CHAPTER 1

18.9K 276 9
                                    

Naiinis na kinuha ko nalang ang sketch pad ko sa kamay ni patty. Masyado kasing demanding 'tong bestfriend ko. Ginuguhit ko lang naman kung anung nakikita ko. Eh, kasalanan ko ba kung talagang medyo chubby sya.

"Kainis ka naman sandy, eh. Alam mo namang sa drawing mo nalang ako pwedeng pumayat di mo pa ako mapagbigyan." Pagmamaktol nito.

Napairap ako "Kapag ginawa ko 'yang gusto mo edi hindi na ikaw 'yun. Tanggapin mo nalang kasi na ganyan ka,"

"Tanggap ko naman na ganito ako, eh. Ang akin lang sana man lang iguhit mo yung maganda sa paningin ng tao." Nakabusangot na sabi nito.

Napailing nalang ako "Osya sige. Uulitin ko nalang pero ilalagay ko pa rin ito sa secret art gallery natin,"

Napangiti ako nang maalala ko ang secret place namin ni patty. Hindi nya gusto ang drawings pero nang may makita kaming magandang lugar sa likod ng school ay sya na mismo ang nagsabi na 'yun ang magiging art gallery ko. Nagustuhan nya kasi ang mga drawing ko at naniniwala syang may future ako.

"Tsk. Kapag may nakaalam ng lugar na 'yun humanda ka talaga sakin. Baka di mo alam na alam kong nandun ka parati sandy," Nakataas ang dalawang kilay na sabi nito.

"Hayaan mo na ako patty. Alam mo namang dun lang ako nagiging masaya. Pakiramdam ko malaya ako kapag nandun ako,"

"Basta mag-ingat ka nalang sandy kasi kapag nalaman 'to ng daddy mo tiyak na patatalsikin ka nun di lang sa buhay nya pati na rin dito school."

Napasinghap ako sa sinabi nya. As much as possible ay iniiwasan kong maalala ang tungkol sa pagiging malupit ni daddy sakin pero ito sya ngayun, Pinipilit pa rin sakin ang tungkol sa daddy ko.

"Don't be like that sandy. Sinasabi ko lang 'to sayo para maging aware ka kung anu ang tingin sayo ng daddy mo. Tama na 'yung harap harapang pantatapak nila sayo."

Napabuntong hininga ako. Hindi kami malapit ng daddy ko. Sa totoo lang ay hindi nya naman talaga ako tinuturing na anak. Pinag aaral at sinusustentuhan nya lang ako dahil sa batas. Oo ganun kawalang puso ang daddy ko. Palibhasa kasi'y anak nya lang ako sa labas at ang malala pa dun sa isang prostitute pa.

Ang mama ko naman ay parang kabute. Susulpot sya kapag may kailangan tapos mawawala ulit kapag wala ng kailangan. Ganun ako kawalang halaga sa mga magulang ko. Bata palang ako natutuhan ko nang maging responsable. Kailangan ko ring maging independent kung gusto kong mabuhay.

Naging mahirap ang existence ko dito sa mundo. Para akong batang ulila, walang ina walang ama. Walang wala ako. Wala akong kwenta para sa mga magulang ko. Isa lang akong kahihiyan para sa papa ko at sa pamilya nya. Wala itong pakialam sakin at sa existence ko.

"Wag mo nang isipin lahat ng problema mo sandy," Naputol ang pag iisip ko nang magsalita ulit si patty.

Tumango ako. Hindi ko nga talaga dapat iniisip 'yun. "Anung oras na ba?" Tanong ko.

"Lunch time na. Kanina pa nga tayo pinapalabas dito sa library, eh."

Natawa ako "Kaya pala nakabusangot na si ma'am,"

Napahagikhik naman sya "Oo nga, eh. Kakatakot."

Nag asaran pa kami ni patty sa loob library bago lumabas lalo tuloy nag usok sa galit si ma'am.

"Bakit kaya walang mga proffesor ngayun noh?" Tanong ko sakanya habang tinatahak namin ang daan patungo sa canteen.

"I don't know nga rin, eh. Tanungin nalang natin mamaya si kuya," Sagot nito.

Napa-ahhhh nalang ako. Kilala ko ang kuya ni patty pati mga cousin's at friends nito pati nga rin ang parents nya ay nakilala ko na rin. Mababait kasi ang pamilya nila at hindi mapanghusga.





The Coldhearted Beast 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon