Chapter 17

6.9K 447 87
                                    

Happy 45th Weeksary! I know I said I wouldn't update hanggang after AMACon2 pa pero ang dami niyo kasing nag-request na mag-update na.  Tapos since weeksary na rin naman at ang daming ganap ng ating mga bibis na sobrang nakaka-inspire, eto naman ang munting regalo ko rin para sa inyo. :)

Tweet me @wuthie16 over at Twitter para sa kahit ano.  I'd love to be your friend.  :)

Muli, salamat sa pagbabasa! :)

==========================

Nagmamadali si Maine na pumunta sa coffee shop malapit sa GCPS.  Kinailangan niya pa kasing manatili panandalian sa klase niya dahil kailangan ng tulong ni Izza sa pagliligpit ng mga laruan at libro ng kinalat ng kanilang mga chikiting sa kanyang afternoon class.  Sa katunayan, sinabihan na siya ni Izza na mauna na dahil baka mahuli nga sya sa usapan nila ni Jake pero syempre, bilang siya ang main teacher ng 4-year old class, minabuti niyang samahan ang kaibigan sa pagliligpit at pag-aayos.

At eto na nga - nahuli na tuloy siya.

Well, it's not like this is really a big deal, is it?  Coffee lang naman daw.  Tsaka pinadala niya pa sa akin yung foundation list.  Meaning - work related pa rin ito, diba?

Sige lang, Maine.  Convince mo pa sarili mo.  Hay naku. 

Shit.  Ayun na nga si Jake.  Late nga ako!

Dali-daling pumasok si Maine sa loob ng coffee shop at umupo sa harap ni Jake.  Medyo hinihingal pa ito pag-upo na siya naman ikinatawa ng binatang naghihintay sa kanya.

"Maine, breathe.  Parang you ran all the way from school ah," natatawang sambit ni Jake sa kanya.

Oh, that's totally accurate.  "Medyo," sagot ni Maine.  "I helped Izza pa kasi with fixing the classroom.  I'm sorry if I'm late, ha."

"It's all right.  This is just a simple coffee date between friends getting to know each other, diba?"

Tumango naman si Maine at bahagyang napatawa, bagay na nagpatawa rin ng marahan kay Jake.  "Anyway, andito na yung list.  Do you want us to talk about it na?"

"Relax, Maine," ani Jake.  "Let's get you something to drink and eat first, before that.  Anong coffee ba ang gusto mo?  Any cakes maybe?  Or pastry?  I heard masarap yung ham and cheese croissant nila dito."

"Ako na, Jake," pailing na sagot ni Maine.  Patayo na ito ng bigla siyang pigilan ng binata sa harap niya.  Hinawakan nito ang kanyang mga braso at ngumiti sa direksyon niya. 

"Maine, this is on me.  Ako ang nag-aya sa'yo diba?" mahina nitong sambit sa dalaga.

Yumuko naman si Maine sa kadahilanang ayaw niyang makita ng binata na kinamulahan niya ang mga sinabi nito.  Why am I even affected?!

Napabuntong-hininga naman si Maine at muling tiningnan pabalik ang binata sa kanyang harapan.  "Ok, fine.  Today lang - Jake ok?  Honestly, hindi pa rin ako kampante dito sa pagpayag ko sayo.  You're my boss, first and foremost.  People might get the wrong impression about this.  Baka isipin na sumisipsip ako sayo."

Ngumiti naman si Jake pabalik sa kanya.  "I don't think there's anything wrong with what we are doing, Maine.  Sure, I'm your boss.  Pero hindi rin ba akong pwedeng maging kaibigan mo?"

Tumayo na ito ng tuluyan ng hindi siya sinagot ng dalaga.  "So, ano ngang coffee mo?"

"Iced Caramel Macchiato, skimmed milk please."

"Any dessert or pastry to go with it?" dagdag na tanong ni Jake.  Umiling naman si Maine bilang sagot at tuluyan ng pumunta sa counter si Jake para bilhin na ang kanilang memeryendahin.  

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now