29

41.5K 784 30
                                    





Chapter 29



Napanganga ako sa tanong ni Stan kay Shane, pero ang mas lalong ikinagulat ko ay nung sumagot si Shane.

"Malapit na dude." Paninigurado niya.

Ngayon ko lang nakita na ganyan kapresko si Shane, kinakabahan ako sakanilang dalawa.

"Ano ba kayo? Pwede namang magsama sama tayong apat para walang gulo!" Pag iiba ni Elle ng usapan.

"Oo nga!!" Sigaw ko saka sumubo na ako ng pagkain, tahimik na rin silang kumain kaya medyo awkward rin.



Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa bus.


"Pupunta na tayo ngayon sa teacher's camp para makapag pahinga na ang lahat. Tapos mamayang gabi lalabas tayo para sa night market." Sabi ni Tita A.

"Ma'am! Hindi po ba tayo pupunta ng strawberry farm?" Tanong ng isang kaklase ko.

"Pupunta tayo, pero bukas pa, kasabay nung iba rin nating papasyalan." Sagot ni Tita A.


"Yes! Makakatulog na rin ng maayos!" Sigaw ni Elle, bigla naman akong kinabahan dahil sabi ni Shane marami daw multo sa teacher's camp. Nakakainis bakit ko pa kasi tinakot 'tong baliw na 'to eh alam ko namang ako rin lang ang matatakot.


Tinignan ko siya, nakapikit lang siya habang may nakapasak na earphone sa tenga niya. Ang lakas nga ng tugtog niya eh, rinig na rinig ko, Over my head by The Fray pa yung pinapakinggan niya.


Kanina nung tinanong siya ni Stan kung boyfriend ko siya medyo kinabahan talaga ako sa isasagot niya, anong sabi niya? Malapit na? Ni wala pa nga akong balak magboyfriend noh.. Masaya na ako na ganito kami, yung nagkakaintindihan kami kung bakit ganito kami ka-close. Yung tipong kahit alam namin na gusto namin yung isa't isa hindi kami nagkakailangan, yun nga lang sobrang seloso nitong si Shane.



Pagkadating namin sa teacher's camp, ang horror lang ng dating, kasi ang kapal kapal nung fog tapos yung tutulugan pa namin halatang lumang luma na talaga. Ang tataas pa ng puno at sobrang tahimik.


"H'wag kang matakot, niloloko lang kita kanina." Napatingala ako kay Shane ng magsalita siya sa tabi ko, nakangiti siya.

"Sinong may sabi sayong natatakot ako?!" Sigaw ko sakanya, ngumisi naman siya bago sumagot.

"Yang maputla mong mukha."


Napahawak naman ako sa mukha ko. Inirapan ko nalang siya at pumila na ako sa harapan ni Elle.


Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon