27

43.3K 867 31
                                    



Chapter 27


Kinabukasan nagulat ako ng bumungad sa tapat ng gate namin si Stan.


"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka ko.

"Sabay na tayong pumasok Abhie! Sigurado ako mamayang uwian si Shane ang maghahatid sayo." Nakangiting sabi niya, napansin kong bagong gupit siya at sobrang ayos maayos ang uniform niya, err? Bakit mas lalo siyang gumwapo?


"Nye? Bakit?"


"Bilang manliligaw mo kailangan maihatid o masundo manlang kita." Masayang sabi niya.


Naglakad na kaming dalawa.


"Stan? Alam mo naman siguro diba? Na si Shane--"

"Gusto mo si Shane, alam ko yun. Pero hangga't hindi pa kayo, may pag asa pa rin ako!" Sabi niya.


"Pero hindi naman ako nagpapaligaw sainyo diba?" Sabi ko, lagot ako kay Tita nito kapag nalaman niya yung mga pinagsasasabi saakin ng mga kaibigan kong lalaki.


"Hindi nga. Hayaan mo nalang gawin namin ang gusto namin."


Pumara na kami ng jeep papunta sa school. Medyo maaga pa naman kaya wala pang masyadong traffic, pagkababang pagkababa namin kaagad naming nakita si Shane sa babaan ng jeep. Nakakunot ang noo niya at titig na titig siya saakin. Kinabahan naman ako dahil alam kong nagseselos siya. Okay, ngayon hindi ako nag aassume, dahil siya na rin ang may sabi noon na nagseselos siya kay Stan.


"Tara na Abhie.." Yaya saakin ni Stan, hindi ko alam kung ihahakbang ko na ba ang paa ko papasok ng school, nakatingin pa rin kasi si Shane saamin.


Kaya naman ang ginawa ko nauna na akong maglalakad kay Stan!


Pagkapasok ko sa classroom namin kasunod ko na silang dalawa.


Umupo na si Shane sa tabi ko at hindi siya umiimik. Pasimple ko siyang nilingon, nakahalukipkip siya habang nakatungo ng kaunti ang ulo at nakapikit.


"Don't stare." Bulong niya, halos mapalundag ako sa malamig niyang boses. Pero hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sakanya, dahan dahan niyang iminulat ang mata niya at tinitigan akong mabuti. Isang malalim at makahulugang titig.


Napapikit ako ng biglang niyang inilapit ang mukha niya saakin at sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko na namalayan na hinalikan niya ang gilid ng labi ko.


Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw na para bang yung mabilis na pagpintig lang ng puso ko ang gumagalaw ngayon!!


Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon