CHAPTER 16

4.9K 96 3
                                    

ISANG fitted red dress na abot hanggang talampakan ang suot ko. Si kuya zandro ang nagbigay nito sakin para may maisuot ako ngayong araw, kaarawan niya kasi ngayon. At talagang sinugurado niya na pupunta ako.

Kinakabahan akong bumaba ng kotse at dire-diretsong pumasok sa loob ng hotel, kung saan ginaganap ang party ni kuya.

Pilit akong ngumi-ngiti kapag napapa-sulyap sa akin ang mga bisita. Alam kong walang nakaka-kilala sa 'kin pero hindi maiwasan ang hindi pa rin kabahan. Lalo na't mukhang matapobre ang halos lahat ng nandito.

"Ate sandy!" Napangiti nalang ako nang salubungin ako ng yakap ni mika. "Kanina ka pa namin hinihintay." Masayang sabi nito.

Napatingin ako sa kabuuhan niya, Isang cocktail red dress naman ang suot niya. "Ang ganda mo mika." Masayang ani ko.

"Mas maganda ka ate." Nakangiting sabi nito.

Natawa lang ako. "Nasan pala si kuya?" Tanong ko. Miss na miss ko na iyon. 'Tsaka gusto ko rin siyang batiin ng personal.

"Nasa table ng mga business tycoon ate kasama si daddy at michael. May pinag-uusapan sila about business." Sagot nito. Saka luminga linga sa likod ko na ikinakunot naman ng noo ko.

"May hinahanap ka ba?" Takang tanong ko. Para kasing may hinahanap ito ng kung sino.

Hinarap ulit ako nito. "Hindi mo sinama si ate sandra?" Nakangusong sabi nito.

Natahimik ako. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya? Gusto ko mang isama si sandy ngayon ay hindi pwede. Nanganganib siya pati ang batang nasa sinapupunan niya.

Napabuntong hininga ako. Gusto ko namang tapusin ang lahat ng ito pero hindi ko 'yun magagawa hanggat hindi ako sigurado sa kaligtasan ng pamilya ko, ng pamilya ni patty at ng pamilya ni sandy.

"Ate?" Napapitlag ako nang hawakan ako ni mika sa braso. Nalunod na naman ako sa pag iisip. "May problema ba? Tungkol ba ito kay ate sandra? Pasensya na kung pinipilit kong pumunta siya rito ate, Gusto ko lang kasing maging masaya ang birthday ni kuya--"

"----Its ok mika." Pilit akong ngumiti. "Parang nagutom ata ako sa byahe. Samahan mo naman akong kumuha ng pagkain." Paglalambing ko.

Natawa lang ito saka ako Iginaya sa buffet. Hindi naman talaga ako gutom, gusto ko lang ilihis ang usapan. Ayokong magsinungalang kay mika, kaya iiwas muna ako ngayon.

"Gusto mo bang tawagin ko si kuya at daddy ate?" Tanong ni mika sa 'kin ng ma-upo kami sa table nila.

"Wag na mika. Hayaan mo na muna sila." Ani ko. Nakita ko naman ang mommy niya na may kausap na mga bisita. Napa-ngiti nalang ako ng sumulyap siya sakin 'tsaka ako tinanguan.

"Okay." Nakangiti sagot nito. "Ate, pupuntahan ko lang muna ang mga friends ko, ha? Maiwan na muna kita rito." Pag-pa-paalam nito.

Ngumiti lang ako saka tumango. Nang makaalis na si mika ay 'tsaka palang ako nakahinga ng maluwag. Ang hirap huminga sa harap ng mga taong, alam mong may itinatago ka sa kanila.

Wala pa man sigurong dalawang minuto akong nag iisang naka-upo doon, nang may biglang umupo sa upuan sa harap ko.

Nag-angat ako ng tingin rito at muntik na akong atakihin sa puso nang makilala ko kung sino ang taong nakangising nakatingin sa 'kin ngayon. Na-mutla ako at pinag-pawisan. Nanginginig ang mga kamay ko sa presensiya niya.

"Long time no see sandy." Lalong lumapad ang ngisi nito nang makita niya ang takot sa mga mata ko. "Kamusta naman ang babaeng kinababaliwan ng kapatid ko? Mukhang lalo ka atang gumanda, tulad ng kaibigan mong si sandra." Sabi nito saka mahinang humalakhak.

Kinakabahang napatingin ako sa paligid namin. Thanks god! At walang nakakapansin sa 'min. Bumalik ang tingin ko sa kanya. "P-Paano ka n-naka-pasok d-dito?" Nauutal kong tanong.

Napangisi siya, "I have my ways sandy." Lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Lalong lumapad ang ngisi nito."Malapit na naming magawa ang mga plano namin sandy. Anung gusto mong unahin namin? Ulo ng daddy mo o nang mama mo?" Sabi nito saka humalakhak.

Nanlaki ang mga mata ko. Nanlamig lalo ang buong katawan ko sa sinabi niya. Sunod sunod na paghinga ang ginawa ko. Parang may kung anung pumipiga sa puso ko. Natatakot ako sa sinabi niya dahil alam kong kaya niyang gawin 'yun.

"W-Wag mo silang g-gagalawin!" Nanginginig kong singhal sa kanya.

Humalakhak ulit siya. "Alam mo sandy, isa lang naman ang pwede mong gawin para pigilan kami ng kapatid ko." Huminto siya saglit saka seryoso akong tinapunan ng tingin. "Sumama kayo ni sandra sa 'min." Madiing sabi nito.

Napailing ako. "A-Ako na l-lang." Mahinang usal ko.

Napailing siya. "Hindi naman ata iyon pwede sandy. Paano naman ako? Ang makuha si sandra at masama sa impyerno ang huling nasa plano ko." Bumalik ang ngisi nito. "Wag kang mag-alala makakasama mo rin naman siya doon." Halakhak nito.

Tumayo na ito saka naglakad palapit sa 'kin. Itinapat nito sa tenga ko ang kanyang labi saka bumulong na lalong nag-pa-taranta sa buong sistema ko. "Pwede ko ring unahin ang ark laxamana na 'yon. Tiyak na matutuwa ang kapatid ko." Bulong nito na lalong nag-pa-taas ng takot ko.

Hindi na ako naka-alma dahil mabilis na rin itong naka-alis. Nakuyom ko na lamang ang kamao ko 'tsaka pumikit ng mariin. Hayop ka Lloyd! Pareho kayo ng kapatid mo. Anak ng demonyo!"

"HAPPY BIRTHDAY kuya!" Pinilit kong maging masigla ang boses ko sa harapan niya. Ayokong mag-alala siya sa 'kin.

Natawa siya atsaka ako niyakap, "Salamat baby." Malambing na sabi nito.

Napangiti ako 'tsaka tumingala sa kanya. "Gusto mo na bang makita ang regalo ko sayo kuya?" Tanong ko.

Nagningning naman ang mga mata niya. "Sure." Excited na sabi niya.

Natawa nalang ako 'tsaka pumanta sa gilid ng kama niya. Nasa kwarto niya kasi kami ngayon. Actually di pa tapos ang party, Iniwan lang namin saglit dahil nga sa gusto niya rin akong maka-usap.

Painting ang regalo ko sa kanya na ako mismo ang puminta. Wala kasi akong maisip na ibigay sa kanya, kundi ito.

"Z father. Ang pinangalan ko diyan kuya." Z for zandro. Iginuhit ko siya na may malapad na ngiti sa mga labi habang minamasdan ang isang sanggol na nasa mga bisig niya. Napangiti ako nang makita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya. Sisiguraduhin kong mahahawakan niya ang magiging anak nila ni sandra, hindi ko nga lang muna ipapaalam sa kanya ngayon. Masyado pang maaga.

"Ang ganda." Komento nito. Ngumiti ako. Umupo sa tabi niya 'tsaka ko siya niyakap ng patagilid. "Mahal na Mahal kita kuya." Bulong ko rito.

Ibinaba muna niya ang painting ko saka niya ako niyakap pabalik. "Ang baby ko, nanlalambing." Biro niya na ikinahagikhik ko. "Mahal din kita sandy. Mahal ka namin." Sana kasama si daddy at mama doon, kahit ka-unting pagmamahal lang.

Buong buhay ko, kuntento na akong ganito lang. Kahit hindi ko sila kasama, basta ramdam ko ang pagmamahal ng mga kapatid ko. Hindi naman ako naghahangad ng iba pa. Ang tanging gusto ko lang ay maging masaya ang mga taong nasa paligid ko. Lalo na ang mga mahal ko.

Nandito na nga sila. Nandito na ang mga demonyong pwedeng manakit sa mga mahal ko.

Desidido na akong lumaban ngayon. Sa susunod na pagkikita namin ay hindi na ako matatakot pa. Lalaban na talaga ako.

Hi guys!
I know lame itong chapter na 'to but i hope magustuhan niyo pa rin.

Thank you guys!

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now