Chapter 10

6.5K 364 18
                                    

Maya maya lamang ay nakarating na sina Alden sa tinitirhan ni Maine.  Naghanap si Alden ng parking space sa visitor area ng naturang condominium complex ni Maine.  Buti na lang at may nahanap ito na malapit sa pasukan ng naturang gusali.  

She's still out cold.  Which means I have to carry her up.  Napabuntong hininga naman ang binata pero napangiti rin ng makita ang mala-anghel na itsura ng dalagang nasa passenger seat ng kotse niya. 

"Well, here goes." Bumaba na ng sasakyan si Alden at dahan dahan binuksan ang pinto ni Maine.  Bago buhatin ang dalaga ay sinigurado ni Alden na nasa kamay na niya ang susi ng unit ni Maine pati na rin ang maliit na bag nito.  Marahang binuhat ng binata ang dalaga.  Si Maine naman ay nagsumisiksik kay Alden lalo pagkabuhat dito.  Mukhang nagiging paborito nitong lugar ay ang leeg ni Alden.  Napangiti na naman muli ang binata sa ginawa ng dalaga.

Maya maya lamang ay nakarating na sila sa unit ni Maine.  Dinala na ni Alden ang dalaga sa kwarto nito at dahan dahang nilatag sa kama.  Tinanggal niya na rin ang sapatos ni Maine pagkatapos ay kinumutan.  Dagliang tumagilid paharap kay Alden at nagsumiksik na naman ang dalaga sa ilalim ng kumot nito.  Umupo ng marahan si Alden sa gilid ng kama ni Maine at taimtim na tinitigan ang dalaga.  Malumanay na hinawi nito ang buhok na bahagyang nakatakip sa mukha ni Maine.  

She's really beautiful.  Aniya sa kanyang pagiisip.  I would try to find out why you've been mentioning my name in your sleep, Miss Mercado.  

Makalipas ang ilang saglit, nagsimula ng tumayo si Alden para makauwi na.  Malapit na rin kasing mag-alas tres ng umaga.  Buti na lang at Linggo kinabukasan at wala siyang kailangang isipin sa opisina.  

Pagkatayong-pagkatayo niya ay nagulat na lamang siya ng may biglang pumigil sa kanya sa paglakad palayo.  Tiningnan niya ang kanyang braso at nakita ang kamay ng dalaga ng marahang nakakapit dito.  Inilaan naman niya ang tingin niya kay Maine at nakita nito ang mapupungay na mga mata ng dalaga na nakatitig sa kanya.  

"Stay."

Napasinghap naman ng malalim si Alden sa isang katagang winika ni Maine.  Alam niyang malamang ay hindi alam ng dalaga ang sinasabi nito sa kanya.  Siyempre - naalimpungatan lamang ito dagdag mo pa na medyo may kalasingan siya.  

Napabuntong hininga na lang si Alden ng hindi inialis ni Maine ang kamay sa braso niya.  Hindi niya pinagkatiwalaan ang sarili na magsalita kaya tumango na lamang ito at saka pa lamang tinanggal ng dalaga ang kamay sa braso niya.  Dahan dahang umusog si Maine sa kama niya at binuksan ang kumot na nakabalot sa kanya, akmang iniimbitahan ang binata na tumabi sa kanya. Sinulyapan ni Alden ang ginawa ni Maine at nakita nito na umakyat na ang damit na suot ng dalaga hanggang sa kalagitnaan ng kanyang hita.  

Pumikit si Alden at huminga ng malalim ng mapansin ang ginawa ng dalaga.  Lord, help me.  I don't want to do something that we might both regret in the morning.  Lalaki lang po ako, Lord.  Konting tulong lang naman po.   

Nakatitig pa rin si Maine sa kanya at hinihintay ang kanyang gagawin.  Isa pang malalim na hinga at umupo na si Alden sa kama ni Maine.  Tinangggal na niya ang kanyang sapatos pati na rin ang kanyang sports jacket na sinabit naman niya sa upuan na malapit sa kama ni Maine.  Iniayos niya ang mga unan at sumandal na ito sa headboard ng kama at iniunat ang mga binti.  Hindi niya tuluyang magawang humiga ng todo sa takot na baka kung anong mangyari.   Hindi naman sa wala siyang tiwala sa sarili gayong hindi naman siya masyadong nakainom at hindi naman siya ganon kalasing - bagkus ay hindi niya alam kung kakayanin niyang umiwas sa tukso na nagngangalang Maine Mercado.   

Pagkahigang pagkahiga niya ay agad agad na tumabi sa kanya ang dalaga at yumakap sa kanya.  Inihiga nito ang kanyang ulo sa dibdib ni Alden at iniangkla ang binti sa mga binti niya.  Panandaliang tumigil sa paghinga si Alden sa ginawa ni Maine.  Hindi niya tuloy malaman kung paano pupuwesto at kung saan niya ilalagay ang kanyang mga kamay.  Tila ba siya ay isang preso na nakakulong sa mga bisig ni Maine.  

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerWhere stories live. Discover now