CHAPTER 5

8.6K 208 3
                                    

MAS MAAGANG dumating si kuya patrick kesa sa lima. Nagulat pa nga ito ng makita si gabriel na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine.

"Ayos lang kayang iwan 'yung dalawa sa sala? Baka mag away na naman ang mga 'yun." Tanong ko kay patty nang ayain ako nito sa kusina.

"Hayaan mo na sila. Matatandan na yung mga 'yun." Kibit balikat na sabi nito.

Napabuntong hininga nalang ako. Iniisip ko lang na baka mamaya biglang magbugbugan yung dalawa sa labas, Hindi pa naman magkasundo ang mga 'yun.

"Gutom kana ba? Matatapos na 'ko rito baka gusto mong kumain." Tanong nito.

Umiling ako "Busog pa 'ko saka gusto ko sabay sabay tayong kumain,"

"Kung yan ang gusto mo," Sabi nito saka muling tumalikod sakin at humarap sa niluluto nya.

SABAY SABAY na dumating yung apat, Yung isa naman ay mamaya pa ang dating. Bumili pa pala sila ng cake at mga kakanin kaya't di sila agad nakapunta dito. Alam na alam talaga nila ang mga gusto ko.

Napangiti ako nang yakapin nila ako isa isa. Magugulo man silang apat at medyo mga babaero'y naging malapit pa rin sila sakin lalo na't tinuturing nila akong nakababatang kapatid.

"Happy birthday sandy," Sabay na bati nila kuya Nathan at kuya Nathaniel Laxamana. Kambal silang dalawa, Parehong maloko pero mga malalambing naman at makukulit.

Sumunod naman sakanila ay si kuya Daniel Dela cruz. Ang pinakababaero sa lima. Wala pa itong siniseryosong babae at puros good time lang ang nasa isip nya. Maloko din sya minsan lalo na kapag nakatrip.

"Hey baby S," Napangiti ako nang tapikin naman ako ni kuya Gilbert Laxamana sa braso "Happy birthday baby S,"

"Thanks kuya," Gilbert laxamana, kapatid nila kuya nathan at nathaniel. Isang taon lang ang agwat nila kaya madalas silang napagkakamalang triplets. Baby S ang tawag nito sakin samantalang patty baby naman ang tawag nito kay patty. Ito naman ang tahimik sa lima, hindi ito palasalita depende nalang kung kakausapin o tatanungin mo.

"Late na ba kami?" Tanong ni kuya daniel.

"Hindi pa kuya, tamang tama lang ang dating ninyo." Sagot ko sa tanong nito.

Tumango ito saka ako inakbayan "Gusto mo na bang makita yung regalo ko sayo?" Nakangising tanong nito.

Tinaasan ko ito kilay "Siguraduhin mo lang na di kabastos bastos 'yan kuya," Nakangusong sabi ko.

Kilala ko 'to eh. Mas maloko pa 'to sa maloko. Baka mamaya kung anu na naman ang ibigay nito sakin tulad nung isang taon na niregaluhan nya ko ng tatlong box ng underwear.

Natawa ito "Bukas nalang nga," natatawang sabi nito na nagpanguso sakin.

"Sabi ko na nga ba eh," Sabi ko nalang.

Hindi na naman matino ang regalo nito. Sabi ko naman na ayos lang kahit wala akong regalo kasi alam kung wala itong talent sa mga ganoong bagay, Kung ano ano na tuloy ang nabibili nito.

"Musta bro?" Nabaling ang tingin ko kay kuya nathan nang batiin nito si gabriel.

Tiningnan ko si gabriel na nakatitig lang kay kuya nathan. Aware naman ako na di sila close magpipinsan sa isa't isa pero iba pa rin pala yung feeling na magkakasama sila sa iisang bubong. Nakaka intense.

"Ahmm kain na tayo guys," Pagputol ni patty sa tensyon.

Hindi naman sila magkaaway pero ang intense talaga kapag nagkakabanggaan ang mga mata nila.

"Eat baby S," Natauhan lang ako nang bahagya akong tapikin ni kuya gilbert. Nakatitig na pala ako sa kawalan.

"Videoke tayo tulad ng dati," Sabi ni patty habang nagsasandok ng pagkain nya.

"Sure!" Pagsang ayon naman ng lima.

Tiningnan ko si gabriel na malayo na ang pwesto samin. Patuloy pa rin ito sa pagbabasa ng magazine na tila wala kami rito.

Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula na ring magsandok ng makakain.

"San ka pupunta?" Tanong ni kuya nathan nang akmang aalis ako.

"Bibigyan ko lang ng pagkain si gab-ark kuya," Napayuko ako.

"Hayaan mo syang magutom. kung ayaw nyang kumain, problema nya na yun." Inis na sabi nito.

"Bisita ko po sya kuya," Giit ko "Excuse me lang po."

Lumapit na 'ko sa kinaroroonan ni gabriel saka tumikhim para makuha ang atensyon nya "Gabriel...."

Ngumiti ako nang mag-angat ito ng tingin sakin "Kumain kana," Sabi ko sabay abot ng platong may lamang pagkain nya.



"Salamat," Nakangiting sabi nito kaya't diko maiwasan ang di pamulahan ng pisngi.

Ang pogi nya. Sh*t! Pakiramdam ko nag iinit ang pisngi ko. Kinikilig ako.


"S-Sige babalik na 'ko dun," nauutal na paalam ko.




Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalayo ako sa kanya. Syemay! Pakiramdam ko nanginginig ang mga kamay ko. Ganito ba talaga ang epekto nya sakin? Nakakabaliw.



"Ayos ka lang sandy?" Tanong ni patty nang makaupo ako sa tabi nya.


Dito lang kami sa sala kumain, Ayaw kasi nila sa dining table. Hindi daw nila feel dun. Ang weird lang.


"Ayos lang ako," Sagot ko.



"Sure?" Paninigurado pa nito.



Tumango ako. Ayos lang naman ako. Ang saya nga eh kasi nandito si gabriel.



Napatingin ako sa pwesto ni gabriel, at Muntik na akong mabulunan ng mahuli ko itong mataman na nakatingin sakin.



Lalong namula ang pisngi ko pati ang puso ko'y biglang bumilis ang pagtibok. Malala na ang epekto nya sakin at kapag nagpatuloy Pa 'to baka lalo lang akong mahirapan sa huli.




Nag iwas ako ng tingin sakanya. Alam kong nakita nya ang biglang paglungkot ng mga mata ko dahil sa biglaang pagkunot ng noo nito.



Gabriel I'm sorry. Gusto kong sabihin sayo lahat ng nalalaman ko pero alam kong hindi pwede. Hindi pwede kasi baka mapahamak ka lang.



Ayoko nang may madamay pang iba....



"Sandy?" Naputol ang pag iisip ko nang maramdaman kong may humawak sa braso ko.



Nang tingnan ko kung sino yun ay si kuya nathaniel lang pala "Bakit po kuya?"




"May ginawa ba si ark sayo? Alam mong gag* 'yun kaya mag ingat ka," Seryosong sabi nito.



Pilit ako ngumiti "Alam ko po kuya," pero mas gag* ang puso ko dahil tumibok ito sa taong hindi ko pwedeng mahalin.



Maling mali ang magkagusto ako kay gabriel at lalong maling mali itong pagtibok ng puso ko. Gusto ko mang pigilan ito ngunit hindi na pwede.



Hulog na hulog na ako sakanya. Hindi na ako makaahon dahil lunod na lunod na 'ko sa pagmamahal sakanya.



Tiningnan ko ulit si gabriel at tulad kanina, nakatingin pa rin ito saakin. Kunot ang noo at tila nagtatanong ang mga mata.


Nginitian ko nalang sya. Gabriel, Hindi man tayo pwede sisiguraduhin ko pa rin na magiging maayos ang lahat sa buhay mo.




Masaya ako at nakilala ko kayong mga LAXAMANA.



Ang angkan kung saan ako naglihim ng isang malaking sekreto at ang angkan na nagmahal sa isang katulad ko.




*****
HI :) AKO ULIT ITO, ANG WRITER NA SOBRANG BAGAL MAG UPDATE!

DREAM_SECRETLY.


Please support this laxamana series.

The Coldhearted Beast 💯Donde viven las historias. Descúbrelo ahora