Chapter 8

5.3K 317 14
                                    

Pagod na si Maine at nakaupo na lang ito sa isa sa mga love seats sa VIP area ng club ni Frankie.  Si Izza naman ay bumaba sa first floor at naghanap ng makakasayaw.  Patuloy pa rin ang pagtugtog ng DJ ng mga hip-hop at dance music.  Niyaya nung una ni Izza si Maine pero tumanggi ang dalaga. Sinabi nito sa kaibigan na hindi niya naman talaga 'scene' ang ganito pero sinabi niya rin na mag-enjoy lang siya at hihintayin na lang ang kaibigan sa VIP area.  

Buti na lang hindi masyadong maingay dito sa VIP.  Well, maingay pa rin lalo na when that group from the other table came.  But not as noisy wherein you can't hear yourself think.  Kinuha ni Maine ang kanyang inumin sa lamesa.  Pangalawa pa lang niya ito at ni hindi man lang pa nangangalahati.  Napangiwi siya ng bahagya sa kanyang paghigop.  I never really understood how some people love alcohol. 

Hindi pala-inom si Maine, hindi tulad ng kaibigan niya na si Izza.  Madalas ay nahihila lang ito sa mga gimik at lakad ng kaibigan.  Kung iinom man ito - pinakamarami na ang maka-tatlo siya.  Mabilis din kasi siyang malasing.  At yun pa naman din ang pinaka-ayaw ni Maine sa lahat.  Ang malasing at magkaron ng malaking hangover kinabukasan.  

"Hey, Maine."

Natigilan si Maine sa pagmumuni-muni at tiningnan ang nagmamay-ari ng boses.  "Oh, hey Frankie."

"What are you doing here by yourself?" tanong ni Frankie sabay umupo sa kaharap na love seat ng dalaga.

Ngumiti si Maine sabay nagkibit-balikat.  "Izza went downstairs para magsayaw.  Hindi ko lang feel sa ngayon at mas gusto kong mag-people watching.  Mas nakakaaliw lang."

Natawa naman si Frankie sa sinagot ng dalaga.  "I see.  Well, bully for her.  But at least I can talk to you ng tayo lang."

Medyo nailang ng konti si Maine ng ngumisi ang binata sa harapan niya.  Naalala niya ang mga sinabi ni Izza sa kanya kani-kanina lang.  Am I really that naive?

"So, pang-ilan mo na ba yang iniinom mo?"

"Uhm, pangalawa pa lang."

"What?!  Really?!  Wow, Maine.  You've been here for hours and that's your second lang?" ang tanong ni Frankie na tila may halong paghanga habang napapailing.  "How is it?  Hindi ba masarap?"

"Haha, it's not that.  It's more like I don't really drink much. Or maybe hindi ko pa nakikita yung drink na gusto ko talaga."  Did I really just say that?  Am I flirting?  Ewww Maine, just stop!  Dapat tinigil mo dun pa lang sa you don't drink much.

"Well, I might be an expert on that then," ngingisi-ngising sagot ni Frankie.  Tinuro niya ang sarili sabay sabi ng, "Bartender here, remember?"

Tumayo si Frankie.  "I'll mix you something and I promise you will like it," sabay kindat kay Maine at tuluyang umalis papuntang bar.  

"Naku, you don't have to do --- wow, seryoso siya."

Napailing na lang si Maine at binaba ang hawak na inumin.  Kung dadalhan siya ng bagong inumin ni Frankie - e mas mabuti ng hindi niya na ubusin ang kanyang iniinom para hindi naman siya tamaan ng lasing. Tumayo ito at pumunta sa bandang railings ng balkonahe ng VIP area para hanapin kung nasaan na si Izza.  Nakita niya ang kaibigan na nasa gitna ng dance floor at tila sobrang nage-enjoy base na lang din sa mga sayaw na ginagawa nito. Napangiti si Maine habang pinagmamasdan si Izza.

Maya-maya lang ay may tumabi sa kanya na may dalang martini glass na may kulay asul na inumin sa loob at cherry na lumulutang na nakatusok sa isang toothpick.  "Here you go," ani Frankie sabay abot sa kanya ng inumin.

"That was fast," tugon naman ni Maine habang iniabot ang inumin.  "What's this?"

"It's the 'Maine Special'," ang sagot naman ni Frankie habang tumataas-baba ang mga kilay nito.  "It's something I concocted lang na I thought you might like.  It's fruity and sweet and hindi mo masyadong malalasahan ang alcohol diyan."

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now