CHAPTER 25

5.2K 94 1
                                    

MABILIS akong bumaba ng sasakyan nang harangin ako nang iilang pulis sa gate palang. Totoo nga ang binalita ni ron. Marami ngang mga pulis ang nakapalibot sa buong mansiyon. Somehow I felt relieve. And i hope ligtas na sila.

Bumuntong hininga ako at nagtaas ng dalawang kamay nang tutukan ako ng baril ng limang pulis. I wonder kung sinabi ba ni kuya na may kapatid siyang pupunta rito.

"Sino ka?" Matigas na tanong ng isa sa mga pulis.

"Sandy Reyes Delos Santos." Simpleng sagot. And as if on cue sabay sabay silang nagbaba ng baril.

"Kayo po pala ang sinasabi ni sir Zandro na darating niyang kapatid. Pasensiya na po sa inasal namin ma'am." Aniya pa nong isa.

Tumango lang ako. "Let me in." Matigas kong aniya atsaka mabilis na sumakay ulit sa aking kotse.

Nang buksan nila ang gate ay malaya na akong nakapasok sa aming mansiyon. Huminto ako sa garahe at tumabi sa kotse ni kuya.

Mabilis akong lumabas ng sasakyan at tumakbo papunta sa malaki nilang pintuan. Doon ay nakita ko si kuya na nakatayo at mukhang hinihintay ako.

Nagliwanag ang mga mata nito nang makita ako. "Sandy!" Nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry, kuya." Naluluhang sabi ko. Naglihim ako sa kanila. Kahit para naman iyon sa kaligtasan nila ay mali pa rin 'yon. Pero, kahit ganon ay hindi pa rin ako nagsisisi sa aking nagawa.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin atsaka ako hinawakan sa magkabilang braso. "Wala kang kasalanan sandy!" Seryosong aniya. "Kami nga dapat ang humingi ng tawad sa 'yo dahil napabayaan ka namin. Sorry sandy...kung nalaman ko lang ng mas maaga ang lahat sana ay nailayo pa kita sa lahat ng ito." Aniya.

Napailing ako at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. "Kuya, Kasalanan ko ang lahat. Isa akong malaking kasalanan. Isang kamalian ang nabuhay pa ako. Patawarin niyo sana ako kuya. Muntik ko nang masira ang pamilya ninyo."

"Sandy..." Niyakap niya ako ulit ng humagulhol na ako. "Isa kang delos santos. Kahit kailan ay walang mali sa 'yo. Isa kang biyaya para sa 'min sandy. Mahal na Mahal ka namin. Tandaan mo 'yan." Aniya pa na lalong nagpasikip sa dibdib ko.

Hindi ako nararapat mahalin. Kahit sino ay hindi ako dapat mahalin. Wala akong kwenta. Isa lamang akong bunga ng kasalanan. Kasalanan na muntik nang makasira ng pamilya. Ayoko nang makapanakit pa ng mga tao. Gusto ko nalang matigil lahat ng ito para pwede na rin akong mawala.

Hindi ko alam kong ilang minuto kaming nasa ganoo'ng posisyon. Basta namalayan ko nalang na hinihila na ako ni kuya paakyat sa kwarto nila papa at tita helen. Doon ko lang naalala na may sakit nga pala si Daddy nang...dahil na naman sa 'kin.

"K-Kamusta na si Daddy kuya?" Nanginginig kong tanong.

"Maayos na siya ngayon sandy, dahil alam niyang ligtas ka. Kahapon ka pa niya hinihintay at sana'y pakinggan mo kung ano man ang mga sasabihin niya sa 'yo."

Dahan dahan akong tumango. Naghintay lang kami ng ilang segundo bago bumukas ang pintuan na kinatukan niya. Si tita helen ang nagbukas.

Bahagya itong ngumiti sa 'kin. Tanging pagyuko lamang ang nagawa ko. Nahihiya ako sa kaniya. Alam kong sobra sobrang sakit na ang naibigay ko sa kaniya.

"Kanina niya pa kayo inaantay Zandro. Hindi raw siya matutulog hanggat hindi niya nakaka-usap si Sandy." Aniya.

Napakagat na lamang ako ng labi. Ano kayang pag uusap ang mangyayari sa 'min? Susumbatan na ba ako ni papa at sasabihin kung gaano ako naging isang tinik sa pamilya nila? Sa isiping 'yon ay diko maiwasan ang hindi mangilid ang mga luha. Ngayon palang ay naninikip na ang dibdib ko.

Napalunok nalang ako nang hilahin ako ni kuya papasok sa kwarto. Si tita helen naman ay nagpaalam lang na sasaglit sa kusina para maihanda ang kakainin ko.

"Dad," Ani ni kuya.

Nag-angat ako ng tingin sa taong nasa harapan ko. Mula nang una ko itong makilala at makita ay humanga na ako sa kaniya. Kahit malamig pa sa yelo ang kaniyang mga mata ay napahanga niya pa rin ako. He's my Dad afterall.

"Kanina ko pa kayo inaantay." Aniya habang nakatingin sa 'kin.

Ngumiti ako at unti unting humakbang palapit sa kaniya. "I'm sorry Dad..." Sabi ko.

Ngumiti rin ito sa 'kin atsaka ako niyakap. Ito ang unang pagkakataon na ngumiti siya sa 'kin ng totoo kaya't hindi ko na mapigilan ang humikbi sa bisig niya. Ngayon ko lang naramdaman na may tatay pala ako.

"No..sandy," Aniya. "I'm sorry..." Sabi niya atsaka niya ako hinawakan sa magkabilang braso at bahagyang inilayo sa kaniya. "I'm sorry anak. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa 'yo. Patawarin mo ako sa pagpapabaya sa 'yo. Akala ko kasi kapag inilayo kita sa 'kin at sa pamilya ko ay mas makaka-buti 'yon sa 'yo. Gusto lang kitang ilayo sa mga mapang-husgang tao sandy." Namumula ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. Magkahalong sakit at lungkot ang nakikita ko roon. "Ayoko lang maliitin ka at husgahan nang dahil sa 'kin. Patawarin mo ako anak kung naparamdam ko sa 'yo na isa ka lamang bunga ng pagkakamali ko."

"T-Totoo naman Dad. Bunga lamang ako ng isang k-kataksilan." Napahikbi ako. Matagal ko naman nang tanggap 'yon pero masakit pa rin tuwing lumalabas iyon sa mismong bibig ko.

"Hindi sandy." Umiling si Dad. Pinunasan nito ang mga luha ko. Basang basa na nang luha ang pisngi ko at kahit anong punas ang gawin niya ay hindi na ata 'yon matutuyo. "Anak kita sandy. Patawarin mo ako kung pinaramdam ko 'yon sa 'yo. Gago ako anak. Wala akong kwentang ama. Ni hindi ko naisip na napapabayaan na talaga kita. Kung hindi lang ako halos mabaliw sa kakahanap sa 'yo baka hindi ko pa ma-realize kung gaano ako kapabaya sa 'yo. I am sorry anak."

"D-Dad.." Muli ko siyang niyakap ng mahigpit. "M-Mahal na Mahal kita. Kahit kailan hindi ako nagkimkim ng sama ng loob sa 'yo. K-Kahit akala ko ay hindi mo ako mahal at p-pakiramdam ko ay wala a-akong halaga sa 'yo. M-Mahal na Mahal pa rin kita D-Dad. At nagpapa-salamat ako sa l-lahat ng ginawa mong sakripisyo para sa 'kin...."

"M-ahal na Mahal din kita a-anak. Mangako ka na hindi ka na ulit mawawala, baka tuluyan na akong mabaliw sandy." Aniya.

Tumango nalang ako habang nakayakap pa rin sa kaniya at umiiyak. I'm sorry Dad kung hindi ko 'yan magawa. May laban pa po kasi akong haharapin.

Habang humihikbi ako sa bisig ni Daddy ay tsaka ko naman naramdaman ang yakap ni kuya mula sa aking likod. Napangiti ako nang halikan niya ang tuktok ng aking buhok.

Wala na akong mahihiling pa. Sila lang naman ang kailangan ko. Ang pagmamahal nila. Sana lang ay hindi sila pabayaan ng panginoon.

"Hindi ko po kayo pababayaan." Bulong ko sa kanila.

Hi guys!

Sana magustuhan niyo ito. Feel ko itong tapusin. Wala munang update kay kirsten...sorry po :)

The Coldhearted Beast 💯Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora