26

43.3K 829 23
                                    

Chapter 26

 

Sunday ngayon at may date kami ni Lord. Naglalakad na ako ngayon papasok ng simbahan, medyo marami-rami ng tao at nagsisimula ng magsermon ang pari nung dumating ako, kaya naman sa pinakadulo ako umupo.

Humingi na rin ako ng sorry kay Lord, dahil ngayon lang ulit ako nakadalaw sakanya, nagthank you na rin ako sa lahat ng blessings na ibinibigay niya saakin.

Pagkatapos ng misa, palabas na sana ako ng simbahan ng biglang may humila saakin!

“Oh Stan?! Dito ka rin pala nagsisimba?” Nakangiting batik o sakanya, tumango tango naman siya. Sumabay siya saakin paglalakad, magpapaalam na sana ako pero bigla siyang nagsalita.

“Kain muna tayo Abhie?” Aniya, sasagot na sana ako pero inunahan nanaman niya akong magsalita.

“Ops! H’wag kang tatanggi, pambawi ko na ‘to.. Hindi manlang kita maihatid pauwi sa bahay niyo kapag may pasok.. Sige na Abhie..” Pakiusap niya, tinitigan ko siya sa mata at nakita ko rin ang pakikiusap ng mga mata niya.. Huminga ako ng malalim  at tumango tango ako na naging dahilan para magliwanag ang mukha niya!

“Thank you Abhie!” Ngiting ngiti na sabi niya..

Sa Casa Delight kami pumasok ni Stan, maraming tao at karamihan sakanila isang pamilya na halatang kagagaling lang sa pagsisimba, nakakamiss magsimba kasama si Papa... Pancit Bihon at Puto ang inorder namin ni Stan at halos manlaki ang mata ko dahil sobrang dami ng pancit, maging si Stan natawa.

“Sorry, hindi ko alam na ganito karami pala magserve dito.” Paumanhin ni Stan.

“Okay lang yon! Maganda nga yan eh pampahaba ng buhay!” Nakangiting sabi ko sakanya, napapikit ako ng kurutin niya ang pisngi ko.

“Ang cute mo Abhie.. Kumain na nga tayo.” Aniya, nilagyan niya ng pancit at puto ang plato ko..

“Salamat Stan..”

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon