8

56.3K 1.2K 98
                                    



Chapter 8





ELLE'S P.O.V





Katatapos lang ng klase namin! Hinila ko kaagad si Abhie papunta sa gym! Nandun kasi si Shane! Pinilit ko si Shane na kaibiganin si Abhie para naman mas lalo silang magkakilala. Don't get me wrong guys, hindi ko gagamitin si Abhie, since sinabi naman ni Shane na parang nagugustuhan niya si Abhie edi mas maganda ng i-push 'to! Minsan lang mangyari 'to noh! Ang may magustuhan si Shane bukod sa alam niyo na sa Ate niya.






Hingal na hingal kami ni Abhie pagdating namin sa gym.






"A-ano bang gagawin natin dito Elle? Nagsiuwian na lahat ng estudyante." - naguguluhang tanong niya saakin.






"Basta.." - hinila ko siya papunta sa kabilang bleachers, narinig kong napagasp siya ng makita niya si Shane na nakaupo dun, tignan mo 'tong lalaking 'to magkadikit nanaman yung kilay! Haha!






"Elle!! Si Shane yan diba.. A-ano 'to? Ikaw ha! May surprise kayo saakin noh?!!" - naeexcite na sigaw niya.






Hahaha! Grabe ang cute niya mag assume hahaha. Well parang surprise na rin naman 'to. Shane Briones makikipagclose kay Abhie Bregnas.






Tumigil na kami sa tapat ni Shane.. Sumenyas ako na bumaba na siya sa bleachers, napakamot muna siya ng ulo niya. Ang sama ng tingin niya saakin, sigurado ako kanina pa ako pinapatay niyan sa isip niya! Haha.






"Shane?" - nanginginig yung boses ni Abhie..





Tinignan ko ng masama si Shane at sumenyas ako na magsalita, wow ha ngayon pa siya matotorpe?!






"Ah.." - hahaha! Shete ano ba naman 'tong si Shane tulirong tuliro.





Nakangiti lang si Abhie..





Hinimas himas ni Shane yung batok niya..






"Friends?" - napangiti ako ng ilahad ni Shane ang kamay niya sa tapat ni Abhie.. Kahit simpleng friends lang ang sinabi niya para kay Shane mahalaga na yon.





_________




ABHIE'S P.O.V




Tama ba 'tong naririnig ko?! Shane Briones nakikipagkaibigan saakin! Please sampalin niyo nga ako! Joke lang! Hihi.. Kinuha ko yung kamay ni Shane, masyado akong halata kasi nanginginig yung kamay ko. Napatingin ako sakanya ng marahan niyang pisilin ang kamay ko.






"Oh pano, maiwan ko na kayo ha! Uuwi na ako! Bye Abhie!" - sigaw ni Elle saka umalis na..




Binitawan na ni Shane ang kamay ko.





Ganito yung mga nababasa ko sa wattpad eh, una magiging kaibigan nila yung crush nila, tapos liligawan, tapos magiging sila, tapos mapapang asawa nila! Ihhhh kinikilig ako kapag iniisip ko yun!





"Okay lang sayo hintayin mo ako? Mag lilinis kasi ako ng gym." - napansin kong medyo nahihiya siya, yun kasi ang parusa sakanya ni Tita A dahil sa pagka-cut niya ng klase kahapon.





"Ha? Ah gusto mo tulungan nalang kita?" - suhestiyon ko.




Nanlaki ang mata ko ng ngumiti siya! O_O shet!! Ngumiti siya!! Ahhhh!! Alam niyo yung ngiti niya makalaglag ano...alam niyo na! Shet shet!!





"Hindi na. Kaya ko naman. Ang mabuti pa maupo ka nalang dito." - at para akong nanigas ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinaupo sa bleachers.






Parang nagslowmo lahat, I mean nagslowmo siya sa paningin ko. Nagsimula na siyang maglinis, yung mga bola inaayos na rin niya. Nagbabasket ball kaya si Shane? Magaling kaya siya maglaro?





Nagma.mop na siya ngayon, bakit ba kahit anong gawin niya ang gwapo niya pa rin..





Mga isang oras na din siguro ang lumipas natapos na rin siyang maglinis ng buong gym.. Naglalakad na siya ngayon palapit saakin, mukhang pagod na pagod siya. Naalala ko may tubig ako sa bag ko! Kaya naman kinuha ko yun, umupo siya sa tabi ko. Pagtingin ko sakanya nakapikit siya, pawis na pawis siya gusto kong punusan yung pawis niya!






Nagulat ako ng bigla siyang tumingin saakin.





"Ah..uminom ka muna!!" - sigaw ko saka inabot sakanya yung tubig.. Kinuha naman niya yon.






"Salamat." - nakatingin lang ako sakanya habang nilalagok yung tubig ko, uyyy indirect kiss yun diba? Uminom ako kanina dun! Hihihi.





Napansin kong lumunok muna siya bago nagsalita.






"Ihahatid na kita maya maya. Yun nga lang magcocommute tayo, coding kasi yung kotse ko." - sabi niya.. Si si Shane magcocommute?





"Jeep??" - tanong ko.





"Taxi." - sabi niya, napanguso ako.. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya saakin..





"Jeep ba gusto mo? Sige, magjeep tayo. Pero pwede maya maya medyo napagod kasi ako." - sabi niya.. Dahil gusto ko magjee.jeep na kami! Kyaah..




Ngumiti ako!!




"Si-sige!!" - sigaw ko.. Parang may lumilipad sa loob ng tiyan ko..




__________





Pumara na ako ng jeep para makauwi na saamin. Pinauna akong sumakay ni Shane. Pawis na pawis na siya dahil medyo mainit naman talagang mag jeep. Punuan rin.





Nakakatuwang isipin na nagjeep siya dahil saakin hihi..





Napansin kong kumuha siya ng 100 pesos sa wallet niya.





"Shane ako na!" - sabi ko, baka kasi walang panukli si Manong sa 100 niya.





"Bakit? Magkano ba??" - tanong niya.





"10 pesos lang ang pamasahe papunta samin." - sabi ko.





"May barya ako." - seryosong sabi niya, ano ba naman 'tong si Shane ngumiti naman siya katulad ng pagngiti niya kanina! Hihi..






Napatawa ako ng makita kong kinuha niya sa bag niya ang itim na coin purse! May bago akong nalaman tungkol sakanya! Nagcocoin purse siya! Kumuha siya dun ng dalawang sampung piso at ibinayad sa driver.





May mga sumakay, hala nagsisimula ng magsiksikan. Baka mamaya mag init ang ulo nito ni Shane..





Napangiti ako ng magpatugtog si Manong Driver ng kanta ni Yeng na Jeepney.





•Sumakay ako sa jeepney.
Ikaw ang nakatabi, di
makapaniwala.•





Hindi talaga ako makapaniwala na katabi ko ang crush ko! Haha! Ano ba hindi ko lang siya basta katabi! Ihahatid niya ako.. Napansin ko namang tinitignan si Shane nung mga babaeng bagong sakay., parang naglalaway sila.






•At nagsiksikan na.
Dahil tumigil ang jeepney
sa tapat ng eskwela.
Biglang nagkadikit, puso
ko'y biglang sumikip
at natulala...•





Nakakainis si Manong Driver ang takaw niya sa pasahero! Puno na nga nagsasakay pa siya!





"Aray!!" - sigaw ko ng umurong yung katabi ko sa kaliwa para makaupo yung kasama niya! Titignan ko sana ito ng masama pero natigilan ako ng maramdaman kong pumulupot yung braso ni Shane sa bewang ko.





Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko namumula ako. Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang kilig!!






"Tss, puno na nga nagsasakay pa." - narinig kong reklamo ni Shane sa driver.






Mas lalong humihigpit yung kapit niya sa bewang ko, para bang iniiwasan niya na maipit ako sa jeep.






Buong biyahe nanigas ako sa kinauupuan ko sa jeep.. Kagaya nung nasa kanta ni Yeng, ayoko ng pumara kung si Shane naman yung katabi ko! >\\\<





Pero kailangan!





"Pa-para!!" - sigaw ko, at dun ko na naramdaman ang pagbitaw saakin ni Shane.





Naunang bumaba si Shane, maiinis na sana ako pero natulala ako ng makita kong nakalahad yung kamay niya sa may labasan ng jeep para maalalayan akong bumaba, nainis siguro yung nakasakay sa jeep kaya tinulak ako at nasubsob ako kay Shane. Pero joke lang yon LOL. Kinuha kaagad ni Shane yung kamay ko para makababa na ako, at binitawan din agad yon.





Isa pang nalaman ko. Gentleman talaga siya.





Naglalakad na kami ngayon sa subdivision namin.





"Medyo mahirap palang makipag siksikan sa jeep." - sabi niya.





"Minsan, kasi may mga driver na matakaw sa pasahero." - sabi ko.






"Okay ka lang ba?" - biglang tanong niya..




"Huh?"





"Kasi kanina narinig kong umaray ka sa jeep." - sabi niya.. Napangiti ako.





"Oo naman noh! Ikaw ang okay lang ba?!" - balik ko ng tanong sakanya, at hindi ako makaimik dahil sa sinagot niya.





"Okay lang ako, kapag okay ka."




*******

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon