44

39.7K 811 21
                                    






Chapter 44



ELLE'S P.O.V




Sinundan ko ang nag walk out na si Syril, gusto ko na talagang makipagbati sakanya dahil sa nangyari. Nakakamiss na rin ang kaingayan niya kung minsan.




"Syril!!" Sigaw ko, pero hindi niya ako nilingon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at patuloy akong iniignore.




Lakad takbo ang ginawa ko para maabutan ko siya! Hinila ko ang kamay niya at pilit ko siyang iniharap saakin! "Ano ba?!!" Galit na sigaw niya saakin saka hinila pabalik yung kamay niya.




"Syril...sorry na." Paghingi ko ng tawad sakanya, pinagtaasan niya lang ako ng kilay saka tinalikuran, kahit siguro ako ganyan ang magiging reaksyon ko kapag nasaktan yung tinuturing kong best friend, magagalit din ako. Katulad nalang kay Shane, best friend ko siya at ayokong makita na nasasaktan siya.



Hinabol ko ulit siya at hinarang ko ang dadaanan niya.



"Syril! Makinig ka naman saakin oh.. Sorry na, alam ko kami ni Shane ang sinisisi mo kung bakit nagkaroon kayo ng gap ni Abhie.. Pero Syril, nagsisisi na rin naman kami ni Shane eh.. H-hindi naman namin ginusto na i-itago sakanya lahat.." Tumulo na yung luha ko habang nagsasalita ako, kasi naman eh ilan lang ang pinakatotoo kong kaibigan mawawala pa ba? At kasama si Syril sa itinuturi kong totoong kaibigan.




Sandali niya akong tinitigan, nagulat ako ng hampasin niya ng mahina ang pisngi ko. "Bakit ka ba umiiyak?!!" Sigaw niya saakin saka pinunasan niya ang luha ko, natawa ako ng marahan.



"Kasi ikaw hindi mo ako pinapansin eh.." Humihikbing sabi ko.




"Sige na..sorry na rin.. Hinihintay ko lang naman na kausapin mo ako eh, ayoko rin naman ng may kaaway. Pero kasi alam mo naman na masyado kong mahal si Abhie dahil para saakin best friend ko siya." Paliwanag niya, tumango tango ako sakanya.



"Halika nga dito.." Sabi niya saka hinila ako palapit sakanya at niyakap. "Sorry Syril ha.." Bulong ko.



"Kainis ka. Matitiis ba naman kita." Tumatawang sabi niya.




Humiwalay siya saakin at hinawakan ang kamay ko, "Dahil walang pera si Stan, ikaw nalang ang manlibre saakin ng cotton candy!" Natatawang sabi niya.



"Sige.." Nakangiting sabi ko saka hinila na niya ako papunta sa cart ng cotton candy, sobrang saya ko ngayon kasi okay na kaming dalawa.. Iba pa rin talaga kapag kaibigan na yung pinag uusapan, lalo na kapag naging importante na sayo. Para bang isang yakap lang mawawala na lahat ng tampo niyo sa isa't isa.



Napapitlag ako nang bigla niya akong sikuhin, ngumuso siya at napanganga ako nang makita ko si Abhie at Shane na naglalakad ng magkahawak kamay.



"Nasaan si Stan?" Natatawang tanong ko, kasi naman nagkaroon na ng sariling mundo yung dalawa.



"Ewan ko, tara sundan natin sila." Hinila niya ako at habang kumakain kami ng cotton candy pinapanood namin yung dalawa na maglambingan.




"Ihhhh..." Nagpipigil ng kilig si Syril dahil palaging bumubulong si Shane sa tenga ni Abhie.



Tinitigan ko si Syril, eh mas kilig na kilig pa siya kay Abhie, kahit na mukha ng kamatis si Abhie hindi pa rin niya ipinahahalata na kinikilig siya. Inakbayan ko si Syril.



"May love life ka ba?" Natatawang tanong ko sakanya. Umiling naman siya.



"Masaya na akong pinapanood ang love life ng kaibigan ko." Nakangiting sabi niya.



"Ahhhhhhh!!!" Halos magakasabay na siga namin ni Syril nang makita naming binuhat ni Shane si Abhie! Naghahampasan pa kaming dalawa dahil sa kilig!



"Haaay, nako ang landi nilang dalawa ha. Tara na nga, uwi na tayo." Sabi niya saka hinila na ako palabas ng amusement park.



"Syril.. Thank you." Bulong ko, lumingon siya saakin at ngumiti.



"Wala yun. Thank you din saka sorry din kung natatarayan kita nung mga lumipas na araw.." Sabi niya, nagkatawanan kaming dalawa.




February na! Pagkatapos nung nangyari sa amusement park palagi na kaming magkakasama nila Syril, Stan at Shane. Maayos na rin si Shane kela Stan, pero si Abhie hindi nanamin nakakasama pagkatapos nun. Minsan pinupuntahan namin siya sa bahay nila, kaya lang sobrang dami niya ring ginagawa, yung mga napatapat kasing Prof sakanila wagas magbigay ng project.




Si Shane naman palaging busy sa Org. naghahanda na rin kasi siya para sa pagtakbo niya bilang President ng school organization sa susunod na pasukan.



"Ano? Dalawa kayong date ko?" Sigaw ni Stan, abala na rin kasi kaming lahat sa pagpapractice ng Prom, at niyaya namin ni Syril si Stan na maging date naming dalawa dahil parang nakakaamoy kami na yayayain niya si Abhie, syempre hindi naman kami papayag ni Syril na mangyari yon noh! Dahil si Abhie ay para kay Shane lang!




"Shane pare gusto mo ng date? Mamili ka na sakanilang dalawa." Natatawang sabi ni Stan, umiling lang si Shane sakanya.



"Tae naman pare, sinong date mo?" Tanong ni Stan.



"Tinatanong pa ba yan? Syempre si Abhie!!" Sigaw ko, halatang nagulat si Shane sa sinabi ko, lumapad naman ang ngiti ni Syril.



"W-wala akong sinasabi Elle." Naiinis na sabi niya saakin.



"Pero alam ko gusto mong makadate si Abhie sa Prom!" Masayang sabi ko.



Nagbago naman ang ekspresyon ni Stan, nakangiti siya ngayon pero kita sa mukha niya na may halong lungkot iyon. "Hindi papayag si Abhie." Sabi ni Shane.



"Hina mo naman pare! Tutulungan kita!" Sigaw ni Stan, napapalingon na yung mga estudyanteng dumadaan dito sa cafeteria dahil ang ingay naming apat.



"Oo nga Shane, basta sabihin mo lang saamin!" Sigaw ni Syril.



Natigilan kaming lahat dahil bigla naming nakita si Abhie na naglalakad papunta sa bilihan ng sift drinks at napanganga kami dahil may sumusunod sakanyang dalawang lalaki at may dalang bulaklak.



Napatingin ako kay Shane at nakakunot ang noo niya dun sa dalawang lalaki.



"Ano na pre? Isang salita mo lang mawawala na yung dalawang lalaki sa likod ni Abhie, eh mukhang yayayain siyang maging date eh."



Tahimik lang si Shane pero nakasimangot siya, nakakatawa talaga itong best friend ko!



"Ayan na!!!" Sigaw ni Syril.



"Aish.." Naiinis na bulong ni Shane at nagulat kaming tatlo nang bigla siyang tumayo at naglakad palapit kay Abhie!



Nanlaki ang mata namin nang biglang hinila ni Shane ang kamay ni Abhie at saka hinalikan ito sa pisngi!

****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon