17

45K 1K 67
                                    




Chapter 17




ABHIE'S





Umalis na si Stan, tinatanong pa niya kung ayos lang ako pero hindi ko na siya sinagot.






Saktong pagkapasok na pagkapasok ka kasunod ko ng dumating si Tita Marie.






"Kumain ka na Abhie?" Nakangiting tanong niya saakin.





"Opo. Papasok na po ako sa kwarto ko." Walang ganang sagot ko.






Nagshower na kaagad ako sa cr ng kwarto ko, tapos isinuot ko yung jogging pants ko sa dati kong school tapos black tshirt, matutulog lang naman kasi ako eh.






Humiga na ako sa kama ko at tumitig ako sa kisame, naisip ko tuloy ano kaya kung lagyan ko ng glow in the dark na mga stars yung kisame ko.






Kapag may nakikita akong stars si Shane ang unang pumapasok sa isip ko, tinitigan ko ulit yung bracelet na binigay niya saakin. Galit kaya siya?






Kinuha ko yung cellphone ko sa side table ng kama ko at tinext ko siya.





•Galit ka ba?•






Akala ko hindi siya sasagot pero napapitlag ako ng mabvibrate ang cellphone ko.






Shane: Hindi. Wala naman akong karapatan magalit.





Nagtype ako para magreply.





•Kaibigan ko lang naman si Stan.•






Nanlaki ang mata ko! Cancel!! Cancel!! Aish, nagsend na! Nakakainis! Naisip ko kasi bakit kailangan kong magpaliwanag kay Shane? Ano ba kami?! Diba magkaibigan lang din naman kami? Masyado talaga akong assuming pagdating sakanya.






Shane: Karibal ko siya sayo Abhie.






Napakagat ako ng ibabang labi ko dahil sa reply niya. Karibal? As in kaagaw? Magtatype na sana ako pero bigla nanaman nagvibrate ang phone ko.





Shane: Nandito ako sa park.





Nanlaki ang mata ko! At napatayo ako sa kama ko! Hindi parin siya umuuwi?!! Humarap ako sa salamin at inayos ng kaunti ang buhok ko! Tapos tumakbo na ako pababa ng kwarto ko!






"Tita!! Pupunta lang po ako sa park!!" Hindi ko na hinintay sumagot si Tita Marie!






Binilisan ko ang takbo ko!






Kahit hingal na hingal na ako hindi ko na pinansin yon! Kailangan maabutan ko siya sa park!






At napangiti ako ng makita ko yung kotse niya sa gilid ng park, nakatayo sa likod non ang driver niya kaya naman lumapit ako dito.





"Manong si Shane po?!" Hinihingal na tanong ko.





"Ayon. Malungkot. Mukhang nagselos yata sa nakita niya kanina. Pag ibig nga naman oo." Sabi ng driver niya habang itinuturo ng nguso niya si Shane, nakita kong nakaupo si Shane sa isang swing.






"Pag ibig ka jan Manong!" Sigaw ko.





"Bakit? Masama na ba yon?" Natatawa ako kay Manong ang kulit niya kasing magsalita.






"Manong bata pa kami ni Shane." Umiiling iling na sabi ko.






"Bakit? Purket bata ka bawal ka na magmahal? Alam mo iha yang pagmamahal walang pinipiling edad. Pwede ka namang magmahal eh, basta may limitasyon nga lang." Pangaral ni Manong.





Totoo naman diba? Bata pa ako para sa love love na yan, pero paano nga kung hindi mapigilan ng puso ko ang pagtibok ng mabilis dahil sa crush ko? Ano ba naman itong mga sinasabi ko.





"Alam mo iha, simula ng makilala ka niyan ni Shane, saka ko lang ulit siya nakitang ngumiti ng totoo." Nakangiting sabi ng driver niya.





"Manong!" Pakiramdam ko kasi namumula na ako sa sinasabi niya tungkol kay Shane!






"Totoo naman iha! Love is in the air~~" May halo ng pang aasar na sinabi niya yon.





"Lapitan mo na. Kailangan na niya ng comfort mo." Pang aasar ni Manong saakin.






Tumawa nalang ako, dahan dahan akong naglakad papunta sa likod ni Shane, tinakpan ko ang dalawang mata niya mula sa likod, naramdaman kong dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ko, pero imbis na lingunin niya ako, hinila niya ang dalawang kamay ko dahilan para mapasubsob ako sa balikat niya, parang nakayakap na ako ngayon sa likod niya! Hawak hawak niya pa rin ang kamay ko at halos magkadikit na ang pisngi naming dalawa, halos mapalunok ako ng maamoy ko ang mabangong pabango niya.







"Ang sama mo Abhie." Seryosong bulong niya!






"Ha?! Bakit?!" Kinakabahang tanong ko!






"Basta basta ka nalang sumasabit sa puso ko." Seryoso pa rin ang boses niya, napangiti naman ako dahil sa kakornihan niya.






"Nasa dugo mo na ba talaga ang kakornihan Shane?" Natatawang sabi ko.





"Naging korni lang naman ako simula ng dumating ka sa buhay ko." Seryosong bulong niya, napalunok naman ako. Marahan niyang pinisil ang kamay ko.






Maya maya pa dahan dahan akong humiwalay sa pagkakayakap ko sakanya, umupo ako sa katabing swing na inuupuan niya.






"Bakit ka ba biglang umalis kanina?" Tanong ko sakanya.






"Anong gusto mo hilahin kita kay Stan?" Diretsong tanong niya dahilan para mag init ang mukha ko?! Hilahin kay Stan? Para naman kaming nasa teleserye non!






"Hoy! Hindi ah!!" Nauutal na sagot ko.






Narinig kong tumawa siya ng mahina, namiss ko yung pagtawa niya kahit na ilang araw palang kami hindi nagkikita.






"Sa susunod h'wag kang basta aalis, hindi ko tuloy malaman kung galit ka." Suway ko sakanya.






"I'm not mad Abhie. I'm jealous." Seryosong bulong niya, napatingin ako sakanya. Sobrang seryoso ng mukha niya, yung puso ko sobrang bilis nanaman ng tibok. Bigla siyang lumingon saakin.





"I'm jealous Abhie.." Ulit niya, napalunok ako dahil sa mga titig niya sa mata ko, para akong lalamunin ng mga mata niya, sobrang seryoso.






"I..I'm sorry.." Hindi ko alam kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko.





Pero nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko nalang na nakalapat na ang labi niya sa pisngi ko!





Inilipat niya ang labi niya sa tenga ko at napalunok ako sa ibinulong niya saakin.




"Isang selos, kapalit ng isang halik."

*****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon