Chapter 30

6.3K 442 36
                                    

For @Tinadl01 - thank you for giving me an idea for some parts in this chapter. :)

//

"Teacher Maine! Teacher Maine!"

Lumuhod naman si Maine ng marinig ang boses ng batang tumatawag sa kanya. "Yes, Baste? What's wrong?"

"Wala lang po. Excited na po kasi akong pumunta sa beach!" sagot ng bata habang yumakap sa leeg ng dalaga.

Kasalukuyan silang nasa bahay ng mga Rioja na naghahanda para sa tatlong araw nilang bakasyon sa beach house ng mga ito sa Batangas.  Dahil na rin sa pagpupumilit ni Alden na magbakasyon muna si Maine sa trabaho ng Biyernes na iyon dahil kaarawan naman daw niya kinabukasan.  Buti na lang at pumayag din si Jake na magbakasyon siya kahit na last minute at buti na lang din ay ayos lang kay Izza na maiwan sa kanya ng isang araw ang mga bata sa klase niya. 

Natawa naman ng marahan si Maine dahil ayaw pa rin siyang bitiwan ni Baste kaya kinarga niya na lang ito bago tumungo sa kusina para tingnan kung ayos na ang ilang pagkain na kanilang dadalhin sa beach house.  "You're getting big na baby! Hirap mo ng kargahin!" patuksong badya ni Maine sa bata.

"Ayaw mo na akong karga, Teacher Maine?" tanong ng bata na may kasabay pang pagsimangot.

Binigyan naman ng marahang halik ni Maine si Baste sa noo at nginitian ito. "Of course not, baby.  Palagi kitang kakargahin hanggang kaya ko pa.  Pero pag lumaki ka na ng kasing laki ng daddy mo, hindi na kita pwedeng karga ha?"

Napahalikhik naman si Baste.  "Silly ka talaga, Teacher Maine."

"I hear giggles and laughter," isang matipunong boses ang tumigil sa sa pagtutuksuhan ng dalawa. "Ah... Kaya naman pala. How's my two favorite persons in the world?"

"Daddy!"

"Hello, love."

Isang malaking ngiti ang binigay ni Alden sa direksyon ni Maine bago nito kinuha si Baste. "Kinikilig pa rin ako pag tinatawaga mo akong 'love'," marahang bulong nito bago humalik sa dalaga bilang pagbati. 

"Magtigil ka nga! Ang harot harot mo - sa harap pa talaga ni Baste, 'no?"

"But I love hearing you call me that, bakit ba?"

"Oo na. Oo na."

Natawa na lamang ang binata ng bahagyang pinalo ito ni Maine sa braso bago tumulong sa mga kasambahay nila doon na magayos ng mga dadalhin. 

"Are you ready na ba, love? Parang ang dami nating pagkain na dadalhin. Pwede naman tayong magpabili kina Mang Nardo pag may kinulang tayo doon."

"I want to be ready, love," tugon ni Maine habang inilalagay sa isang basket ang ilang tinapay at gulay na siya mismo ang bumili. "I told si Tito na I would cook him dinner tonight, eh."

"It's your birthday.  We should be the one spoiling you, not the other way around."

"It's all right. I already promised. And I want to do this, too. Nagrequest si Tito ng paella."

Marahang napangiti si Alden. "Alam mo bang paborito ko yan? Mama used to make it for us. Ang tagal ko na atang hindi nakakatikim nun. Si Papa din."

Lumapit naman si Maine kay Alden at niyakap ito.  "Then let me make it for you and Tito tonight. It might not be as good as your mom's though - but I will try my best."

"Daddy? Are we going na po ba?" pagiingit ni Baste na gusto ng kumawala sa sa pagkakakarga ng ama. "I want to swim na sa beach!"

Parehas na natawa si Alden at Maine.  "Yes baby. We're going na." Iniabot ni Alden ang kamay nito kay Maine. "Let's go?"

Sa Tamang Panahon (An AlDub Fanfic) #Wattys2016 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon