CHAPTER 26

5.4K 96 6
                                    

KINABUKASAN ay nagising ako sa ingay na nagmumula sa baba. Napatakbo ako palabas ng kwarto at pababa ng hagdan nang marinig ko ang sigaw ni Mika.

"Anong nangyayari?" Natataranta kong tanong nang makita ko si tita helen at michael na pinapatahan si Mika.

Napatingin ako sa may pintuan nang marinig ko ang mga nagkaka-gulong mga pulis sa labas. Nagtatakang bumaling akong muli kela tita helen.

"Tita...." Sinubukan kong kumuha ng impormasyon sa kaniya pero tanging pagyuko lang at paghikbi ang pinakita niya sa 'kin. Anu bang nangyayari.

"A-Ate..." Napatingin ako sa nanginginig na si Mika.

Agad ko siyang nilapitan at hinaplos ang pisngi. "Bakit ka nanginginig Mika? May nanakit ba sa 'yo? May nanakot na naman ba sa inyo? Anong nangyayari sa 'yo?" Puno ng pag aalalang tanong ko.

Lalo lamang siyang humagulhol sa tanong ko. Nakita ko ang panginginig niya kaya bahagya ang napalayo sa kaniya. Tiningnan ko si michael nang hawakan niya ako sa braso. Doon ko lang napansin na pati siya ay nanginginig na rin.

"A-Ate..." Naluluhang sabi niya. Magsasalita pa sana siya nang marinig namin ang tunog ng ambulansiya sa labas.

Doon ko napagtantong may masama na namang nangyari. Pero kanino? Kinakabahang bumaling ako sa may pinto. Nagdadalawang isip kung lalabas pa ba ako O hindi. Anung nangyayari?

"A-Ate..." Muli akong bumaling kay michael. "K-Kanina nung lumabas si M-Mika ay may nakita siyang n-naghihingalong lalaki sa labas." Napayuko siya. Nagtaas baba ang dibdib ko, pakiramdam ko ay nanginginig na rin ang buong sistema ko. "K-Kilala n-namin kung s-sino 'yon ate....." Aniya.

"S-Sino?"

Hindi ko alam kung kaya ko bang malaman kung sino ang nakita nila. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Natatakot ako sa posible kong malaman. Paano kung isa 'yon sa malapit sa 'kin?

"S-Si Carlo M-Martinez---" Hindi ko na pinatapos si michael at agad na akong tumakbo palabas ng mansiyon.

Parang ginugunaw ang mundo ko. Nanginig ako sa takot at unti unting tumulo ang mga luha sa pisngi ko.

Para akong unti unting dinudurog ng makita ko si Buddy na nakahiga na sa stroller. Punong puno ng sugat ang buo niyang katawan. Parang pinipiga ng paulit ulit ang puso ko nang makita ko ang mga dugong tumutulo mula sa mga sugat niya.

"Sandy..." Tawag ni Daddy at kuya.

Umiling lang ako sa kanila. Wala sa sariling naglakad ako palapit kay buddy. Napahagulhol ako nang abutin ko ang halos walang buhay niyang kamay atsaka ko iyon dinala sa pisngi ko.

"B-Buddy...." Halos pabulong ko nang sabi. "B-Buddy!" Bakit? Anung nangyari sa kaniya? Bakit pati siya? Bakit pati siya dinamay?!

Napahagulhol ako. Wala akong pakialam kung mapuno ako ng dugo niya. Gusto kong maramdaman niya na andito lang ako. Hindi ko siya iiwan.

"Ma'am, kailangan na po namin siyang dalhin sa ospital." Rinig kong sabi nila.

Nanghihinang napatango ako at bahagyang lumayo kay buddy. Nang akmang bibitawan ko na ang kamay niya ay saka naman siya nagmulat ng mga mata at pilit hinahawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"B-Buddy..." Nahihirapan niyang sabi.

"B-Buddy! Lumaban k-ka please.....w-wag mo akong i-iwan." Pagmamakaawa ko sa kaniya.

Dahan dahan tumaas ang kamay niya sa ere atsaka pilit inaabot ang pisngi ko. Bahagya naman akong lumapit sa kaniya. Tuloy tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha.

Ngumiti siya dahilan para lalo lang sumikip ang dibdib ko. Bumuka ang bibig niya at habang ginagawa niya 'yon ay unti unti na namang pumipikit ang mga mata niya.

The Coldhearted Beast 💯Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu