Chapter 4

5.7K 316 3
                                    

Tahimik na nagaayos ng mga laruan si Izza sa loob ng kanilang classroom habang si Maine naman ay tinitingnan ang files ng mga magiging estudyante.  Meron siyang 15 estudyante sa pang-umaga habang may 12 naman sa hapon.  Not bad for my third year as a preschool teacher.  

"Izza," tinawag ni Maine ang kaibigan.  Tumingala naman si Izza mula sa ginagawa ng marinig ang pangalan.  "Do you know Sebastian Rio - Rioja? Did I say that right, Rioja?" tanong ni Maine.  

"Rioja... Hmm... Hindi kaya anak 'yan nung mga taga Rioja Group of Companies?" sagot ni Izza.  

Kumibit-balikat si Maine.  "Hindi ko alam.  I've never heard of them.  Plus I don't think na-meet natin sila nung parents' orientation," kunot-noong sagot ni Maine.  

Tumango naman si Izza.  "Tama.  I think there were two or three parents na wala that time.  Isa ba yang si Sebastian?"  

"I think so.  I don't remember meeting this family during the orientation." 

"Well, makikilala naman natin sila today for sure," tugon ni Izza.  "I'm surprised though - hindi mo kilala ang RGC.  Para lang naman silang mga Ayala pagdating sa business ventures." 

"Alam mo naman na wala akong interest sa mga ganyan, Iz.  I'd rather concentrate on my teaching."

"I heard na yung owner nila gave the business to his only son after mamatay yung wife niya.  The son was really young when he got the business.  Pero booming pa rin sila today," dagdag na sabi pa ni Izza.  "Sino kaya yang si Sebastian?  Baka pamangkin or something.  I don't think may iba pang anak yung owner e. Plus the current CEO which is yung son e bata pa rin daw."  

Tumango lang si Maine na para bang hindi naririnig si Izza habang nakatingin sa file ni Sebastian.  Father: Alden Rioja, Mother: left blank.  Hmmm... Bakit kaya?  Baka nakalimutang i-fill out.  Or maybe single dad? Ay naku, Maine.  Chosera ka talaga.

Maya maya lang ay may narinig na komosyon si Maine sa may labas ng classroom niya.  Nakita niya ang isang lalaki na may karga-kargang bata. Binaba niya ito at matapos na kumapit sa binti niya ang bata ay sinubukang tanggalin ito ng lalaki.  Napangiti si Maine sa nakita.  

Ahh.. First day blues. I should go help. Pero hmmm... Cute ang daddy ha.  Kung yan nga ang daddy.  Kahit na stressed looking na, mukhang fresh pa rin sa Amerikana. Ay naku, Maine! Stop and just go to the kid!

"Hello! My name is Miss Maine or Teacher Maine and behind me is Teacher Izza or Miss Izza. What's your name?" tanong ni Maine habang nilapitan at hinarap ang bata.  

Nahihiyang tumingin sa kanya ang bata sabay sabi na, "My name is Sebastian.  But my daddy and lolo and yaya call me Baste."

Oh my god! He's a cutie! Mana sa daddy! Ahem, Maine. Easy.  

"Well, I'm glad to meet you, Sebastian," sagot ni Maine kay Baste.  "Or does he prefer Baste?" dagdag nito sabay tiningnan ang lalaking nagdala sa bata.  

"Uh, Se -- Sebastian or Baste is fine.  He doesn't really prefer anything."

Ay, gwapo nga ito! Ang dimples! Ahem, focus Maine.  Be professional. 

"I don't think we met you before.  Nakapunta po ba kayo noong parents' orientation?" tanong ni Maine sa lalaking nakaharap sa kanya.  

"Uh, no.  I wasn't able to make the orientation.  Work," kibit-balikat na sagot nito.  

Tumango naman si Maine habang iniabot ang kamay kay Baste.  "So, Sebastian, are you ready for today?" Pumunta naman sa kanya si Baste at hinawakan ang kamay niya.  Makailang hakbang lamang gayunman ay biglaang bumalik ang bata sa lalaki.  Nakita ni Maine kung paano kausapin ito ng ama (dahil wala ng tanong pa sa utak ng dalaga na ama nga ng bata ang naghatid dito dahil na rin sa mga kilos nito) at napangiti ito.  He's really good with kids.  And he loves his son so much.  

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now