45

42.7K 866 57
                                    

NOTE: DALAWA PO ANG UD KO, baka po hindi niyo nabasa yung Chapter 44 :) Thank you!



Chapter 45


ABHIE'S P.O.V


"Ha? A-ayoko.." Nauutal na sabi ko sa dalawang kaklase ko, niyayaya kasi nila akong maging date nila sa Prom. Nagtitilian yung mga kaklase ko pero umiling iling ako.

Tumayo ako at naglakad papunta sa cafeteria, kasi nanunuyo ang lalamunan ko dahil na rin sa pagpapractice namin kanina para sa Prom. Pero nararamdaman kong nakasunod pa rin saakin ang dalawa kong kaklase.

Hindi naman sa nag iinarte ako pero kasi, nakapangako na ako sa isang tao. Actually last year pa nga diba? Kinontrata na niya ako na kami dapat ang magkadate sa Prom, first time kong magpo-prom at gusto ko espesyal iyon.


Pumunta ako sa bilihan ng soft drinks.. "Abhie sige na.." Narinig kong bulong nung isa kong kaklase. Nakakahiya kasi pinagtitinginan na kami dito, ayoko pa naman na nagiging sentro ako ng atensyon nakakahiya talaga.


"A-ate isa nga pong mountain dew." Sabi ko sa tindera, kaagad naman niya akong kinuha ng mountain dew, nagbayad na ako at inabot ko yung soft drinks, pero...


Bigla kong nabitawan yung mountain dew nang biglang may humila ng braso ko at halos manlaki ang mata ko nang bigla niya akong halikan sa pisngi!! Sobrang nag init ang mukha ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil nakalapat pa rin ang labi niya sa pisngi ko!

Sa amoy ng pabango niya, alam kong si Shane siya.. Maging ang hawak niya sa braso ko kabisado ko.


Isang nakakabinging sigawan ang narinig ko sa mga estudyante. Pero para akong bata dito na tulala. Yung basag na bote ng mountain dew tumama sa binti ko pero parang hindi ko maramdaman yung sakit, dahil nakapokus ang buong atensyon ko sa labi ni Shane na nasa pisngi ko.


Dahan dahan siyang lumayo ng kaunti at halos magtayuan ang balahibo nang maramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko, alam kong nakatingin din siya sa dalawang kaklase ko na nasa likod ko lang. Humigpit ang hawak niya sa braso ko at mas lalo niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko para bumulong.

"A deal is a deal Hon.. Isang selos kapalit ng isang halik." Napalunok ako sa boses niya dahil punong puno iyon ng awtoridad at ramdam ko ang pagseselos niya sa tono ng pananalita niya.


Nanghina ang tuhod ko.

"Sh-Shane..." Nauutal na bulong ko, "Let's talk." Malamig na sabi niya at pinadausdos niya ang kamay niya papunta sa palad ko tsaka ako hinila palayo sa cafeteria, nagsisisgawan pa rin ang mga estudyante kaya tumungo lang ako habang kinakaladkad ako ni Shane!



Hawak hawak pa din ni Shane ang kamay ko at halos limang minuto na kaming nakatayo dito sa rooftop. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at nararamdaman ko ang marahan na pagpisil niya sa kamay ko.


"Sha-/Abh-" Pareho kaming napatigil sa pagsasalita. Napailing siya at tumungo, napansin kong kumunot ang noo niya at parang may tinitignan siya sa binti ko.


Crush Kita Konti LangWhere stories live. Discover now