CHAPTER 24

4.9K 91 2
                                    

WALA pang isang minuto akong nag-gm sa kanila nang magsunod sunod ang pagtunog ng phone ko. Mabilis ding nag-message ang mga ito na para bang hinihintay lang akong mag-txt sa kanila.

Napabuntong hininga nalang ako. Tinitigan ko ang screen ng phone ko nang mag-pop up doon ang pangalan ni gabriel. Ayoko pa muna siyang makausap kaya ibinaba ko nalang ang cellphone ko. Baka bigla akong mag-break down dito sa sobrang pagka-miss sa kaniya kapag narinig ko ang boses niya.

Miss na miss ko na siya. Pero anong magagawa ko. I need to stay away from him. Kahit na alam kong damay na rin siya sa lahat ay kailangan ko pa rin siyang layuan. Papatayin siya ni Diego, ang kapatid ni Lloyd.

Napaayos ako nang upo ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. At mula doon ay pumasok ang doktora. Ngumiti ito pagka-kita sa 'kin.

"Mukhang maayos na ang sugat mo, ah? Mukhang malakas kana ulit. " Puna niya.

"Thanks to you." Ani ko. "Kung hindi ka lang magaling, marahil ay nasa impyerno na ako ngayon."

Natawa siya. "Hindi ka tatanggapin doon sandy dahil hindi mo pa naman din oras. Ipapatapon ka lang rin rito sa lupa."

Ngumisi ako. "Kaya nga pinilit ko pa ring mabuhay." Ani ko.

"Pilitin mo ring mabuhay ng matagal, sandy."

HUMIGPIT ang kapit ko sa manibela ng makarating na ako ng maynila. Gabi na at tingin ko ay wala nang gising kahit sino kela patty at sa bahay nila Daddy.

My phone rang. Agad ko itong sinagot ng makitang numero iyon ni ron. Sa oras na ito ay paniguradong gising pa silang lahat para alamin kung ligtas ba akong makakarating rito.

"Ron," Panimula ko.

"Are you okay, Miss?" Tanong niya.

Tumango ako kahit hindi niya naman nakikita. "Yes. Papunta na ako sa condo ko ngayon ron." Ani ko.

"Miss, I suggest na doon ka muna sa mansiyon ng Daddy mo. Mas ligtas ka doon. " Aniya.

Kumunot ang noo ko. "Ron, hindi papayag ang Daddy na nandon ako. Isa pa ay baka madamay pa sila kapag nahuli ako ng mga tauhan nila Francisco." Hindi ko kayang pati sila ay mapahamak pa. Tama nang ako nalang.

Bumuntong hininga si ron. "Miss, Tumawag si Zandro para kumpirmaheng gusto rin iyon ng Daddy mo. At may mga pulis na nakabantay sa buong mansiyon for their security." Aniya.

Mabilis kong natapakan ang preno habang nanlalaki ang mga matang tiningnan ang cellphone ko. Kinabahan ako. May nangyri ba habang wala ako? Or he just...."You told them everything?! May nangyari ba?! Bat mga pulis ang nakabantay sa kanila ron?!" Gulat kong tanong.

Nagsunod sunod ang hininga ako. Pakiramdam ko ay puputok na ang mga ugat ko sa sobrang frustration na nararamdaman. Please....Don't make them enter this fucking mess!

"They receive a threat when you was here miss. And according to Zandro, Your father was desperately searching for you. Nag-hired siya ng mga private investigator to find you. Pero, walang nakahanap sa inyo. He got depressed. Tapos ay may threat pang dumating sa kanila. Kaya akala niya ay may nangyari nang masama sa 'yo."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Namutla ako nang mapagtanto ang sinasabi niya. "He can't be depress ron! Ni hindi siya pwedeng ma-stress! Mahina na siya! " Sigaw ko. Huminga ako ng malalim. I need to be calm. Shit!  "Now...tell me, Is he okay?" Tanong ko.

Hindi ito nakasagot dahilan para lalo akong kabahan. And I know ron, kapag nananahimik siya ay ibig sabihin lang nun ay may hindi magandang nangyari.

Hinampas ko ang manibela. Nakakainis! Bakit ba ito nangyayari?! Kapag may nangyaring masama kay Daddy ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Suminghap ko. This is my entire fault. Wala na ba akong magagawang tama?!

"Miss, I think you need to be there now. They are all waiting for you." Sa wakas ay nakapag salita na ulit siya.

"I will ron." Tumango ako at agad na pinindot ang End button.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa mansiyon namin. I need to be ready. They all know. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kanila ang lahat lahat.

Napahilot ako ng aking sintido. And then, I remember when I called Sandra. He was worriedly crying about me. Nag alala daw siya sa 'kin. I ask her kung safe lang ba sila lalo na't hinahanap na siya ni Lloyd. And thanks god she said Yes. Atlis alam kong hindi siya pababayaan sa kanila.

Kapag nakapag-paliwanag na ako sa kanila ay sasabihin ko na rin kay kuya ang tungkol kay sandra. He has to right to know the truth. Lalo na't magkakaanak na siya.

Kinuha ko ang phone ko atsaka ko di-nial ang numero ni Patty. Kung kumikilos na nga sila at pinapadalhan na ng threat sila Daddy. Siguradong may plano na rin sila sa pamilya nila patty. And I need to warned them.

Muli kong hinampas ang aking manibela ng ibaba ko ulit ang phone ko at hayaan ko itong mag-ring. Hinihintay ko lang na sumagot si patty.

This is f uck! Akala ko ay hindi ko na ito kailangang gawin. Hindi ko alam na mas tuso na pala sila ngayon. Gusto nilang mas mahirapan ako. Fuck them!

"Sandy!" Napangiwi ako nang marinig ko ang matinis na boses ni patty. "Oh my god! Where the hell are you?! Nag aalala kami sa 'yo dito! Alam mo bang konti nalang ay mabaliw kami sa kakahanap sa 'yo!! Anu bang iniisip mong bruha ka!!" Sigaw niya.

Napabuntong hininga ako. O admit namimiss ko na siya pero kung ganyan siya ngayon parang gusto ko nang ibaba itong tawag. But, i need to do this.

"Patty, calm down." Ani ko. "I need you to listen to me. Sabihin mo sa lahat ng laxamana na kailangan ko silang makausap bukas. Ipapaliwanag ko lahat patty." Sabi ko.

"Nasan ka ba ngayon?" Tanong niya sa mahinahong boses.

"Papunta na akong mansiyon nila Daddy. Doon na tayo magkita. And I'm sorry patty." Sabi ko bago pinutol ang linya. Alam ko kasing hindi siya titigil sa kakatanong. Bukas ko na sasagutin lahat. Because, for now I need to face my Dad's family.

Bumuga ako ng hangin. From the very beginning my life is a mess. Maling mali ang lahat sa buhay ko.

Isa akong kasalanan. At hindi dapat ako hinayaang mabuhay ng diyos. Hindi ko alam kung ano ang plano niya basta ang alam ko ay hindi niya dapat ako hinayaang isilang pa.

Hello po!

Txt for reading this. Sana magustuhan ninyo. Mwa ;*

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now