Chapter 27

6K 392 34
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas...

"Come in," tugon ni Frankie ng marinig ang marahang katok sa pinto ng kanyang opisina.  Magdadapit hapon na ng mga oras na iyon at maya maya lamang ay maghahanda na rin siya para sa pagbukas ng kanyang bar para sa gabing iyon.  

Inaayos ayos nito ang mga papel na nasa ibabaw ng kanyang lamesa bago tuluyang tumingala para salubungin ang kung sino mang gustong makipagusap sa kanya.  

"What can I do for y --"

"Frankie."

Natigilan sandali si Frankie bago napangisi ng makita kung sino ang biglaang bumisita sa kanya.  Medyo alam na nito kung anong pakay nito at hindi naiwasan ni Frankie na palakihin ang mga ngiti niya ng mapansing nakasimangot ang bagong dating.  

"Alden.  To what do I owe this pleasure?"

Hindi kumibo si Alden bagamat ito ay umupo sa isa sa mga upuan sa harap ng mesa ng kausap.  Pinagmasdan lang muna nito si Frankie na tila tinatantya pa nito kung ano ang kailangan niyang sabihin.  

"I'm not really surprised you came here," pagpapatuloy ni Frankie habang iniisa-isa ang mga papeles sa mesa.  

"So you do know why I came?" marahang tanong naman ni Alden na patuloy pa rin ang pagmamasid sa kaharap.

"I heard Cindy's back in town."

"You heard?"

Tumango naman si Frankie habang patuloy ang pagngingisi.  "Yes.  Alam mo naman ang mga sabi-sabi ng tao sa tabi-tabi.  Tsaka ang balita pa ba?  Napakabilis kaya nito.  So...  Why are you here, Alden?  Gusto mo bang gamitin ko ang mga contacts ko to contact her so that you could meet?  Muling ibalik na ba ito, pare?"

Hindi sumagot si Alden bagkus ay tinitigan nito si Frankie ng ilang segundo, bagay na nakapagpakaba ng bahagya sa binata.  Maya-maya lamang ay biglang napangiti si Alden na siyang ikinagulat naman ni Frankie.

What in the world??  Anong gusto ng gagong ito?

"No need, Frankie.  That's not why I came here."

"Hmmm..." marahang tugon ni Frankie habang nababahala ng bahagya ng makita ang mga ngisi ni Alden na tila may binabalak na hindi tama sa kanya.  "So bakit nga ba nandito ka?"

//

"Let me handle this."

"Pero, sir --"

Natigilan ang pulis na kasama ni Alden sa labasan ng bar ni Frankie ng biglang itaas ni Alden ang kanyang kamay.  "You have the warrant of arrest ready, tama ba officer?"

"Yes, Mr. Rioja.  All the evidence you provided was enough for us to issue this warrant and get Mr. Abella to come with us to the precinct for some explanations," tugon ni SPO4 Rodriguez na siyang kasama ng mga oras na iyon ni Alden.  "Pero I strongly suggest po talaga na --"

"I need to do this, Officer Rodriguez.  You can come with me hanggang sa labas ng opisina niya.  You can even eavesdrop on what we are going to talk about.  Pero gusto ko lang na ako muna ang humarap sa kanya."

Napabuntong-hininga naman ang pulis na kasama nito at tumango na lamang sabay sinenyasan ang iba pang kasama na sumunod na lamang sa kagustuhan ng binata.  

Pagkapasok na pagkapasok ni Alden kasama ang mga pulis, napatayo bigla ang sekretarya ni Frankie at akmang magsasalita at tatawagin ang kanyang boss ngunit nginitian ito ni Alden at mabilis na sinabihan ng, "It's all right.  I just need to talk to Frankie.  They'll stay here outside.  He's in, right?"

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon