CHAPTER 30

6.8K 130 1
                                    

PAGKAPASOK namin sa isang kwarto kung nasaan sila francisco at Diego ay napangisi nalang ako. Kita ko kasi ang gulat at pagkabahala sa mga mata nila.

"What the hell?" Rinig kong singhap ni Diego.

"Tapos na ang laro ninyo." Sapilitan kong pinaluhod ang sunod sunurang si Lloyd, nasa ulo pa rin niya nakatutok ang baril na hawak ko.

"Nakahawak ka lang ng baril ang tapang mo na! Bakit tingin mo ba mapipigilan kami niyan." Singhal ni Francisco. Hahakbang sana ito palapit sa 'kin ng pigilan siya ni Diego. "Get your brother Diego! Wag ka lang tumayo diyan. Kung kailangan mong patayin ang babaeng 'yan ay gawin mo!" Sigaw niya.

Pinanlisikan ko ito ng mata atsaka siya tinutukan ng baril at pinaputukan sa binti. Ilang mura ang nasabi niya pagkatapos niyang mapaluhod. "Hayop ka talaga francisco! Magbabayad ka sa mga ka-hayupang ginawa mo!" I gritted my teeth. "Hindi ko pa nakakalimutan ang panggagamit mo sa mama ko para masira si Daddy kay tita helen! Manang mana sa 'yo ang mga anak mo. Mga makasarili at pilit pinagsisiksikan ang sarili sa isang babaeng hindi kayo magawang mahalin!" Sigaw ko.

Nanlaki ang mga niya nang sunod sunod kaming nakarinig ng putukan. Halos sabay sabay pa silang napamura doon.

"Walanghiya ka!" Sigaw niya habang masama ang tingin sa 'kin.

Umiling ako. "Hindi ako. Ikaw ang walanghiya." Sabi ko atsaka ko tinutukan ng baril si Diego ng akmang lalapitan nito ang ama. "Tumigil ka riyan! Isa ka pa diego! Hindi ka na rin nalalayo sa ama mo! Mula nang dumating ka sa buhay ko lalong nagkande-leche leche ang buhay ko! Sinira niyo ang buhay namin!" Galit kong sigaw sa kaniya.

Humalakhak si Francisco at kasabay non ay ang pagpasok ng mga pulis sa kwartong kinaroroonan namin. Isa isa namang pinosasan ng mga ito ang mag-ama.

"Tang*na! Bitawan niyo nga ako!" Rinig kong reklamo niya.

Nginisian ko siya ng huminto ito sa harap ko. "Tapos na francisco. Mabubulok kana sa kulungan." Sabi ko.

Sinamaan niya lang ako ng tingin bago siya hinila nang dalawang pulis palabas. Sumunod naman kagad sa kaniya ang mga anak na kapwa nakaposas na rin.

Nang maiwan akong mag-isa roon ay kusa nalang akong bumagsak sa sahig. Bukod sa masakit na ang sugat ko ay parang bigla nalang akong nanghina.

Napahagulgol ako. Tapos na. Mabubulok na sila sa kulungan. Mabibigyan ko na nang hustisya ang mga taong namatay nang dahil sa kanila.

"N-Natapos ko na b-buddy. Mabibigyan na k-kita ng hustisya." Hagulgol ko.

Napadaing ako nang lalong kumirot ang sugat ko. Hinawakan ko 'yon at don ko lang napansin ang pag-agos ng masaganang dugo mula doon.

"S-Sandy!" Nagulat ako nang bigla akong umangat sa ere. "Thanks god! You're okay!" Aniya habang inilalabas ako sa kwartong 'yon.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "G-Gabriel..." nanginig ang boses ko. Hindi ko akalain na susundin niya pa rin ako rito pagkatapos nang mga nalaman niya. Napatawad na ba niya ako? Hindi na ba siya galit sa 'kin? Ano bang nararamdaman mo ngayon Gabriel? Hindi kasi kita mabasa.

Pagkalabas namin ng yacht ay doon ko lang naalala ang mga bombang tinago ko sa iba't ibang sulok nun. Nasa bulsa ko ang maliit na remote at isang pindot ko lang don ay tiyak na sasabog na ang pinakamamahal na yate ni Francisco.

Napabuntong hininga nalang ako atsaka tiningala si Gabriel na seryoso lang sa paglalakad. Hinaplos ko ang mukha niya dahilan para mapatigil siya sa paglalakad. "I-Im sorry..." halos pabulong ko nang sabi. "M-Malaki ang kasalanan ko sa 'yo at sana m-mapatawad mo a-ako. Mahal na Mahal kita Gabriel." Bumuhos na naman ang masagana kong luha sa pisngi ko.

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now