CHAPTER 23

4.9K 94 0
                                    

ISANG LINGGO ang naging pahinga ko. Maayos na ang sugat ko at medyo humilom na rin, Maraming salamat sa pag-aalaga ni doktora.

"Nasa loob siya." Ani ni tito.

Tiningnan ko ang kulay puting pinto na nasa harap namin.Kamusta na kaya siya? "May progress po ba?" Tanong ko.

"Wala pa sandy. Pero minsan ay ay binabanggit niya ang pangalan ni Gabriel. Hindi ko lang alam kung ako ba 'yon O ang anak namin."

Bumuntong hininga ako. "Hindi niyo na kailangang magtagal pa rito. Higit limang taon na rin kayong hindi umuuwi. I'm sure mas mapapabilis ang paggaling niya kung uuwi na kayo." Hinarap ko siya. "Ako na ang bahala sa lahat tito. Wag na kayong makialam. Ang isipin niyo nalang ngayon ay ang kaligtasan ng pamilya ninyo." Kaya ko naman eh. Kahit ako lang ang humarap sa mag-aama. Ayos lang kahit hindi na ako makabalik ng buhay basta matigil lang ito.

"Sobra sobrang tulong na ang nagawa mo sa 'min sandy. Kung hindi mo siguro kami nailigtas noon ay baka wala na kami ngayon. Hindi ko hahayaang mag isa ka sa labang ito.Tutulungan kita kahit ayaw mo." Seryosong aniya. "Laban rin namin ito."

Suminghap lang ako atsaka umiling. "Si Gabriel..." Muli akong humarap sa puting pinto. Nangingilid ang mga luha ko at ayokong makita pa nila 'yon. "Kailangan niya kayo. Balikan niyo nalang siya. Para kahit wala na ako ay may makakasama siya."

"Walang mawawala sandy. Lalaban tayong lahat!" Aniya.

Umiling lang ako. Pinihit ko na ang seradura at agad na pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan ang mama ni Gabriel.

Sumandal ako sa likod ng pinto at napahikbi. Sumisikip na naman ang dibdib ko. Iniisip ko sila daddy at ang pamilya niyang sinira namin. Sila patty na nadamay lang sa lahat ng ito. Si Sandra na dinamay ko rin, Kasalanan ko kung bakit hindi kailangan nilang maghiwalay ni kuya at posibleng hindi pa malaman ni kuya na mag-ka-ka-anak na siya.

Huminga ako ng malalim. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at pilit na pinatatag ang loob kahit hinang hina na ako.

Nasa harap ko na ngayon ang ina ng lalaking mahal ko. Tulad ng huli ko itong makita ay tulala pa rin ito at naka-upo lamang sa kanyang wheelchair. Nakaharap lang ito sa T.V na mukhang iniwan talagang bukas ng kaniyang nurse.

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya atsaka ako umupo sa kaniyang gilid para makapantay siya. Noon, ay madalas ko siyang kinakausap at nagbabakasakaling gagaling siya. Ngayon naman ay gusto ko siyang paki-usapan na sana ay alalahanin niya ang anak niyang matagal nang nangungulila sa kanya.

"Tita....." Hinawakan ko ang isang kamay niya. "Nakikilala niyo pa ba ako? Ako po ito si sandy. Pasensiya na at ngayon lang po ulit kita nabisita. May mga nangyari lang po kasi tita." Lumunok ako atsaka yumuko. "Tita...madalas mo daw binabanggit ang pangalan ni gabriel? Alam ko pong anak ninyo ang tinutukoy mo.....N-Na-mi-miss niyo na po siguro siya, 'no? Ako po kasi Oo, miss na miss ko na siya tita." Muling nangilid ang mga luha ko. Nakita kong ganun din ang kanya. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikitang lungkot sa mga mata niya. She misses her son. "A-Alam kong gusto mo na siyang m-makita and i w-want that to ha-happened too.....Mahal ko po ang anak ninyo tita. A-At gusto ko po siyang m-maging masaya." Tumulo na ang mga luha ko. Ganun din ang kaniya. Sabay kaming lumuha pero ako lang ang humikbi. "P-Pero alam kong magiging m-masaya lang siya k-kung makikita n-niya kayo ulit. K-Kaya nakikiusap po ako sa inyo....lumaban po kayo at m-magpagaling para sa kaniya."

Naalala ko kung gaano kalungkot si gabriel. Alam ko 'yon kahit hindi pa ako malapit sa kanya dahil parati akong nakatingin sa kaniya kahit nasa malayo ako. He suffered too much at gusto ko nang tuldukan 'yon.

He desserves the best. Pati ang pamilya ni patty na naging mabuti sa 'kin. Ang pamilya ni daddy na nasira ko. At si Sandra pati ang pamilya niya na nasira ang buhay nang dahil sa 'kin.

Kung tutuusin ay ako ang puno't dulo ng lahat. Itong buhay ko ay isang pagkakamali. Kung wala ako, walang gulo. Sana namatay nalang ako, dahil kung ako ang papipiliin ayokong mabuhay sa mundong ito kung makakapanakit lamang ako ng tao.

NAPAG-DESISYUNAN kong bumalik ng manila bukas ng mag-isa. Kailangan kong i-check sila daddy at sila patty. Kailangan ko ring siguraduhing hindi sila madadamay.

Kailangan ko ring maka-usap si gabriel.....

"Sigurado kana ba?" Tanong ni ron.

Tumango ako at pilit na inabala ang sarili sa pag-a-assemble ng mga baril. "Kailangan ko nang ituloy ang mga plano ko." Sabi ko nalang.

Narinig ko ang buntong hininga niya. "Haharap ka nang mag-isa sa kanila? That's suicide!" Aniya.

Hinarap ko siya. "I am willing to die ron, pero isasama ko sila." Sabi ko nalang.

Walang imik na pumasok ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sala kung na saan sila mama, tito at lola. Sabay pa silang lumingon pag-pasok ko.

"Uuwi ako ng manila, bukas." Ani ko.

Kumunot ang noo ni tito. "Anong plano mo?" Tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Bumaling ako kay mama at lola. "Dito lang po muna kayo. Mas ligtas dito."

"Sasama ako sandy." Giit ni mama.

Umiling ako. "Hindi na po mama. Mas ligtas kayo rito."

"At ikaw? Kami, Oo ligtas dito! Pero Pano naman ikaw?" Ani ni mama. "Baka balikan ka nong mga taong humarang sa 'tin."

"Ako na ang bahala sa sarili ko mama. Wag na ninyo akong alalahanin." Bumuntong hininga ako. "Mas panatag ang loob ko kung nandito lang kayo ni lola." Ani ko pa.

"Pero apo...baka ikaw naman ang mapahamak." Ani ni lola.

Umiling ako. "Hindi po ako mapapahamak, la." At kung sakali mang mapahamak ako ay ayos lang. Basta ako lang. Basta walang masaktang iba. Kahit ako lang.

"Sana ay hind ka gumawa ng hakbang na ikapapahamak mo." Seryosong ani ni tito.

Pilit akong ngumiti. "Kung sakali mang meron ay sisiguraduhin kong magtatagumpay ako tito."

"Sandy!" Tutol ni lola at mama.

Inilingan ko lang sila. "Mag-aayos na muna ako ng mga ka-kailangan ko sa pagbalik." Sabi ko nalang saka dali daling iniwan ko na sila roon.

Pagpasok ko ng kwarto ay agad ko nang inayos ang mga gamit ko. Hindi ko na dinala ang ibang damit ko dahil meron naman ako non sa condo.

Sinigurado ko lang na nasa bag ko ay ang mga importanteng dokumento na pwede kong ilaban sa mag-aama. Hindi ko rin iniwan ang mga baril ko. Kahit ang kutsilyong binigay ni buddy sa 'kin noong birthday ko ay dadalhin ko.

Umupo ako sa kama pagkatapos kong mag-ayos. Kinuha ko ang phone ko at nag-gm kela patty. Siguradong nag-aalala na ang mga 'yon. Maraming missed calls ang phone ko nang ibigay ito sa 'kin ni ron kanina. Mas marami dito ay ang no. Nila papa at ni gabriel. Si patty naman ay mga puro txt lang.

Nang makita ko ang mga iyon ay lalo ko lang nakumbinsi ang sarili kong bumalik. Hinahanap na nila ako.

To Everyone,
      I am very sorry for making you all worried. I am safe and alive. Bukas na bukas rin ay uuwi na rin ako diyan. so, Don't worry about me okay?. I miss you all. Mwaa ;*

Send.

Haaays! Hello there.

I am so busy at school. Ayoko po kasong ma-moving down o moving out sa school kaya papakabait muna ako hahahaxD. By the way..thanks for reading this guys. I love you all mwaaa ;*

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now