13

55.6K 1K 46
                                    





Chapter 13





ABHIE'S P.O.V





Tapos na ang klase namin, hindi na nga pala kami nakabalik sa klase namin kay Ma'am Lactan kanina kasi lumagpas na kami sa oras na binigay niya.





"Abhie! Hatid na kita!" - nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Stan!






Pero mas nagulat ako ng biglang kuhanin ni Shane ang dala dala kong libro.






"Pasensya na pare, may usapan kasi kami ngayon ni Abhie, may pupuntahan kami." - seryosong sabi ni Shane at hinila na ako palabas university.






"Shane!" - siga ko, lumingon siya saakin na hindi binibitawan ang kamay ko.






"Usapan?" - nakakunot noong tanong ko.





"Diba sabi mo kahapon isasama mo ako sa puntod ng mga magulang mo?" - sabi niya.






Oo nga pala sinabi ko sakanya kahapon yon, napangiti ako dahil hindi niya nakalimutan. Pumara na ako ng jeep papunta sa sementeryo.







"Kinakabahan ako Abhie, hindi kaya magalit saakin ang mga magulang mo?" - natawa ako dahil sa itsura niya halatang kinakabahan nga siya!






"Bakit naman sila magagalit?!" - natatawang sabi ko.






"Basta." - matipid na sagot niya at pinagsalubong niya ang palad niya na para bang kabadong kabado siya.




____________






Pagdating namin sa sementeryo, gumawa ako ng bulaklak sa papel.






"Sorry po Pa, Ma.. Nakalimutan ko kasing bumili ng bulaklak eh." - sabi ko.





Hinawi ko yung mga dahon nakakalat sa lapida nila Papa.






"Shane?" - pagtataka ni Shane..






Tinignan ko siya at nginitian, hindi ko kasi sinabi sakanya na kapangalan niya si Papa.





"Pa..Ma! Si Shane nga po pala, kaibigan ko." - pakilala ko.





Tinignan ako ni Shane, nakita ko nanaman yung kaba sa mukha niya. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan niya yung lapida nila mama.





"Hindi ka ba nagtataka Abhie? Kapangalan ko ang Papa mo. Tapos kapangalan mo ang Mama mo. Hindi kaya, pinagtagpo talaga nila tayo?" - tumawa ako ng malakas sa sinabi ni Shane! Grabe ha! Habang tumatagal lumalabas yung kakornyhan niya! Pero natutuwa ako!





"Pinagtagpo ka jan!" -sigaw ko sakanya.






Hindi na siya umimik pa ulit, titig na titig lang siya sa lapida nila Papa, para bang kinakausap niya ang mga ito.





Kaya naman tumahimik nalang din ako.





_________




SHANE P.O.V





Kasama ko siya.





At habang tumatagal alam kong palaki ng palaki yung kasalanan ko sakanya. Inaamin ko, nung una wala akong planong lapitan siya. Pero nung nakita niya ako sa sitwasyon nung panahong nasasaktan ako, hindi ko maiwasang hanap hanapin yung presensya niya dahil naramdaman kong magiging okay ang lahat kapag kasama at kausap ko siya.






Hindi ko naman ginusto na mahalin ang kapatid ko ng higit pa. Pero unti unti na rin naman akong naliliwanagan kung ano ba talagang nararamdaman ko para sakanya, yes, I'm inlove with my sister, pero unti unti na ring nabubura yung pagmamahal ko sa kapatid ko na hindi naman dapat.






But I can't live without Abhie, dahil unti unti ko na siyang minamahal. Totoo nga ang sabi nila, ang taong nagiging dahilan ng pagngiti mo siya rin ang nagiging dahilan ng pagtibok ng puso mo, at si Abhie yon.






Siya lang ang kaisa isang babae na nakapagpasaya saakin ng ganito.





Isa lang ang magagawa ko ngayon. Ang humingi ng tawad sa mga magulang niya.





Pinangako ko sakanila na sasabihin ko rin kay Abhie yung totoo pero hindi lang ngayon.





Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng takot.





Yun ay ang layuan niya ako at kamuhian niya ako dahil sa mga nalaman niya.




____________





ABHIE'S P.O.V





"Hoy Shane! Kinakausap mo ba sila Papa? Ang tahimik mo!" - untag ko sakanya, napatingin siya saakin. Nginitian niya lang ako.






"Nagsosorry lang ako sakanila." - seryosong sabi niya.





"Huh? Nagsosorry? Bakit?"





"Dahil nakilala mo ako." - hindi ko siya maintindihan, lumapit siya saakin at napapitlag ako ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko, napapikit ako ng dumapo at labi niya sa noo ko.





"I like you Abhie." - bulong niya pagkatapos niyang halikan ang noo ko.





Nag init ang mukha ko.





•I like you Abhie.•


•I like you Abhie.•


•I like you Abhie.•





Parang nag echo sa pandinig ko yon. Natulala ako at titig na titig ako sa nakangiting mukha niya. Hindi lang yon, sa mismong harapan nila Mama sinabi niyang gusto niya ako.





Nagising ako sa pagkatulala ng pitikin niya ang noo ko.





"Ang cute mong matutulala." - nakangiting sabi niya, napatungo ako. Nahihiya ako. Shet. I like you daw Abhie.






Susunod na ba nito I love you? Assuming nanaman ako!






Tumayo na ako!





"A-ano umuwi na tayo!" - sabi ko sakanya, tumango naman siya saka tumayo sa pagkakaupo.





___________





Naglalakad na kami ngayon dito sa subdivision namin.






"Ang tahimik mo. Hindi ako sanay." - natigilan ako ng bigla siyang magsalita, kanina pa kasi ako tahimik.






Diba kapag sinabi ng crush mo na gusto ka nila dapat nagdidiwang ka! Huwaa. Pero bakit ako?! Bakit nahihiya ako! I mean iniisip ko kung ano bang nagustuhan saakin ni Shane.






"Ah..wala may iniisip lang ako." - nauutal na sabi ko saka nag iwas ako ng tingin sakanya!






"Dahil ba 'to sa sinabi ko? Sorry Abhie..nagiging maingay na ba ako? Sorry gusto ko lang kausap ka.Sorry--"







"Hep!! Tama na ang sorry! Okay Shane.. Inaamin ko, medyo nahihiya ako sa sinabi mo.. At yang pagiging madaldal mo ngayon, mas gusto ko! Gusto ko kasi alam kong komportable ka na saakin! Yung sa sinabi mo.. Hindi--"






"Gusto kita dahil napapasaya mo ako." - putol niya sa sasabihin ko.






"Se-seryoso?" - pusang gala ano bang sinasabi ko?!






Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.






"Itong tinatawag mo na masungit, na Monster ng kagwapuhan.. Nagustuhan ka dahil ikaw si Abhie." - naalala niya pa rin yung monster ng kagwapuhan?!! Shet! Sobrang init na ng mukha ko! Pulang pula na siguro ako!







"Sana hayaan mo lang akong magustuhan ka."

*****


•••Hello?! Game una po sa lahat sa MOBILE lang po ako nag-a-update dahil sira po ang laptop ko. Kaya pasensya na kayo kung ang BAGAL ko daw po mag update. Sana po maintidihan niyo po, mahirap din po kasing mag isip at magtype na tutok tutok sa phone. Yung mga comments niyo po nababasa ko po! Maraming salamat po dahil binabasa niyo po 'to kahit na hindi ganun kaganda. Hindi ko lang po kayo masagot isa isa dahil mahirap po sa phone. Yung mga gusto pong magpadedicate, pag pinahiram po ako ng Kuya ko ng PC niya idededicate ko sa inyo yung ibang Chapters nito. SALAMAT PO ULIT!

Ate Abo.

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon