CHAPTER 9

6.3K 154 1
                                    

"Sorry talaga patty,"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya bago ako hinarap "Sandy, Wala kang dapat ikahingi ng tawad sakin. Wala ka namang ginawang masama eh. At kung sa tingin mo ay galit ako sayo, Nagkakamali ka." Sabi nito.

"Patty alam kong magugulo lang lalo ang lahat dahil dito sa desisyon ko, pero pwede bang kahit ngayun lang gawin ko naman ang isang bagay na alam kong ikaliligaya ko kahit sa kaunting panahon lang."


"Sandy," Lumapit ito sakin saka hinawakan ang dalawa kong kamay "Makinig ka sakin." Seryosong sabi nito "Si ark ibang klase 'yun kapag nagalit. Paniguradong kamumuhian ka nya sandy."

Napayuko ako "Alam ko patty?" Nangilid ang mga luha ko "At handa na ako para doon." Malungkot kong pahayag.

"Sana nga sandy." Bumuntong hininga ulit ito "Sana nga makayanan mo ang sakit,"

Matipid akong napangiti "Kakayanin ko basta nandito ka lang sa tabi ko."

"Hindi kita iiwan sandy. Pangako ko 'yan sayo."

Hindi ko napigilan ang hindi sya yakapin. Panatag naman ako na hindi nya ako iiwan. Matagal ko nang kilala si patty at ng mga panahong 'yun ay hindi nya ako tinalikuran at iniwan.


"Hey girls...." Sabay kaming napalingon sa pintuan ng marinig namin ang boses ni kuya patrick.


"Uuwi na kayo kuya?" Tanong ko rito nang mapansin kong bihis na bihis na ito.



Tumango "Yeah. May kliyente kasi akong katatagpuin ngayun." Sabi nito saka binalingan si patty na nakatayo lang sa tabi ko "Sumabay ka nalang kambal." Sabi nito sa kapatid.


Napasimangot naman si patty "Hindi na kuya. Alam mo namang hindi ko matatagalan ang dalawang 'yun." Sabi nito. Napailing na lamang ako. Si patty yung tipong ayaw sa mga magugulo. Ang knowing the twins for sure mag aaway lang ang 'yun sa buong byahe "Magtataxi na lang ako."


Bumuntong hininga na lamang si kuya patrick "O sige. Tawagan mo nalang ako kapag nakauwi kana para hindi ako mag alala."



"Hindi na ako bata kuya."


"Yeah right." Napa-irap nalang si kuya patrick saka nagpaalam sa akin bago umalis.



"Anung tingin nya sakin bata!" Inis na reklamo ni patty saka pumasok sa CR para maligo.



Napapailing nalang akong lumabas ng kwarto. Minsan ang weird nilang magkapatid. May mga times na sweet sila pero may mga times naman na kung magtalo sila parang ang laking bagay na nang pinag aawayan nila.




"What the hell nathan!"


Kumunot ang noo ko nang maabutan kong nagkakagulo ang kambal. Mukhang pinag aawayan na naman nila ang remote ng T.V ko.


"P*ta lumayo ka nga sakin nathaniel! Kita mo nang nanunuod 'yung tao eh!" Yamot na sigaw ni kuya nathan pabalik sa kambal.




"Tang*na! Ako ang nauna dito!" Ganting sigaw naman ni kuya nathaniel.



Napakamot na lamang ako ng ulo. Pinagtatalunan na naman nila kung ano ang papanoorin. Unlike kuya nathan na mahilig sa action, Si kuya nathaniel naman ay mahilig sa cartoon. Kaya mahirap talaga kapag nagsama ang dalawa sa isang lugar na isa lang ang T.V.



"Ang pangit naman kasi ng pinapanuod mo!" Inis na sigaw pa ni kuya nathan.



"G*go mas pangit 'yang pinapanood mo. Tang*na ibalik mo nga ulit kay spongebob! Kapag di ko natapos ang episode na 'yun malilintikan ka talaga sakin!"





The Coldhearted Beast 💯حيث تعيش القصص. اكتشف الآن