siya mamayang gabi para malaman kung may lakad ba sila.  Wala sa sariling, oo na lang ang naisagot ni Maine sa kaibigan.

Kasalukuyang nasa tapat ng kanyang MacBook si Maine sa loob ng kanyang kwarto.  Mahinang tumutugtog ang Thinking Out Loud ni Ed Sheeran sa kanyang iHome na nasa sala.  

People fall in love in mysterious ways...

"...maybe just a touch of a hand," pakanta-kanta si Maine na sinasabayan ang tugtugin niya habang nagfa-Facebook at nagbabasa ng mga tweets sa Twitter.  

Ng bigla siyang may nakitang article sa Facebook tungkol kay Alden Rioja.  Dahil na rin sa nausisa siya, kinlick niya ito.  Napansin ni Maine na iyong article ay medyo may katagalan na.  

"Wow, 6 years ago pa itong article na ito.  At hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa Facebook?" paguusisang tanong ni Maine sa sarili.

Cindy Alonzo finds love in wealthy business man, Alden Rioja.

 "Naging girlfriend niya si supermodel Cindy Alonzo?!" gulat na sambit ni Maine.  "Incredible!  Josko - estudyante pa ko nito nun ah!"

Patuloy na binasa ni Maine ang storya nina Cindy at Alden.  Hindi pa rin siya makapaniwala sa nabasa.  

Hmmm... Hindi kaya anak niya si Baste kay Cindy? 

"Let's see... Related articles, related articles..."

Alden Rioja announces engagement to supermodel Cindy Alonzo.

Cindy Alonzo: 'I broke it off with him.'

Cindy Alonzo, matagal na nawala sa modelling industry. 

Cindy Alonzo, now back from a long hiatus - the new face of Lux.

"Whew - puro Cindy Alonzo na ito.  Parang nawala bigla sa eksena si Alden. Pero mukhang nagiging totoo tuloy na anak ni Alden si Baste kay Cindy based on these articles.  Let's see... Google..." aniya ni Maine sa sarili habang nilipat ang browser at binuksan ang Google.

Tinype niya ang pangalan ni Alden Rioja sa Google.  Medyo natawa siya sa sarili dahil sa kanyang ginagawa.  Stalker pa more, Maine.  Very good!

"Eh bakit ba? Curious lang.  Plus - hindi na nga siya nagpakita sa school this whole week.  Tsaka last week din.  Wow, affected lang, Maine - ganon?" bulas ni Maine sa sarili.

Nag-load na rin ang pahina sa Google at inisa-isa ni Maine ang mga nakasulat doon. Hindi pa nakuntento at pinuntahan ang mga litrato ng binata na makikita online.  Karamihan sa mga litrato na nakita niya ay pawang solo shots ni Alden.  Iilan lang ang nakita nito na kasama si Cindy.  Halos lahat ng larawan ni Alden ay mapapansin na naka-business attire ito. 

You're a one fine man, Mr.  Rioja.  Definitely fine. That smile - those dimples, to die for! Tsaka tisoy ka pa! At ang amerikana ha - on point! Ganon!

Napansin ni Maine and isang magazine kung saan si Alden ang nasa cover nito.  "Wow, ikaw na ang bigatin.  Cover of People Asia?  Hmmm...  Youngest, Most Successful Entrepreneur of his time - Alden Rioja of Rioja Group of Companies, Inc.  Nasaan naman kaya ang article nito?"

Binasa ni Maine ang nakitang article na kalakip ng nasabing magazine cover na nasilayan.  Natigilan lang ito ng biglang mag-ring ang telepono niyang nagpapatugtog sa sala.  Dali dali itong tumayo at kinuha ang telepono. Napailing ng bahagya ang dalaga ng makita kung sino ang tumatawag.

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt