CHAPTER 20

5.3K 102 1
                                    

ZANDRO POV

HINIGPITAN ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Baka sakaling maramdaman niyang nandito ako sa tabi niya at magmulat na siya ng mga mata.

"Wake up baby..." bulong ko. Dinala ko ang kamay niya sa labi. "Please...wake up." Pinagmasdan ko siya. Halos hindi ko na siya makilala dahil sa dami ng aparatong nakakabit sa katawan niya. Dalawang araw na siyang tulog at hanggang ngayon ay wala pang sign kung kailan siya magigising.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya at kung bakit siya nandito sa ospital ng baguio. Paano siya napunta dito sa baguio? Wala pang nagsasabi sa 'kin ng mga nangyari kahit ang mama at lola niya. Hindi pa ito alam sa bahay, dahil mahigpit na pinagbilin sa 'kin ni ron na hindi ito pwedeng malaman ng kahit sino. Kahit ang daddy. Siguradong susugod dito ang daddy kapag nalaman niya ito. Mula nang malaman niyang anak niya si sandy ay nasaksihan ko kung paano niya ito protektahan sa mga mapanghusgang tao.

"Ginawa mo ba ang bilin ko sayo?" Napasulyap ako sa gilid ko nang tumayo siya roon.

Tumango ako. "Hinahanap na nila si sandy. At Hindi titigil ang daddy ko hanggat hindi niya nalalaman kung nasan si sandy. Siguradong malalaman niya rin ang nangyaring ito."

"Hindi niya malalaman dahil ililipat ko na si sandy sa bahay ng boss ko ngayon din." Seryosong sabi nito. "Magpaalam kana muna sa kanya dahil ipapahatid na rin kita sa maynila." Dagdag pa niya.

Napatayo ako saka ko siya hinarap. "Hindi mo pwedeng i-alis si sandy rito! Paano kung mag-ka-kumplikasyon? Hindi ka ba nag-iisip?! At sino ka ba para magdesisiyon? Hindi siya aalis dito at di rin ako aalis sa tabi niya." Sigaw ko rito.

Tumalim ang titig niya sa 'kin. "Mas ligtas siya sa bahay ng boss ko kesa dito. Wala ka pang alam sa mga nangyayari kaya sumunod ka nalang. Dinala kita rito dahil kailangan ka niya at ngayong wala ka nang maitutulong, maaari ka nang umalis. Maghanda kana, dahil uuwi ka sa maynila sa ayaw at sa gusto mo." Seryosong sabi nito saka padabog na lumabas.

Nanghihinang napaupo ulit ako at muling hinawakan ang kamay ni sandy. "Baby...inaaway ako ng lalaking 'yon. Gumising ka na please para maipagtanggol mo naman ako.....baby please.......I miss you."

Naalala ko nung una siyang dumating sa buhay namin. Magulo pa nun, dahil sa pagkamatay ng mag-asawang laxamana at sinisisi iyon kay daddy. Malaki ang problema namin non, mas lumaki pa nung dalhin si sandy ng mama niya sa bahay namin. Nagalit ako non sa kanya pero nang makita ko siya umiyak dahil iiwan siya sa 'min ng mama niya ay lumambot ang puso ko. Namin.

Hindi niya alam na mas naging madali sa 'min ni daddy na harapin ang mga problema dahil iniingatan naming madamay siya. Mahal namin si sandy. Mahal na Mahal.

Tumayo na akong muli saka lumapit sa kanya para halikan siya sa noo. "Hihintayin kita sa maynila..." Bulong ko rito  na sana ay narinig niya.

Tiningnan ko muna siya ulit bago ako lumabas ng kwarto. Naka-handa na daw ang lahat sa paglipat niya. Gusto ko mang sumama ay hindi pwede. Ayaw ni ron.

"Zandro..." Napatingin ako sa kanya ng lapitan niya ako. Halata ang pagod at lungkot sa mga mata nito. Hindi ko maiwasan ang hindi maawa. Kahit malaki ang kasalanan niya sa pamilya namin ay nanay pa rin siya ni sandy....at kailangan ko siya respetuhin.

"Salamat sa tulong mo. Utang ko sa 'yo ang buhay ng anak ko." Nakita ko ang pangingilid ng luha nito bago nag-iwas ng tingin sa 'kin. "Wag kang mag-alala parati kitang ba-balitaan tungkol sa kalagayan niya." Ani pa nito.

Tumango ako. "Please....takecare of her." Gusto ko mang manatili sa tabi ni sandy ay hindi pwede. Pinapabalik na nila ako sa maynila.

Tumango siya. "Oo. Ma-ka-ka-asa ka."

The Coldhearted Beast 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon