CHAPTER 21

5K 113 2
                                    

KARA POV

Sa isang malaking bahay kami dinala ni ron. Maraming mga armadong lalaki ang nakapalibot sa buong lugar kaya't sigurado akong ligtas kami dito.

"Magpahinga kana muna ma. Ako na ang bahala kay sandy." Sabi ko kay mama ng daanan namin ang magiging kwarto niya.

Tumango lang siya. Halatang pagod na rin ito at hindi na nagawang umalma. Hinintay ko lang itong pumasok sa kanyang kwarto bago ako pumasok sa kwartong kinaroroonan ni sandy.

Naabutan ko si ron sa loob. Kausap nito ang doctor na tumitingin kay sandy. Lumapit ako sa kanila kaya napatingin sila sa 'kin.

"Kamusta na siya?" Tanong ko. Tiningnan ko si sandy na tanging dextrose nalang ang nakakabit sa kanyang katawan. Tulog pa rin siya hanggang ngayon.

Ngumiti ang babaeng doktora sa 'kin. "Hinihintay na lang nating magising siya. At doon ko lang masasabi kung maayos na ba ang kalagayan niya." Ani nito na tinanguan ko lang.

Di rin nagtagal ay nagpaalam na rin ang doktor. Tumayo si ron sa gilid ko habang ako naman ay nakatuon ang atensyon kay sandy. Gumising kana anak.

"She'll be alright." Rinig kong bulong niya.

Tumango lang ako. I hope she will. "You have to rest. Para may lakas ka bukas." Tumikhim muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "My boss want to talk to you." Ani nito.

Napatingin ako sa kanya. Kunot ang noo. "Sino ba 'yang boss mo? At anung koneksiyon niya sa anak ko?" Naguguluhan ako sa boss na sinasabi niya. Kilala ko ba ito? Bakit tinutulungan nito si sandy?

"Boss ko na ang sasagot sa mga katanungan mo." Malamig na sabi nito. "I have to go. Alam mo na naman siguro ang kwarto mo? Hindi mawawala si sandy rito, kaya magpahinga kana." Hindi pa ako nakakaalma ay tumalikod na ito at lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga nalang ako saka muling bumaling kay sandy. Umupo ako sa gilid ng kama saka hinaplos ang buhok niya. Sana gumising na siya. Ipina-pangako ko na, hindi ko na ipaparamdam sa kanya na wala siyang halaga.

Ngayon ko lang na-realize na dinala ko ang anak ko sa kapahamakan dahil sa sarili kong kapabayaan. I am selfish! Ako ang dahilan ng lahat.

KINABUKASAN ay naabutan ko si mama sa hapag na mag-isang kumakain. May dalawang bakanteng plato pa akong nakita sa mesa na hindi pa nagagamit.
"Goodmorning ma," Bati ko rito saka umupo sa tabi niya.

"Goodmorning din." Bati nito pabalik. "Mauna na daw tayong kumain sabi ni ron. Hahabol nalang daw ang boss niya, may gagawin lang daw ito saglit." Sabi pa nito.

Tumango nalang ako. Hindi ko alam kung sino itong boss na tinutukoy ni ron pero ngayon palang ay nagpapa-salamat na ako sa kanya. Iniligtas niya si sandy. May utang ako sa kanya.

Tahimik lang kaming kumakain ni mama. Tahimik ang buong bahay. Hindi ko na rin nakita 'yung mga kasambahay na naabutan ko kaninang nag aayos ng hapag.

Patapos na ako sa pagkain ng makarinig ako ng mga yapak. Mabilis akong nag-angat ng tingin. "Goodmorning." Bati ng taong nasa tabi lang ni ron.

Umawang ang labi ko, kasabay non ay ang panginginig ng mga kamay ko dahilan para mabitawan ko ang kutsara't tinidor. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa taong nasa harapan ko. Imposible!!

"Kara..." Rinig kong ani ni ron na hindi ko na nagawang tingnan. "Siya ang boss ko." Ani pa nito.

Naramdaman ko ang lakas ng pintig ng puso ko. Namutla ako at tila nayanig ang buong sistema ko. Totoo ba itong nakikita? Imposible ito?! Imposibleng nasa harapan ko ang taong matagal nang patay!

"Shock?" Ngumisi ito. "Kamusta kana kara?"

Nangilid ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Totoo nga ito. Totoo ngang nasa harapan ko siya. Pero paano? Hindi ko maintindihan.

"Kilala mo siya kara?" Rinig kong tanong ni mama.

Hindi ko ito pinansin sa halip ay dahan dahan akong tumayo at nanginginig ang mga labing nagsalita. "G-Gabriel Laxamana." Nanghihinang bulong ko.

Narinig ko ang pagsinghap ni mama. Ngayon kilala niya. Napapikit ako at hinayaang maglandas ang mga luha sa pisngi ko. Ito na ba ang araw na 'yon? Pagbabayaran ko na ba ang mga kasalanan ko?

"Mabuti naman at hindi mo pa ako nakakalimutan kara." Ani nito sa malamig na boses. "Iwan mo na muna kami ron." Baling nito kay ron.

Tumango lang ito bago sinunod ang gusto ng amo. "It's been a long years kara." Ani pa nito saka umupo sa upuan sa dulo. Pinakatitigan ako nito. "Mukhang sariwa pa sayo ang lahat ng nangyari noon katulad ko."

Nanghihina akong bumalik sa pagkakaupo. Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito siya sa harap ko. Buhay na buhay!

"P-Paano ka...." Hindi ko na maipagpatuloy ang sinasabi ko dahil tila may bumara sa aking lalamunan. Sinubukan kong ibuka muli ang bibig ko pero wala ni isang salita ang lumabas doon.

"Marami ang nangyari kara. Una,  doon ang pakikipag-sabwatan mo kay francisco. Pangalawa, ay 'yong pagdamay mo sa sarili mong anak. At pangatlo, ay 'yong pagtangka ninyo sa buhay namin ng mahal kong asawa." Ani nito sa malamig pa rin na tinig.

"K-Kara...." Narinig ko ang pagsinghap ni mama. Hindi noya ito alam. Wala siya alam. Napapikit nalang ako.

"Gusto mo pa bang malaman kung gaano kahirap ang lahat kara? Gusto mo bang malaman ang pakiramdam na mawalay sa anak?" Tanong nito.

Mabilis akong umiling. Nakagat ko na lamang ang labi ko. Ayokong malayo ulit kay sandy. Di ko kaya. Gusto kong itama ang lahat.

"You know what....kung wala lang akong utang na loob sa anak mo. Hindi ko naman kayo tutulungan." Narinig ko ang ngisi nito. "Pero dahil mabuting tao ang anak mo ay hindi ko naman siya magawang pabayaan." Dagdag pa nito.

Hindi ako nakapag-salita. Hindi ko kaya at wala akong lakas. Nanghihina pa rin ako at pakiramdam ko ay maputlang maputla pa rin ako hanggang ngayon.

"P-Patawarin...mo..ang..a-anak...ko...m-mr. Laxamana..." Napatingin ako kay mama ng magsalita ito.

Umawang ang labi ko. Pipigilan ko sana siya ng magsalita ulit ang lalaking laxamana. "Hindi ko pa iyan maibibigay ngayon. Hindi madaling magpatawad ng taong muntik ng pumatay sa amin ng asawa ko." Matigas na sabi nito.

Nasan na nga ba ang asawa niya? Bakit siya lang humarap sa 'kin? Hininto ko muna ang matinding pag iisip ko. Wala akong karapatang hanapin ang asawa niya. Malaki ang kasalanan ko sa kanila. Malaking malaki.

Huminga ako ng malalim atsaka tinuyo ang luha sa aking pisngi. "I-Im sorry...I...I was...blinded b-by l..love." Sa wakas ay nagawa ko nang magsalita. Nagawa ko ng humingi ng tawad. Pakiramdam ko ay kahit papano, kaya ko pang bumawi sa lahat...lalo na kay sandy.

"And still you are." May diing ani nito.

Napayuko nalang ako. Oo mahal ko pa si francisco, pero kung papipiliin ako sa kanilang dalawa ay sigurado na akong anak ko ang pipiliin ko. Ayoko nang sumugal para kay francisco. Ayoko nang magpagamit sa kanya dahil sa huli, anak ko rin ang napapahamak.

"But If you really are sorry. You'll going to put aside your selfishness for your daighter's safety." Seryosong sabi nito.

Yes. I've been selfish. But i am done with that. This time i need to fight for my daughter.

AN: wala talagang tatalo sa pagmamahal ng isang ina. Sana tayong mga anak ay pahalagahan iyon.

Fight for the love na ang pegg nito. Please support this. Thanky.

The Coldhearted Beast 💯Där berättelser lever. Upptäck nu