46

46.3K 878 33
                                    






Chapter 46




Sobrang namamawis ang kamay ko, Prom nanamin ngayon at pakiramdam ko hindi na normal ang tibok ng puso ko dahil nandiyan na siya sa labas ng bahay namin, hinihintay na niya akong lumabas.



"Ang ganda ganda mo Abhie, kung nandito lang ang Papa mo sigurado akong ihahatid ka niya hanggang loob ng venue." Nakangiting sabi ni Tita habang inaayos ang pagkakasuot ng gown ko, kulay pink ang gown ko sabi kasi ni Tita bagay daw saakin ang kulay na yon. Pagkatapos niyang ayusin ang gown ko, sinamahan na niya ako palabas ng bahay. Napaawang ang bibig ko nang makita ko si Shane na nakatayo sa tapat ng gate namin, naka-coat & tie siya at sobrang gwapo niya. Maging yung pagkakaayos ng buhok niya bagay na bagay sakanya.


"Ang gwapo naman ng date mo hija.." Bulong saakin ni Tita, "Alam mo ba nakakatuwa kayong dalawa, kapangalan niyo pa ang magulang mo. Hindi kaya siya ang pinadala ng Papa mo para makasama mo." Panunuya saakin ni Tita, nag init naman ang mukha ko dahil doon, minsan ko na rin kasing naisip iyon.



Inilahad niya ang kamay niya, kaagad kong tinanggap iyon atsa hindi ko malamang dahilan nanghina ang tuhod ko sa marahan na pagpisil niya sa kamay ko. "Ganda mo." Nakangiting sabi niya saakin, "Thank you." Nahihiyang bulong ko, ngumiti naman siya saakin. "Shane, pakihatid sa tamang oras ang pamangkin ko. Wala kayong ibang pupuntahan kundi ang Prom lang. Naiintindihan niyo ba akong dalawa?" Paninigurado saamin ni Tita,


"Yes Tita, ako pong bahala sa magandang 'to." Nakakainis, bakit ang gwapo gwapo niya? "Picture muna!" Nakangiting sabi ni Tita habang iwinawagayway ang digicam niya, hinapit ako ni Shane sa bewang at kaagad humarap sa camera, napatingin ako sakanya, pero laking gulat ko nang mag flash ang camera.



"Abhie! Ano ka ba namang bata ka, tumingin ka dito! Isa pa." Sabi ni Tita, nakakahiya nakuhanan siguro ang pagtitig ko kay Shane, tumingin na ako sa camera.



"Oh! Ikaw naman ang hindi nakatingin Shane, isa pa ulit!" Hiyaw ni Tita, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Shane, mas lalong humigpit ang kapit niya sa bewang ko. At kahit naiilang ako ibinigay ko ang pinaka magandang ngiti ko para sa picture naming dalawa.




Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse niya at maingat akong pinasakay doon, nagpaalam muna siya kay Tita bago sumakay na rin sa tabi ko, ang bango bango ni Shane, para bang kapag niyakap ka niya maiiwan yung pabango niya sa katawan mo, grabe talaga may gwapo pala talaga sa mundo. Okay ang OA ko na, pero kasi ang gwapo talaga ni Shane, nakakainis. Napansin ko nanaman ang pag ngiti saakin nung driver ni Shane kaya naman tinanguan ko ito.




Biglang pinagsalubong ni Shane ang kamay naming dalawa at napatingin ako sakanya nang halikan niya ang ibabaw ng kamay ko. "You look perfect.." Bulong niya na naging dahilan ng pamumula ko, nilingon niya ako at tinitigan sa mata. "I can dance with you all night, para hindi ka maisayaw ng iba." Nakangiting bulong niya, napaawang ang bibig ko, ngumisi naman siya at mas lalong hinigpitan ang kapit sa kamay ko.




Pagkadating namin sa hotel kung saan ang venue ng Prom namin, sinalubong kaagad kami nila Elle. Ang ganda ganda ni Elle sa suot niyang kulay blue na gown, nakataas din ang buhok niya gaya ng saakin, si Syril naman kulay beige ang gown niya, simple pero mukha siyang elegante, si Stan ang date nilang dalawa dahil napag gigitnaan nila ito. Ang gwapo rin ni Stan kaya pinagtitinginan din siya ng ilan. Pero mas lumakas ang bulungan nang makita na nila si Shane.



"Sht, ang gwapo ni Shane Briones, ang swerte naman ni Abhie."



"Gwapo. Sana isayaw din niya ako."



Napailing nalang ako, ang lakas naman makahatak nitong si Shane. "So, tara na?" Yaya ni Elle, tumango kami at sabay sabay kaming naglakad, inalalayan naman ako ni Shane dahil medyo naghihirapan akong ilakad ang heels ko.



Umupo kami sa isang round table, at pinanood namin yung mga nagsasayaw ng cotillion. "Shane, diba dapat kasali ka diyan? Bakit mo tinanggihan?" Tanong ni Elle sakanya habang nakatingin sa mga nagsasayaw ng cotillion, umiling naman si Shane saka sumagot, "Kapag sumali ako diyan, hindi si Abhie ang magiging first dance ko." Seryosong sabi niya, napahagikhik naman sila Syril at kinurot ang bewang ko. "Taray naman." Natatawang sabi ni Elle sakanya, "Pero pwede ko naman sigurong isayaw si Abhie?" Nakangiting tanong ni Stan sakaya, sandali siyang tinitigan ni Shane. "Sa second dance pare." Paninigurado ni Shane sakanya, nagtawanan kami dahil sobrang seryoso ng boses ni Shane.



Ilang sandali pa natapos na rin ang cotillion, nagsisimula na rin ang pagserve ng pagkain. Nagpipicturan din kami gamit ang camera ni Syril, mayroon din namang camera si Shane pero ginagamit niya lang iyon kapag ako ang pipicturan. "Hey, sila Elle kuhanan mo rin." Suway ko sakanya, umiling siya. "Para san? Eh ikaw lang naman yung gusto ko kuhanan." Aniya saka tinignan ang ilang kuha niya, minsan talaga ang adik kausap ni Shane.




Katatapos lang namin kumain, nagsimula nang buksan ang dance floor, at napangiti ako sa unang tugtog na narinig ko ngayong gabi, ang title ay This I Promise You.



Inilapit ni Shane ang bibig niya sa tenga ko at doon bumulong. "May I have this dance?" Nagtayuan ang balahibo ko sa init ng paghinga niya, nilingon ko siya at nakita ko ang kumikinang na mata niya, marahan siyang tumayo at inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Dahan dahan kong tinanggap iyon, naglakad kami sa gitna ng dance floor. May ilan na ring sumasayaw, pero karamihan sakanila napapalingon saaming dalawa ni Shane.



Ipinulupot niya ang dalawang kamay ko sa leeg niya, at marahan niyang hinapit ang bewang ko. Titig na titig siya sa mata ko na para bang gandang ganda siya saakin. Assuming 101 ako, hehe. Pero yon kasi ang pakiramdam ko ngayon. Sumasabay ang mga paa namin sa bawat rhythm ng kanta. "Promise me Abhie, magiging saakin ka na pagtungtong ng college." Bulong niya, lumunok naman ako. "Shane, bata pa rin tayo non.." Suway ko sakanya, humigpit ang hawak niya sa bewang ko at halos mamawis ang kamay ko nang pagpatungin niya ang noo naming dalawa, amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. "Second year college?" Nakangiting tanong niya, "Shane.."



"Third year college?" Natawa ako sa pangungulit niya, "Magiging girl friend palang naman kita. H'wag kang mag alala, alam ko ang limitasyon ko." Seryosong sabi niya, napalunok ako dahil doon. "Pero hindi ko maipapangako na hindi ko hahalikan yang labi mo." Patuloy niya at lumipat ang tingin niya sa labi ko.



"Yun nga lang, hindi pa ngayon. Baka bigla nanamang sumulpot si Ash," Natatawang sabi niya, maging ako ay napatawa. "Hihintayin kita, at habang abala ako sa paghihintay ko sayo, mag aaral akong mabuti para sa future nating dalawa." Pabiro kong hinampas ang balikat niya, ngumisi naman siya. "Marami ka pang makikilala Shane." Suway ko sakanya.




"Alam ko, pero sa maraming yon sigurado na akong ikaw ang pipiliin kong makasama habang buhay." Seryosong bulong niya, hindi na ako nakasagot sakanya dahil hinuli nanaman niya ng titig ang mata ko, nag iinit ang pisngi ko at alam kong pulang pula na ako ngayon.



Ilang sandali pa biglang tumigil sa gilid namin si Stan at Elle, mukhang magkasayaw sila kanina. "Pare, ako naman ang magsasayaw sakanya." Nakangiting sabi ni Stan, "Sigurado ka pre hindi ka mang aagaw?" Kunot noong tanong ni Shane.



"Hahaha! Pre naman, nagparaya na nga ako diba? Sige na, isang sayaw lang naman." Sabi ni Stan, sandali akong tinitigan ni Shane. "H'wag kang papabola sa sira ulo na yan." Seryosong sabi niya at napapikit ako ng halikan niya ang pisngi ko!



"Wow pare, salamat talaga. Wala ako sa harapan niyong dalawa." Sarcastic na sabi ni Stan pero kasabay non ang pagtawa niya, hinawakan ni Shane ang kamay ko at ipinahawak iyon kay Stan. Ngumiti naman si Elle na ngayon ay hinila ni Shane para magsayaw.



"Sabi ko na nga ba, ikaw ang pinakamaganda ngayong gabi." Simula ni Stan habang nagsasayaw kami, "Napaka bolero mo." Natatawang sabi ko sakanya, pero ngumiti lang siya.



"Sayang noh? Kung nauna lang ako kay Shane, edi sana tayong dalawa." Malungkot na bulong niya, "Stan naman..bata pa naman tayo, may mga makikilala ka pa." Payo ko sakanya, ngumiti naman siya ng mapakla. "Pero hindi ka nila mahihigitan." Sabi niya.



"Kapag sinaktan ka niya, ako nalang ang sasalo sayo ha? Gustong gusto talaga kita Abhie, pero para sa ikasasaya mo hahayaan ko kayong dalawa." Napansin ko ang panginginig sa boses ni Stan, tumigil kami sa pagsasayaw. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan kong pinisil iyon. "Stan.."




"Hahaha, wala 'to Abhie. Mawawala din 'to. Basta ipangako mo saakin na magkaibigan pa rin tayong dalawa!" Hiling niya, tumango tango naman ako. Huminga siya ng malalim at niyakap ako. "Salamat Abhie.." Bulong niya.



--



ELLE'S P.O.V


Kanina pa ako natatawa kay Shane, simula kasi nang mapahiwalay siya sa pagsasayaw kay Abhie, nakatingin lang siya sa dalawa nila Stan. "Hoy, kung makabantay ka naman kay Abhie akala mo mawawala siya." Pang aasar ko sakanya, kaagad siyang tumingin saakin, nagsasayaw kaming dalawa ngayon dito sa dance floor.




"I'm so happy Elle. Kahit na hindi pa kami, masaya na ako dahil alam kong darating yung panahon na magiging saakin siya." Kita ko ang kasiyahan sa mukha niya, iba talaga ang tama niya kay Abhie.



"Halata naman sa mga mata mo." Bulong ko, nginitian naman niya ako at tinitigan sa mata, biglang naging seryoso ang mga titig niya kaya napakunot ang noo ko. "I'm sorry Elle." Bulong niya, "Ha? B-bakit?"



Huminga siya ng malalim at bago nagsalita ulit. "Sa mga nagawa ko sayo, sa panggagamit ko sayo noon. Alam kong mali yon, ang gago ko kasi ginamit ko ang best friend ko para takasan yung isang bagay na kinatatakutan ko." Paliwanag niya, humigpit ang kapit niya sa bewang ko, hinaplos ko ang pisngi niya at nginitian ko siya, siguro nga maraming nagsasabing naka-move on na ako sakanya, maging sarili ko ay pinaniwala kong hindi ko na siya mahal. Pero kasi, kung hindi ko gagawin yon masasaktan lang ako. Mahal ko siya pero unti unti kong pinag aaralan na mawala yung nararamdaman ko para sakanya, at habang ginagawa ko iyon sinisigurado ko na magiging masaya siya kay Abhie, dahil nakikita ko na mahal niya talaga ito hindi lang basta ginawang panakip butas.



"Shane, wala na yun diba? Nagkausap na tayong dalawa. Masaya ako para sayo dahil sa wakas nahanap mo na yung tamang tao na mamahalin mo ng lubos. Hindi ka na dapat maguilty sa ginawa mo, hindi ba't ang usapan naman natin noon walang mai-inlove sa isa't isa? Pero ang hirap pala, kasi madali ka lang mahalin.." Bulong ko sakanya, mariin niya akong tinitigan sa mata.



"Mahal pa rin kita Shane, pero hindi kita kayang ipaglaban lalo na at nakikita ko namang iba yung mahal mo, at kaibigan ko rin. Masaya na ako na magbest friend tayong dalawa, saka kagaya ng laging ipinapaalala saatin ni Abhie, bata pa naman tayo. Darating din yung panahon na may makikilala akong iba.." Paliwanag ko sakanya, ngumiti siya ng mapakla at saka marahan akong niyakap. "Thank you so much Elle.." Bulong niya saakin, gumanti ako ng yakap sakanya at ngumiti ako..




Ilang oras na rin ang lumipas, nakatayo na ngayon sa harap ang dalawang Prof namin na MC ng Prom namin at mukhang nabilang na nila ang votes para sa King and Queen of the night. Ako ang binoto ko ay si Abhie at Shane! Nakakatuwa kasi silang pagmasdan na dalawa.



"Nako partner balita ko sa juniors nakuha ang King and Queen of the night." Sabi ng isang Prof namin. "Correct ka diyan partner, kanina rin tinitignan ko silang dalawa malagkit ang mga tingin sa isa't isa eh, hindi naghihiwalay."



"Woaaahh!! Shane and Abhie!!" Sigawan ng mga kaklase ko, napansin ko naman ang pamumula ng mukha ni Abhie dahil sa narinig. Si Shane naman ay seryoso lang na nakaupo sa tabi ni Abhie habang nilalaro ang kamay nito.



"Oo! PDA!!" Nagtawanan kaming lahat sa sigaw ni Ms.Ash, nakatingin siya kela Shane at natatawa rin. "Hahaha! Talaga namang nakabantay si Ms.Ash sa mga estudyante natin ngayong gabi, siya rin ang nagbilang ng votes para sa mananalo ngayon." Sabi ni Sir.K , "Kailangan bantayan! Ke babata pa!" Sigaw ulit ni Ms.Ash, nakakatawa talaga siya, galit na galit siya sa mga PDA wala kasing boyfriend! Haha, pero kadalasan kapag may mga nag aaway dito pinagbabati niya, minsan nga kapag babae at lalaki yung magkaaway nagkakatuluyan pa eh, para bang naging tulay siya.



Binuksan na nila Sir.K ang envelope. para sa King and Queen of the night.



"Our King and Queen of the night..." Nagbubulungan ang mga estudyante, si Syril naman kala mo kinikiliti, nangontrata kasi yan kanina sa mga naging kaibigan niya sa ibang sections na iboto si Shane at Abhie, napaka supportive nitong babae na 'to. Hahaha.



"Mr.Shane Briones and Ms.Abhie Bregnas!!" Nagsigawan kaming lahat nang ma-announce na ang pangalan nila, kiniliti ng kiniliti ni Syril si Abhie! Pulang pula ang mukha niya dahil sa hiya, si Shane naman natatawa nalang sa mga nangangantiyaw sakanya!



"Shane!! Punta na kayo sa stage!!" Sigaw ng mga kaklase namin, umiling iling si Abhie, grabe hiyang hiya talaga siya. "Wooahhh!!"



"Mr.Briones." Tawag kay Shane mula sa stage, napansin ko ang paghinga niya ng malalim bago tumayo. "Ahhhh!!!" Grabe si Syril kung makasigaw!!



Inilahad ni Shane ang kamay niya sa harapan ni Abhie, umiling iling ito at tumango. Kaya naman kinuha ni Shane ang kamay ni Abhie at marahan itong itinayo, mas lalong lumakas ang sigawan ngayong naglalakad na sila papunta sa stage.


--


ABHIE'S P.O.V




Ang lamig lamig ng kamay ko habang nilalagyan kami ni Shane ng sash at crown, hindi ko naman ineexpect na ako yung mapipili dahil ang dami daming maganda ngayong gabi, pero si Shane talagang inexpect ko na siya ang magiging King of the night.



"Congratulations!" Bati saamin ng mga Prof namin, biglang tumugtog ang King and Queen of hearts na kanta nang bumaba sa stage ang mga Prof, napapikit ako nang hapitin ni Shane ang bewang ko at muli akong isinayaw sa mismong stage.




"Woahhhh!!" Ang lakas lakas ng sigaw ng mga kaklase ko, yung mukha ko pulang pula na dahil sa hiya. Oo gusto kong maging memorable ang Prom ko, pero sobra sobra na ito. Talaga namang tatatak ito sa isip ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, wagas kung magwala.




"Haha, pulang pula ka." Natatawang bulong niya saakin, "Shane nahihiya ako!!" Hiyaw ko sakanya, ngumiti naman siya. "Hindi ka dapat mahiya, ang ganda ganda mo kaya." Nakangiting sabi niya, bakit nung sakanya nanggaling yon parang ang sarap sa tenga.



Pagkatapos ng Prom namin pinicturan kami nila Elle para daw may remebrance kami ni Shane bilang King and Queen, hindi ko makakalimutan ang gabing 'to. Buong gabi wala akong ibang kasayaw kundi siya lang, tuwing makikita niya kasing may lalapit saakin para isayaw ako bigla niya akong hihilahin at isasayaw sa gitna ng dance floor.



"See you sa school." Aniya, nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin. Tumango ako, sandali siyang tumungo sa passenger seat at parang may kinuha siya doon. Nanlaki ang mata ko nang iabot niya saakin ang isang boquet ng bulaklak. "T-thank you.." Nauutal na bulong ko, ngumiti naman siya.




Tumalikod na ako sakanya para sana pumasok na sa loob.. "Abhie." Tawag niya saakin, humarap ako sakanya at halos kumawala na ang puso ko nang halikan niya ang gilid ng labi ko. "Sa susunod, dito na." Bulong niya saka hinaplos ang mismong labi ko, dahan dahan akong lumayo sakanya at tumungo, narinig ko namang ngumisi siya.



"Good night Abhie, I love you." Yun lang at sumakay na siya sa kotse niya. Nakakagulantang talaga siya.


***

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon