24

41.8K 875 34
                                    





Chapter 24


Hanggang matapos yung klase namin sa Computer at ibang subject pa namin hindi ako umimik.



Comfort zone..tama naman diba? Unang una alam ko naman na may ibang gusto o mahal si Shane, narinig ko yung nung unang pasok ko palang dito sa Oecil. Hindi ko alam pero parang may kung anong kumikirot sa puso ko.


Nakadalawang bote na ako ng tubig pero ayaw pa rin kumalma ng pagtibok ng puso ko.


"Okay ka lang ba?" Napapitlag ako ng magsalita si Shane mula sa likod ko, nandito kasi ako ngayon sa cafeteria.


"Ah.. Oo naman!" Sagot ko ng hindi humaharap sakanya! Nagmadali na akong maglakad pabalik sa classroom namin, isang subject nalang Abhie, kaya mo namang tiisin yon diba?


Pagkaupo ko sakto namang pumasok na rin si Shane at tumabi saakin, hangga't maaari ayokong tumingin sakanya.


"Kanina ka pa tahimik hindi naman pwedeng walang problema." Bulong niya, kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya saakin.


"Wala." Sagot ko at huminga ako ng malalim. Dumating na ang Prof namin, tahimik lang kaming dalawa, pero naririnig ko rin ang paghinga niya ng malalim sa tuwing mararamdaman kong nakatingin siya saakin.


Pagkatapos ng klase namin nagmadali akong lumabas ng classroom pero hinarang ako ni Stan, tumalikod ako pero nasa likod ko naman si Shane.


"Ihahatid na kita." Offer nilang dalawa..

"Ha? May pupuntahan pa ako!!" Sabi ko saka nilagpasan ko si Shane, pero tinawag niya ako at narinig kong tumakbo siya, hinila niya ang kamay ko at hinarap ako.


"Galit ka." Mariin na sabi niya.. Napatingin ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko, imiling iling ako at hinila ko pabalik saakin ang kamay ko.


Naglakad na ako palabas, hindi Abhie..hindi ka naman galit diba? Hindi mo lang maintindihan kung bakit nasasaktan ka nung marinig mong Comfort Zone ka lang.


_____


Kinabukasan kahit alam kong magagalit si Papa saakin hindi ako pumasok sa klase, dumiretso ako sa library at nagtago sa station ng mga Manga Books, nagbasa nalang ako dun.


Naalala ko bigla si Mr. Snowman, kung nandito lang sana siya edi may kausap ako ngayon.


Naramdaman ko unti unting pagbigat ng talukap ng mata ko. Inaantok pa yata ako, kaya naman pinili ko nalang maupo sa sahig at sumandal sa pader.


____


Parang may kung anong malambot akong pinapatungan ng ulo ko, dahan dahan kong iminulat ang mata ko at halos umabot sa tenga ko ang ngiti ko!!


"Mr.Snowman!!" Sigaw ko!


Ikinaway kaway niya saakin ang kaliwang kamay niya. At dahil nalulungkot ako niyakap ko siya ng sobrang higpit sa bewang niya!


"Namiss kita Mr.Snowman!!" Sigaw ko..


"SHHH!!" Narinig ko ang librarian namin, nakalimutan ko nasa library nga pala kami.


Humiwalay ako kay Mr.Snowman at tinitigan ko ang costume niya.

"Tamang tama ang dating mo Mr.Snowman, hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko eh." Malungkot na kwento ko, tumango tango naman siya.


"Alam mo kasi...naninikip yung dibdib ko ngayon, parang nararamdaman ko na rin ngayon yung kinukwento mo saakin noon na sakit.. Ikaw Mr.Snowman? Nasasaktan ka pa rin ba?" Sunod sunod na sabi ko at tanong ko.


Nagtype siya sa cellphone niya at itinapat saakin.


[Hindi na. Natuto na akong magmahal ng iba. Nasasaktan ka? :( ]


Napangiti ako ng makita ko pa yung sad face.

"Wow naman.. Mabuti yan iba na ang mahal mo, hindi na ang kapatid mo.. Ganun ba yon? Pag nasasaktan naninikip yung dibdib? Parang ang hirap makahinga?" Tanong ko sakanya, tumango siya bago nagtype ulit.


[Ano bang dahilan?]


"Haay..simula ng mawala ka Mr.Snowman, ang dami ng nangyari saakin dito sa school.. Naaalala mo pa ba si Shane? Yung crush ko? Alam na niya kasing crush ko siya.. Tapos kahapon may narinig lang akong nagsabi na 'Comfort Zone' lang ako, parang nasaktan ako na hindi ko alam." Bulong ko habang nakatungo, napatingin ako sakanya ng hawakan niya ang kamay ko, pamilyar ang mga hawak na yon saakin, parang nahawakan ko na ng matagal ang kamay niya.


Nagsimula siyang magtype.


[At pakiramdam mo ganun ka sakanya?] Tumango tango ako.

"Oo, para bang nilalapitan niya lang ako para kalimutan yung babaeng gusto niya. Kasi alam mo Mr.Snowman, may gusto siyang iba, o sabihin nanatin na may mahal siya.."


[Hindi Abhie.. Malay mo napapasaya mo talaga siya.]

Huminga ako ng malalim at umiling ng umiling.


"Hindi Mr.Snowman, napapasaya ko siya dahil comfort zone niya ako." Bulong ko, biglang tumulo yung luha ko, ano ba yan umiiyak ako ng dahil lang sa crush ko.


Naramdaman kong pinunasan niya ang pisngi ko bago siya magtype.


[Sa tingin ko..mahal ka na niya.]


*****


Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon